DxH Chapter 19

32 4 9
                                        

Nagsimulang magsaliksik si Meil sa kaniyang mga katanungan mula nang makaligtas siya sa pagkalunod. Una sa lahat ay kung bakit kinailangan ni Duchess Gabie na itakas siya sa kamay ng sarili niyang ama. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tumatak sa isip niya ang sinabi ng kaniyang ina. Ang hinaharap ng limang sektor ay nasa kapalaran ng kaniyang kamay. Nakasalalay mismo sa kaniya na para bang ang pahiwatig ng kaniyang ina ay kailangan niyang mag-ingat dahil kung mali ang desisyon niya ay maaaring ikapahamak ng mundong Ligawa. Palaisipan din para kay Meil ang trahedyang nangyari sa kaniya dahil mula sa demon realm ay nakarating siya sa human realm.

Una siyang nakarating sa Talandyan kung saan nakilala niya si Babaylan Yveli. Kinupkop at inalagaan siya sa edad na labing anim. Natuto at nagkaroon nang kasanayan si Meil sa puder ni Babaylan Yveli. Siya din ang naging daan para makilala ni Meil ang kaniyang sarili sa loob ng limang taon.

Alam ni Meil na wala siyang kapangyarihan pero aksidente siyang nakagamit ng mahika nang nasa oras siya ng panganib. Saksi si Babaylan Yveli sa trahedyang nangyari sa kaniya. Walang nagawa si Meil kundi aminin ang totoo niyang katauhan kay Babaylan Yveli. Walang silang nagawang pareho kundi pag-aralan ang kaniyang katawan. Nalaman nilang ang isa sa mga Pollo ay nakapaloob sa kaniya.

Sa kasaysayan ng human realm ay may siyam na Pollo. Isa itong maliit na hiyas na may sukat na tatlong pulgada. Nagsisilbi itong proteksyon sa border ng labing-isang bansa ng Werzenia dahil ang siyam na Pollo ay may basbas mula sa Diuáta. Ayon sa haka-haka na narinig ni Meil ang Pollo ay nagtataglay ng malakas na enerhiya. May kakayahan itong bumuhay ng nilalang sa tulong ng mga witches. Nabasa ni Meil ang mga impormasyon na kailangan niyang malaman patungkol sa mga Pollo. Ginawaran ang human realm ng Pollo upang magsilbing palatandaan na ang Werzenia ang natatangi at bukod tanging pinili dahil ang ibang sektor ay may likas ng mahika.

Ang Pollo ay isang simbolo ng pagkapantay-pantay. Ang unang Pollo na nabasa niya ay ang Topaz. Ayon sa nabasa ni Meil ang tradisyonal na tawag ng mga Werzenian sa Topaz ay Pollo of Enlightening. Pangalawa ang Pearls o tinatawag na Cryokinesis. Sunod ang Amethyst na kilala sa tawag na Atmokinesis.

Kabilang din ang Emerald at Diamond na kung tawagin ay Geokinesis at Aerokinesis. Samantala ang Aquamarine at Garnet ay tinatawag na Hydrokinesis at Infernokinesis. Panghuli ang Sapphire na kung tawagin ay Pollo of Healing at ang Ruby na kilala rin sa tawag na Synosenties.

Hindi pa alam ni Meil kung anong Pollo ang nakapaloob sa kaniya subalit ang Pollo na hawak ni Heinukel Moreen ay Healing. Hindi na nagulat si Meil na kayang magpagaling ni Heinukel Moreen dahil iyon ang kapangyarihan ng Pollo.

Kung babalikan ni Meil ang nakalap niyang impormasyon patungkol sa hierarchy ng human realm ay magkaiba kumpara sa demon realm. Ang human realm ay tinatawag na Werzenia. Ang mga naninirahan nilalang ay tinatawag na Werzenian at nahahati ito sa dalawang kategorya na kung tawagin ay Ordihum at Yunic. Tinawag na Werzenia ang pinamumunuan ni Sultan Macter dahil sa lawak ng bansang sinasakupan. Nakapaloob din dito ang Torogan Palace.

Ang Werzenia ay binubuo ng tatlong isla na may higit siyam na rehiyon. Ang sampung bansa ay nasa ibaba ni Sultan Macter at pinamumunuan ito ng kaniyang mga Rajah na kaniyang tagasunod. Sa unang pagkakataon ngayon lang napatunayan ni Meil na marami pa rin siyang kailangan paghandaan. Tulad ngayon na kaharap niyang muli si Vetel na nasa anyong lobo.

Naaalala tuloy ni Meil ang una niyang pinagdaanan sa kamay ni Vetel. Aaminin niya na may bahid ng sama ng loob ang nararamdaman ni Meil ngayon dahil ang nais lang naman niya ay mahanap ang mga Pollo subalit mula nang tumapak siya sa Torogan Palace ay iba ang takbo ng mga pangyayari sa planong iniisip niya.

Aatras sana si Meil dahil wala siya sa tamang kalagayan para harapin si Vetel. Subalit may napansin siya sa mga mata ni Vetel. Kumpara noong una niyang makita si Vetel nang magpalit anyo siya, malakas ang kabog ng kaniyang puso pero ngayon parang kinakausap siya ng masinsinan.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon