Chapter 26: The Plan

165 17 12
                                    

Narda's POV

"Sa pagsapit ng bagong buwan."

Pagbukas ko ng aking mga mata, nasilaw ako sa liwanag. Nasaan ako?

Isang pamilyar na tinig ulit ang narinig ko.

"Kung saan ang kapangyarihan ay nasa kaitaasan."

Regina?

Sa aking harapan, nakaupo siya patalikod sa akin. Ang mga palad niya nasa lupa.

"Bubuhayin ko ang islang aming tahanan."

"Regi—" Hindi ko natuloy ang pagtawag ko dahil biglang nagyanig ang kapaligiran.

Na-out of balance ako kaya tinukod ko ang aking kamay sa puno na nasa likod ko.

"Regina!!" Tawag ko sa kanya ngunit tila hindi niya ako naririnig.

Ang mga halaman niya gumapang mula sa lupa sa ilalim ng kanyang mga palad at nagpatuloy para bigyang buhay ang tigang na kapatagan.

May kung anong tinig mula sa kawalan akong narinig

"Hinihiram mo ang kapangyarihan. Ano ang iyong alay?"

Nagbalik bigla sa alaala ko ang mga nabasa ko sa aklat na iyon, ang paghiram ng kapangyarihan at ang kwento ng unang Vanguardia.

Napatingin ako kay Regina.

"Ang buhay ng isla at mga Vanguardia, kapalit ng buhay ko."

I gasped. "Regina!!! Huwag!!!"

Nagsusumigaw ako. Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi ko kaya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinubukan kong abutin ang balikat niya ngunit naramdaman kong bumaligtad bigla ang sikmura ko na tila ako ay nahuhulog.

Namalayan ko na lang, pareho kaming nahuhulog sa bangin.

Nauuna siya at nakaharap siya sakin. Ang mga mata niya, nakatingin sa kawalan. Hindi niya ba ako nakikita?

Sinubukan ko siya abutin pero hindi ko magawa.

Sa ibaba namin, isang kapatagan ng mga puting bulaklak.

Puting bulaklak.

Ito ba ang aming tadhana?

"Regina!!" Pasigaw na nagmamakaawa akong tumawag sa kanya. Hindi niya ako naririnig.

Pumikit ako ng mariin nang malapit na kami sa ibaba. Ngunit sa halip na bumagsak kami sa lupa, naging lawa ito. Sa lakas ng impact, napapunta kami sa kailaliman ng tubig

"Please someone!" Hindi ko maintindihan pero naririnig ko si Regina kahit nasa ilalim kami ng lawa.

"Hindi ko na kaya!"

"Ayoko na!"

"I felt so sick!"

"Please."

Hindi ko alam kung ano nangyayari. She sounded so helpless, I almost cried.

"Please, I am so tired."

She became quiet and I swam fast to reach her.

In a soft voice, she said, "Please? Sabi mo uuwi na tayo? Sunduin mo na ako, please?"

Sa wakas, nahawakan ko na siya, "Andito lang ako." Sabi ko.

"Narda!!" Ang boses niya, nahaluan ng konting pag-asa.

"Uwi na tayo, please."

Tumingin siya sa mga mata ko. Nakita na niya ako.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

VANGUARDIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon