DxH Chapter 7

68 13 20
                                        

I crawled back into my head from what had happened. I felt pain from the duel, and every memory of my past life flashed like a river, an unending flood of different scenarios.

“What do you feel?” Princess Gail asked again, for the fifth time. Bumalik sa realidad ang aking isipan dahil sa kaniyang boses.

“I’m fine. I feel better, thank you,” I answered weakly.

My eyes roamed inside the huge room. The theme is all about classical fairies. May mga painting na diwata sa dingding na tila nakikipag-usap sa grupo ng mga tao at halos sakupin ng kulay azure ang ilang parte ng silid.

She looked worried. “I’m very sorry for what happened.” Pinanood ko lang siya na magbalat ng mga prutas.

“Nasaan na sila?” pag-iiba ko sa usapan.

Inabot ni Prinsesa Gail ang isang saging kaya kinuha ko. “Nasa kabilang kwarto, hindi pa kasi nagigising si Vetel at Ocuser.”

Saglit akong natigilan at binalikan ang nangyari. Dalawang araw akong walang malay ayon kay Prinsesa Gail.

“What’s their situation?” I genuinely asked.

“Maayos na ang kanilang kalagayan kumpara sa’yo pero siguradong mapaparusahan si Ocuser dahil sa ginawa niya,” parang limang taong gulang niyang kwento sa akin.

“Habang si Vetel—” saglit niya akong tinignan bago nagpatuloy sa sasabihin niya. “—oh! Nandito na pala siya,” ani Heinukel Gail pagkatapos bumukas ng pinto at niluwa ang dalawang pigura.

Tahimik na sumunod ang mata ko kay Heinukel Vetel at sa kaniyang kasama. “Kailangan kong makausap silang dalawa.”

Tumango si Prinsesa Gail sa lalaking kasama ni Heinukel Vetel. Ngumiti ako sa kaniya nang sinenyasan ni Prinsesa Gail ako na lalabas siya. Pinanood kong umupo si Heinukel Vetel. Para siyang nakikiramdam kung ano ang sasabihin ko. Alam kong kanina pa gustong pumasok ni Aren subalit pinipigilan siyang pumasok mula sa labas ng pintuan. Ramdam ko mula dito sa kinauupuan ko ang presensya ni Aren.

“I’m Otis by the way. I’m a sorcerer. Kamusta ang pakiramdam mo?” paunang tanong ng lalaking humawak sa pulsuhan ko. He had a manly voice, and his fingers are very cold.

“I’m fine,” tipid kong sagot pero nakaramdam ako ng hapdi. “Ahhh!” daing ko ng magsimulang kumirot ang marka na nasa leeg ko.

Nagtataka akong napatitig kay Heinukel Vetel dahil maging siya ay dumaing kasabay ng paglabas ng kaniyang balahibo na tila nais ng katawan niya na mag-anyong lobo. Pareho naming hinimas ang aming leeg gamit ang aming kanang kamay. Makalipas ang ilang minuto nagkatitigan kaming tatlo. Ang huli kong memorya sa duelo namin ni prinsipe Ocuser ay ang pagdaing ni Heinukel Vetel habang hawak siya ni Heinukel Hanuis. Tulad ko sumusuka siya ng dugo.

“Tama nga ang kutob ko.” Sabay kaming lumingon ni Heinukel Vetel kay Otis.

“You are connected. You have the same mark,” he said.

Nakaupo ako sa kama habang kumakain pero muntik na akong mabulunan dahil itinulak ni Otis ang aking leeg para makita ang marka. Mahirap talagang mapansin ang markang nasa aking leeg dahil hindi ko tinatali ang mahaba kong buhok.

“You have the Cancer mark of Guardian,” muling salita ni Otis.

Napakunot ako sa inilabas ni Otis na libro sa kaniyang damit. “Ano yan?” I asked out of curiosity.

“Naghanap ako ng libro patungkol sa marka. Ang tangi kong nahanap ay konektado kayo sa isa’t isa dahil ang marka ay kabilang sa Zodiac of Mark.” Wala akong nagawa kundi hawakan ang ibinigay niyang libro sa aking kamay.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon