Narda's POV
Ayoko ko pa sanang bumangon para hindi magising si Regina kaso ako ang nakatoka sa agahan ngayon. Nakatulog kasi ulit siya.
Nang naka cuddle kami. Ems.
"Hala si Ate! Anong ngini-ngiti mo dyan?!"
Panggulo naman tong kapatid ko, nagmomoment ako e. Huminga ako ng malalim kasi masyado pa maaga para mabadtrip. Yung ipinarinig ko talaga sa kanya yung paghinga ko.
Titingnan ko sana ng masama si Ding kaso paglingon ko sa kanya, tinapik ba naman yung noo ko.
"Ding! Ang aga aga!"
"Hahaha! Ano ba kasing nangyayari dyan sa piniprito mo, bakit parang ang saya saya mo?"
"Wala! Dun ka na nga!" At itinulak ko siya. "Gising na ba sila Noah?"
"Oo, nagbibihis lang. Si Kuya Ali nasa labas, parang kanina pang gising yun. Pagtulog ko, gising pa siya, paggising ko, gising pa rin."
"Ahh.." Bumaling tingin ko sa bintana. Andun si Ali sa may bangko sa bakuran. Nagkakape.
Lumabas si Noah mula sa kwarto. "Gooooood morning, guys! Uy, sarap naman nyan." Sabi niya paglapit niya sakin.
Tumango lang ako sa kanya.
"Why are you scowling? Aga aga." Sabi niya sakin.
"Ah." Hindi ko naman napansin na nakasimangot pa ako. Itinuwid ko tuloy yung kunot sa noo ko gamit yung kamay ko. "Si Ding kasi." Sabi ko lang.
Nagtungo na ako sa table para ayusin. Tinulungan na din ako ni Noah at Ding.
Narinig kong nagbukas ang pinto sa kwarto ko. Sabay sabay kami napalingon paglabas ni Regina.
Pag-angat niya ng tingin mula sa hawak niyang cellphone, napatigil siya.
"Oh." Nagulat kasi siya na lahat kami nakatingin, co-incidence lang naman. Tapos nagsmile na lang siya at naglakad papunta sakin. Bale, pwede mong sabihin na ako ang napili. Hay. Totoo naman na ang ganda niya talaga sa umaga.
"Good morning. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya kasi nga di pa rin niya inaamin na umiyak talaga siya. Syempre, di naman natin pipilitin. Lumawak pa ang ngiti niya nang marinig niya yun, yung tipong umabot na sa mata niya tapos niyakap niya yung braso ko at sumandal saglit sa balikat ko habang nakatayo kami.
Hindi naman ako nagulat sa mga gestures niya (kinilig lang ng konti) kasi lagi naman niya ginagawa after talaga nung new moon incident.
"Double standards." Hirit ni Noah.
"Pinagsasabi mo." Sabi ko. Hinawakan ko sa likod si Regina at tinuro ang upuan. "Upo ka na."
Nagtungo ako sa may pinto para tawagin si Ali at si Lola para kumain.
"Wala kaming good morning. Ikaw lang. Diba Ding?" Narinig kong sabi ni Noah kay Regina.
"Nako, di naman marunong mag-good morning yan." Sabat pa nung isa.
Well. E sa gusto ko si Regina lang i-good morning ko e. Everyday.
Hindi ko nakita yung reaksyon ni Regina pero narinig ko yung tawa nya tsaka yung "really?".
Talaga naman si Noah. Tapos pagbalik ko, uupo pa siya dun sa tabi ni Regina.
"Noah, dun ka sa kabila."
"Why?? This is where I've been sitting since yesterday."
"Yesterday yun." Sabi ko. "Dali naaa." Kinurot ko siya sa braso.
BINABASA MO ANG
VANGUARDIA
FanfictionFantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in their arms and a soulmate to find. When they reached a certain age, they are allowed to explore and live in the human world. People know ab...