DxH Chapter 20

22 6 10
                                    

Halos limang oras na ang nakalipas pero nakatayo pa rin si Meil kasama si Otis habang tinatantya ang pisikal na anyo ni Heinukel Vetel. Hindi rin alam ni Meil kung papaano siya nakarating sa laboratory ni Otis. Ang tanging natatandaan niya ay ang paglalakad nila kanina sa pahabang pasilyo. Subalit sa kaniyang pagdilat nakita na lang niya ang kaniyang sarili na nakatayo sa maputing silid.

“I already examined everything. So far lahat maayos.” Meil forehead creased when Otis lent the piece of paper to her.

Wala siyang nagawa kundi abutin at basahin ang nakasulat. Her expression close up, seeing disbelief before she turned her head towards Acemaru, who was sitting in the corner, minding his own business by grooming his fur. Hindi makapaniwala si Meil habang binabasa ang nakasulat sa papel dahil halos walumpu’t anim na pulgada ang tangkad ni Acemaru.

S-Six footer?

Meil licked her lips once more and examined the additional information. She gulped, for Otis had managed to record a weight of almost two hundred and fifty-six pounds, with a body length of approximately ten feet.

“You okay?” tanong ni Otis sa kaniya nang mapansin niyang pumipikit-pikit si Meil.

“A-Ayos lang ako. Masyado lang akong nabigla sa impormasyon,” tanging sagot ni Meil.

“Hmm. Masasabi ko ngang kakaiba ang pisikal na anyong lobo ni Vetel kumpara sa mga nakasulat sa libro. The typical size of a wolf measures only about four to five feet,” ani Otis.

Sumandal siya sa lamesa at pinagmasdan si Acemaru. Pareho nilang inobserbahan ang anyong lobo ni Heinukel Vetel. Otis couldn’t be sure whether it was only Acemaru who currently had control over the two of them or if Heinukel Vetel was conscious of what was happening to him now. Napabuntong hininga siya. Hindi niya matanong si Meil dahil mukhang siya ay wala din kamuwang-muwang. Bumalik muli ang mata ni Otis kay Acemaru.

Acemaru was lying on the floor. His sleek, dark fur blends seamlessly with the dappled sunlight filtering through the window. Its ebony fur appears almost like a shadow against the pale backdrop of the room’s flooring. Acemaru’s eyes, a deep dark color, peer attentively at its surroundings, exhibiting both alertness and tranquility. Its muscular body rests gracefully on the ground, with one paw extended forward. At the same time, the other three are tucked neatly beneath it. Otis also observed the wolf’s ears stand upright, occasionally twitching at the sounds of his surroundings.

“Yikes!” Bahagyang natawa si Otis dahil sa gulat ni Meil.

Tumingin silang pareho kay Heinukel Hanuis na bagong dating. Hindi masisisi ni Otis si Meil kung bakit siya nagulat dahil sobrang lakas nang pagbubukas ni Heinukel Hanuis sa pinto na para bang gusto niyang sirain.

“Ugaliin mong kumatok. Nagulat tuloy si Meil,” suway ni Otis.

Nagkasalubong ang kilay ni Heinukel Hanuis dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Meil sa pribado nilang silid ni Otis.

Tumikhim si Otis bago nagsalita. “Kinakailangan ang presensya ni Meil dahil siya lang ang sinusunod ni Acemaru.”

Hindi pinansin ni Heinukel Hanuis ang sinabi ni Otis bagkus kinuha niya ang hawak ni Meil na papel nang walang paalam. Hindi rin naman ginusto ni Meil na sumama kay Otis pero nang sinubukan niyang umalis pagkatapos nilang magkasagutan ni Prinsipe Ocuser kasama si Aren ay biglang nagkaroon ng reaksiyon si Acemaru.

Acemaru emitted a threatening growl in response to Otis’s attempt to touch him. It was evident that Acemaru remained discontent. It was so strong that he resorted to a resounding howl to ensure he had Meil complete attention. Hindi maintindihan ni Meil kung bakit sa kaniya lang nakikinig si Acemaru. Kung tutuusin alam ni Meil na nakakapagsalita si Acemaru pero bakit ayaw siyang kausapin na para bang ayaw niyang ipaalam sa iba ang kakaiba niyang kakayahan. Sang-ayon naman si Meil sa desisyon ni Acemaru dahil sino ba ang hindi magugulat kung ang isang katulad ni Acemaru na nasa anyong hayop ay magsasalita na parang tao.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon