"Mag-iingat kayo sa paglalakbay niyo," payo ni Yvelin sa amin matapos kong sabihin ang plano kong bumalik sa Demon Realm upang subukang iligtas ang mama ko at dalawa kong kapatid.
"Mag-ingat din kayo, lola," sagot ko bago siya niyakap ng mahigpit. Tumakbo na ako pagkatapos, sinusubukang maabutan sina Ryan at Aren na naunang maglakad.
Pagdating ko sa kanilang dalawa, halos wala akong narinig na usapan sa kanila maliban sa mga yapak ng kanilang mabibigat na sapatos sa lupa. Nasa gitna kami ng isang patag na bahagi ng bundok, tanaw ang mga nagtataasang taluktok sa paligid.
"Saan ang unang destinasyon natin?" tanong ni Ryan na agad ikinalingon ko. Inilabas ko ang mapa mula sa bag ko at itinuro ang tatlong portal na pinakamalapit sa boundary ng human at demon realm.
"Sigurado ka ba sa mga 'yan?" tanong niya, halos idikit ang ulo sa akin para silipin ang mapa. Napaatras ako.
"Why? Do you have a better plan para makarating doon?" sagot ko, sinabayan ng bahagyang taas ng kilay.
"Siyempre! Ako pa," tugon niya habang nagmamalaki, kasabay ng malakas na pagsipol. Naalala ko tuloy ang kanyang alaga, ang Wyvern, na laging sumusulpot tuwing sumisipol siya. Napatingala ako sa langit, naghihintay sa inaasahan naming pagdating nito.
Ilang segundo pa ang lumipas, ngunit wala ni anino ng kaniyang dragon akong nakita.
"That's strange," ani Ryan, halatang nagtataka. Sinubukan niyang sumipol muli, mas malakas pa ngayon, ngunit wala pa rin. "Anong problema kaya niya?" tanong niya sa hangin.
"Baka may masama siyang nararamdaman," sabi ko, sinusubukang hanapan ng paliwanag ang sitwasyon.
"Hindi," sagot niya, bahagyang umiling. "Minsan talaga hindi nagpapakita 'yun kahit tawagin ko."
"So anong gagawin natin ngayon?" tanong ko. "Maghihintay tayo o maglalakad na lang?"
Napakamot siya ng ulo bago nagsalita. "Maglalakad na lang. Mukhang tamad ang alaga ko ngayon."
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa portal, napansin ko ang tahimik na kapaligiran. Ang iilang tunog lang na naririnig ay ang mga yapak namin at ang pag-iingay ng hangin sa pagitan ng mga puno. Sa kabila ng init ng panahon, may sariwang hangin na sumasalubong sa ami.
"So," basag ni Ryan sa katahimikan, "anong plano mo kapag nasa border na tayo?"
"Simple lang," sagot ko. "Tatawid tayo."
Napahinto siya at tumingin sa akin na para bang nasiraan ako ng ulo. "Meil, as far as I know, walang nakakatagal sa Demon Realm kung pangkaraniwang nilalang ka lang. You do know that, right?"
"Uh-huh," sagot ko nang walang kaabog-abog, pero alam kong may susunod na naman siyang tanong.
"Aren can survive because he's demon, ewan ko na lang sa'yo kung mabubuhay ka pa," balewala kong sinabi sa kaniya.
"Wait—" Biglang napahinto si Ryan. "Aren's a demon? Holy shit! And ikaw? Anong klaseng nilalang ka?"
Napabuntong-hininga ako. Wala na rin namang saysay ang magtago pa. "Ordihum ako, okay? Ordinary human," sagot ko, sabay tingin sa kanya na para bang sinasabing huwag na siyang magtanong pa.
Natawa siya nang malakas. "Ordihum? Seriously? Kaya mo bang mabuhay doon? I mean, look at you!"
"Oh, talaga? Eh ikaw? Ano ka ba?" tanong ko pabalik, bahagyang naiirita sa pagtawa niya.
"Wizard," sagot niya, sabay taas ng kilay.
Napataas din ang kilay ko. "Wizard? Hindi halata. Mas mukha ka pang—"
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...
