Regina's POV
"Mamahalin kita habang buhay at hanggang sa susunod na habang buhay."
"Magbago man ang anyo ng langit, mawala man ang buwan, mag-iba man ang kinaroroonan ng mga bituin."
"Ikaw ang paglalaanan ng pag-ibig saan mang mundo tayo mapadpad. Ikaw ang paglalaanan ng buhay ano man ang mangyari. Ikaw ang magiging kabiyak, sa buhay na ito at sa susunod na mga buhay."
"Ikaw at ako, pagbubukludin sa ilalim ng kapangyarihan ng buwan. Ako ay magiging sayo at ikaw ay magiging akin."
As Narda's promise to our mom, we repeated the vow in the presence of all the Vanguardias in a happy and magical wedding.
Our marriage ink glows.
"Naramdaman mo ang sayo?" Narda asked innocently.
"Yes, baby. We're married, ano ka ba?"
I remember her reaction when she first discovered my ink. I haven't told her at that time so when we are doing it, it's like she opened a surprise, and the room became a little hotter if that's possible.
"Regina, don't!"
"What?" I laughed. I'm not sure if it's a soulmate thing or talagang mas kilala na niya ako but I swear, sometimes she can tell what I'm thinking.
"Nasa harap tayo ng angkan mo. Wag ka mag-isip ng kung ano ano.." Tapos sinundan niya ng "mamaya."
So, we laughed some more before we kissed as a not-so newly wed. Everyone cheered.
We actually have another wedding, in human's world. How insane is this? Three weddings.
"Wait, more." I laughed when Narda leaned in again.
The island is as beautiful and peaceful as I remember.
And everyone is celebrating and happy.
Everyone is moving on.
A few times, I thought of Ali. Sana kung nasaan man siya, maging masaya na sya.
...
Ishna's POV
"Natapos ko na ang aklat, pinuno." Nakatayo kami sa di kalayuan. Dahil wala namang Vanguardia na kabilang sa unang antas ang nakasaksi ng lahat ng pangyayari, ako ang inatasan nila magsulat noon.
"Salamat Ishna." Sabi nito.
"Sinulat ko na din po yung pangalan ko dun bilang ang kauna unahang Vanguardia na nasa ikatlong antas na nakapag-akda ng isa sa mga aklat ng kasaysayan." Sabay tawa ko kasi hindi naman nila sinabing isama ko yun. Dinagdag ko lang.
Natawa din ang aking guro. "Nararapat lamang na bigyan ka ng pangalan. Tama."
"Ayun."
"Salamat Ishna sa lahat ng serbisyo mo sa mga misyon. Malaki ang nagawa mong tulong sa mundo natin. Isinantabi mo ang paghahanap ng itinakda para sayo para gawin lahat ng iyon."
Ngumiti ako at umiling, "Kahit ulitin pa natin lahat ito, iyon pa rin ang daan na pipiliin ko. Madami ako natutunan, madami ako naranasan. Hindi ko naman isinantabi ang paghahanap ng itinakda para sa akin, may mga bagay lang talaga na nais kong unahin. Kumbaga sa mundo ng mga tao, career muna bago love."
Tumingin siya sakin, "Salamat pa rin. At ngayon, maari mo na syang hanapin."
Well, I just decided to live a chill life near my friends for now. Maybe, Regina and I have a lot in common than I initially thought. Kasi wala sa priority ko talaga ang maghanap ng soulmate. Dadating na lang din siguro iyon.
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...