Umakto ako na parang walang nangyari dahil ang pader na bumukas ay silid kung nasaan ang trono ni Sultan Macter. Sumunod ako sa paglalakad ni Prinsipe Ocuser bago ako ngumiti kay Aren dahil mukhang galit na naman siya sa akin. Pansin kong kompleto ang lahat liban lang kay Prinsesa Jcer. Mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan at ako na naman ang missing action sa meeting nilang lahat.
“At sino ang babaeng ito?” tanong ng babaeng kamukha ni Heinukel Hanuis. Para silang pinagbiyak na bunga liban lang sa pagiging istrikto ng kaniyang mukha at presensiya.
“Bagong miyembro ng Heinukel,” tanging sagot ni Sultan Macter habang nakaupo sa kaniyang trono.
Naging kahinahinala ang tingin ko sa katabi ni Sultan Macter dahil ngayon ko lang siya nakita. Nakatayo siya mula sa kanan ni Sultan Macter habang tahimik na nagmamasid sa bawat kilos ko. Pansin ko din ang kakaiba niyang kasuotan na tila pamilyar sa aking mata pero hindi ko maaalala kung saan ko nakita. Nagkatitigan kami ni Aren pero mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa aking kaharap na si Heinukel Moreen. She cross-armed again while looking at me with a bored expression on her face. I tried to give her a friendly grin, but all she did was arch one eyebrow at me.
“Hindi ko alam na maaaring magkaroon ng bagong miyembro ang Heinukel. Ipinadala ko sana ang isa kong anak na mas makakatulong sa hinaharap nating problema.” Napangiwi ako dahil sa sinabi ng nanay ni Heinukel Hanuis.
“Mahal na hari kung maaari lang ipagpatuloy na natin pag-usapan ang planong paglalakbay ng mga magiting na Heinukel at baka mapunta pa sa ibang diskusyon ang oras,” wika ng babae na sa tingin ko nanay ni Heinukel Aewe dahil may pagkakahawig sila.
“Hmp! Wala talagang modo,” rinig kong wika ng nanay ni Heinukel Hanuis.
Lihim akong napangiwi dahil mukhang hindi ata magkasundo ang magulang ni Heinukel Hanuis at Heinukel Aewe dahil sa inaasta nila ngayon. Napatingin ako sa kanilang dalawa na ngayo’y hindi makatingin sa isa’t isa.
“Ganoon na nga. Kailangan na nilang umalis sa madaling panahon at hanapin ang natitirang Pollo,” pagpapatuloy ng nanay ni Heinukel Aewe na tila hindi nararamdaman ang masamang tinging ipinupukol ng nanay ni Heinukel Hanuis.
“But it would be difficult to them na hanapin ang Pollo. Babaylan Yveli has been missing for years,” wika ng nanay ni Heinukel Hanuis.
“She’s already dead and the woman you’re facing is her apprentice.” Pare-pareho silang napatingin sa akin maging ang ama ni Heinukel Hanuis at Heinukel Aewe dahil sa sinabi ni Sultan Macter.
“Is she?” may himig na pagdududa na tanong ng nanay ni Heinukel Hanuis.
“Yes, I am. My name is Meil.”
“Do you have powers?” unang tanong niya sa akin.
“I’m Ordihum,” sagot ko.
I grimaced as I looked at my tattoo because it could become glowing. After all, I lied, but I was confused because the dark mark on my skin did not glow as I expected.
“How will she know kung nasaan ang mga Pollo? I can’t believe this. Emperor Damascke is already got one Pollo.” Mukhang hindi nagustuhan ng nanay ni Heinukel Hanuis ang sagot ko dahil galit na siya ngayon.
“Oh common, Vanness nasa harapan mo lang ang bata. Huwag mo naman ipangalandakan ang ugali mo,” wika ng nanay ni Heinukel Aewe.
“Mother,” pagpapatigil ni Heinukel Aewe sa kaniya.
“Excuse me Lestina?” hindi makapaniwalang tugon ng nanay ni Heinukel Hanuis na si Vanness.
Narito ang inayos at pinalawak na bersyon ng iyong dialogue:
![](https://img.wattpad.com/cover/294879069-288-k770844.jpg)
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...