Chapter 25: The Lost Page (Part 2)

173 14 6
                                    


Narda's POV

Mag-isa akong naupo sa labas ng malaking pagamutan. Naisipan ko lang magpahinga at magpahangin saglit pagkatapos ilipat dito ang isa pang batch ng pasyente galing sa hospital na malapit sa community. Nangako ako kay Regina na maaga ako uuwi kaya nagpaalam ako na mauuna na ako sa kanila. Mukha naman nagsettle na ang lahat kaya okay lang kahit wala na ako.

Pag-upo ko, nahulog ang cellphone ko galing sa bulsa ko kaya pinulot ko iyon. Wala naman signal pero dito kasi ako nagsusulat ng mga notes ko. Dito sa mundong ito, gumagamit sila ng ulan, halaman at mahika sa panggagamot. Parang assistant lang talaga ako dito, sinusunod ko lang kung ano sinasabi nila, inaaliw ko lang yung mga pasyente. Okay lang naman sakin yun kaysa wala ako nagagawa. Instinct na rin siguro sakin na kapag may mga maysakit, hindi pwedeng hindi ako tutulong.

Nung paangat na ako, may liwanag na biglang lumitaw sa harapan ko.

"Aaah!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang lumabas si Noah. Muntik pa ako mahulog sa kinauupuan ko dahil wala akong balanse.

"Noah!"

Agad din sinarado ni Noah ang binuksan niyang gate. Nakita niya ako pero para siyang nagpapanic. Inabot niya sakin ang hawak niya ng walang sabi sabi at naglakad siya pabalik balik sa harapan ko. Yung dalawang kamay niya nakahawak sa ulo niya.

"Uhmm. Noah?"

"Kailangan ko makabalik dun. Ang ingay pa naman ni Ishna tuwing babalik sila ni Ali. Think. Think. San ako pupwesto?"

Hindi na lang muna ako umimik at hinintay ko siyang kumalma. Tiningnan ko yung inabot niya sakin. Isang aklat.

Nanlaki ang mga mata ko. Eto ba yung sinasabi nila na aklat ng unang Vanguardia? Medyo Malaki, parang encyclopedia. The book comes with a hard bound cover, a symbol was embossed in front. Buwan at mga bulaklak.

Hindi kakapalan ang libro. Tinry ko buksan ito ngunit biglang nagbukas ng gate si Noah. Lumusot siya doon at nawala ang liwanag.

"Huh." I blinked several times. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na nasa ibang dimension ako. Ano kayang nangyayari sa kanila? Di naman niya ako kinausap so baka di naman talaga niya kailangan ng tulong ko.

Nagkibit balikat na lang ako. Tiningnan ko ang libro sa mga kamay ko at luminga linga ako sa paligid.

Curiosity got into me. Binuksan ko siya.

First page is blank.

Sa sumunod na pahina, may mga nakasulat pero hindi ko maintindihan. Ibang language ata ito. Ito yung sinasabi nila na si Regina lang ang nakakabasa.

Hmmm. Tiningnan ko pa yung next page, ganun din. Bago ako bumalik sa una. Tinitigan ko lang, trying to decipher something nang biglang bumukas na naman ang gate. Sa sobrang gulat ko naihulog ko ang aklat.

"Noah naman!"

"Wait. Okay. I know na. Sayo muna yan!"

"Hihintay—" Tatanong ko sana kung hihintayin ko pa ba sila kasi baka hinihintay na ko ni Regina pero nagsara at nagbukas siya ulit ng panibagong gate at nawala na naman siya.

Ano ba kasing ginagawa niya?

Nang mawala na siya, naghintay pa ako ng ilang segundo. Baka babalik pa e. Nang tahimik pa rin ang paligid, yumuko ako para pulutin ang aklat.

Nahulog itong nakabukas sa ikalawang pahina.

Ang Pagsilang Muli ng... woahhh. Biglang nababasa ko na siya?

Pinulot ko agad agad ang aklat at nagpalinga linga ako sa paligid. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun.

"Ang Pagsilang Muli ng Kapangyarihan ng Buwan"

VANGUARDIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon