DxH Chapter 25

24 2 1
                                    

Jofer said, “Hindi ako sigurado sa plano niyong pumasok sa lupain ng Auckland pero kung dadaan kayo dito baka hindi nila kayo paghihinalaan ng mga nakatira doon,” suhestiyon niya bago tinuro ang parte ng mapa.

“May kailangan ba kaming malaman?” tanong ni Heinukel Moreen. Nakaupo siya habang nakacross ang kaniyang hita at kamay. Mukha tuloy siyang galit sa itsura niya. Minsan nakakamangha ang ganda niya bilang Elfar.

“Ang lungsod ko ang pinakamalapit sa Werzenia. Malaki ang galit ng mga tao ko kay Sultan Macter lalong lalo na sa inyo at maaaring ganun din ang ibang lugar. Sa tagal niyong hindi nagpaparamdam ay sigurado akong naghihinala na ang ibang mamamayan ng Werzenia kung bakit lumilitaw ang mga halimaw na hindi naman dapat,” mahaba niyang sabi.

Napagtanto kong nagsasabi si Jefor ng totoo dahil hindi nga lumalabas sa palasyo ang Heinukel. Madalas mababang kawal ang nakikita kong umaalis sa labas ng tarangkahan para mag-ikot sa kapital. Tulad ko hindi nakaimik ang iba sa sinabi ni Jefor.

“Mas maganda na rin na dito kayo dumaan dahil aabutin lang kayo ng dalawang araw bago kayo makakarating sa Fortaleza bago ang Auckland at kakailanganin niyo siya para makarating kayo ng ligtas.” Nagkatinginan kami ni Aren dahil tinuro siya ni Jofer.

“Bakit?” tanong ni Heinukel Moreen.

“He possesses Cryokinesis. He can control the situation in case na may hindi magandang mangyari sa paglalakbay niyo. This path is easy but difficult to pass by.”

“Can you explain to us bakit hindi mo sinabi na may iba pang mahika si Aren?” mataray na tanong ni Heinukel Moreen.

“Bakit ko sasabihin?” nalilito kong tanong sa kaniya.

“Talagang naghihinala ako sa’yo. Isa ka lamang Ordihum pero bakit may kakayahan kang hawakan at palabasin ang mahika ng Pollo? Kakaiba din ang itsura ng kapatid mo. Kaya niyang magteleport at may kakaiba pa siyang mahika,” nakakunot niyang wika.

“Hanggang ngayon ba iyan pa rin ang isyu mo sa’kin?” balik ko sa kaniya.

“Psh! Hindi ako naniniwala na apprentice ka ni Babaylan Yveli. Imposible din ang sinabi mo na ipinasa niya ang kakayahan niya sa’yo na makita ang hinaharap ni Sultan Macter.” Mukhang hindi ko talaga makakasundo talaga si Heinukel Moreen dahil sa ginagawa niya.

“Wala akong magagawa kung makitid talaga ang pag-iisip mo,” balewala kong sabi bago tumalikod sa kaniya.

“Anong sabi mo?” pasigaw niyang tanong.

“Narinig mo ang sinabi ko. Wala akong magagawa kung makitid ang utak mong intindihin na malinis ang intensyon ko. Kung hanggang ngayon pinagdududahan mo ako bakit hinahayaan ni Sultan Macter na sumama ako sa inyo? Isa pa may koneksiyon na kami ni Heinukel Vetel at isa iyon sa nagpapatunay na hindi ako masamang tao dahil pareho naming nakita ang memorya ng isa’t isa.” Totoo naman ang sinasabi ko.

Pili lang ang nakita namin sa memorya ng bawa’t isa. Recently lang na nakita kong alaala ni Heinukel Vetel at sigurado akong ganoon din siya.

“Malalaman ko rin ang tinatago mo lalong lalo na ang kapatid mo! Halos gabi-gabi ko siyang nakikita na tumatakas palabas sa palasyo kaya sigurado akong may binabalak kayong masama!” maangas niyang hamon sa akin.

My guard fell down dahil hindi ko expect ang binitawan niyang salita. Tumingin ako kay Aren pero nag-iwas lang siya ng tingin. Napabuntong hininga ako dahil sa ginawa niya.

“Tama na yang pagbibintang mo Heinukel Moreen.” Tumayo si Prinsesa Gail at humarap sa kaniya.

“Masyado kang nagtitiwala sa kaniya. Maging ang kuya mo Gail ganoon din ang nararamdaman,” siwalat niya na kinalaki ng mata ko.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon