Lumapit si Heinukel Aewe sa akin. “Welcome to Heinukel.” Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay sa ere.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kulay ng nga mata niya. Nakakamangha lang dahil magkaiba ang kulay at parang kumikinang. Nakaramdam pa ako ng paruparo sa loob ng tyan ko dahil sa atensyon na binibigay niya sa akin.
I twitched my nose before I jumped a little to get a high-five in his hand. “Salamat.”
Dumaan ang mata ko kay Heinukel Moreen na masama ang timpla ng mukha. Ngumiti ako sa kaniya pero kumusilap siya at tumalikod.
“You did a great job,” puri ni Heinukel Aewe.
Tinuon ko ang aking atensyon sa kaniya at ngumiti dahil mukhang nababago na ang impresyon ko sa kaniya. Hindi ko inaakala na may kabaitan siyang tinatago.
Sumabay ako sa kanilang paglalakad pero bigla akong binangga ni Heinukel Moreen mula sa likod. “I’m impressed. Naging miyembro ka ng hindi mo pinaghirapan,” ngumisi siya ng may panlalait.
“Moreen,” babala sa kaniya ni Heinukel Aewe. “Don’t be mean,” he continued.
“No, it’s okay,” I assured.
I can’t deny my admiration for her beauty. She’s a beautiful Efaru with a white complexion as if she had never seen the sun in her entire life. Her pointed ears stick out, while her white hair is down to her waist. She has green eyes. She’s also wearing white armor that almost covers his skinny body. Ang Efaru ay kabilang sa Calmetic Chain at tinatawag din silang Elf sa salitang Ordihum. Hindi lang Ordihum at Yunic ang pangunahing naninirahan sa Werzenia dahil nabibilang din ang mga Efaru sa human realm.
“Tsk. I’m just stating the facts. Pati ba naman pakikipag-usap ko masama na? Hindi ko nga alam kung kaya niyang makipagsabayan sa mga ginagawa natin eh. And beside—” hindi natuloy ang sasabihin niya ng tumingin siya kay Heinukel Aewe “—Whatever,” asik niya bago tumalikod. Iniwan niya kaming dalawa sa likod at lumapit kay Heinukel Hanuis.
Umiling si Heinukel Aewe. “Don’t mind her,” wika niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti sa kaniya. Naglakad ulit kami pero hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Heinukel Moreen lalo na nang tapikin ako ni Heinukel Aewe sa balikat. Parang napalitan ng pagkadismaya ang sayang naramdaman ko kanina. Palihim kung hinimas ang wrist ko. Mukhang mahihirapan akong makisama sa kanila lalo na’t halatang hindi nila ako gusto. I feel out of place in their friendship.
Hindi ko pa nasubukang magkaroon ng kaibigan. Tanging si Aren lang ang nakilala ko mula ng maghiwalay kami ni Babaylan Yveli. Binasa ko ang aking labi at pinakalma ang isip ko. Kailangan kong magpakatatag kung hindi man nila ako matanggap bilang kaibigan o miyembro ng kanilang grupo. Hindi ko inaasahan na lumingon si Heinukel Vetel habang nakatingin ako sa kanila ni Prinsesa Vax. Mabilis kung ibinaba ang mata ko at nagkunwaring tumitingin sa daan.
Alam kong nahuli niya akong nakatingin sa kanila. Hindi ko napansin na nasa kanila ako nakatingin habang naglalakbay sa malayo ang isip ko. Mabuti na lang at lumapit si Prinsesa Gail sa akin at nagsimulang magsalita. “Nakita kong nilapitan ka ni Moreen. Huwag mong pansinin ang sinabi niya. Talagang ganun ang ugali non dahil nakalunok ng sama ng loob.” Muli akong napatitig kay Prinsesa Gail.
Isa lang ang napansin ko sa kanilang magkakapatid. They only have their father’s eye color, and none of their other traits are the same or similar. So, it is difficult to identify them as Sultan Macter’s children. “No, it’s totally fine,” I said. That’s the only thing I can say now.
“Remember the first time we met?” she asked.
“Sa Cresson boutique, right?” I answered. Napansin kung mas matangkad ako kesa sa kaniya ng kunti. Kung five-two ako baka nasa five flat lang siya. Well, not bad. She still looks like the girl next door.
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a realm where demons exist, Emperor Damaschke Hadrian broke a crucial agreement, setting in motion a chain of events that threatens to bring about the downfall of all five realms. A young woman named Maivee Fogler, also known as Meil, emerges as...