DxH Chapter 41

11 2 0
                                        

"Talk," madiing sabi ko habang nakatitig ng matalim sa halimaw na nasa harapan ko. Ang mukha niya ay parang pinaghalong ibon at kuneho. Ramdam ko sa kaniyang mga mata ang takot habang pinagpapawisan kahit malamig ang paligid.

Kaagad na itinaas ng halimaw ang kanyang mga kamay, halos nanginginig ang buo niyang katawan habang mabilis na tumingin sa kaniyang kasama.

"H-Hindi ko naintindihan ang tanong ko... este mo," sagot niya, halatang matatakutin.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at mas lalong pinatalim ang tingin ko. Hindi ako kumurap, hinahayaan ko siyang maramdaman ang bigat ng presensiya ko. "Huwag mo akong gawing tanga. Sasagutin mo ako kung ayaw mong bumulagta sa sahig."

"Bakit kayo kumukuha ng mga bihag?" tanong ko nang madiin, hindi inaalis ang tingin mula sa kaniya. Mahahalata sa boses ang lamig, ngunit may bahid ng strikto.

Napatingin ang halimaw sa kanyang kasama, tila naghahanap ng tulong, ngunit wala itong nakuha. Halos lunukin niya ang kanyang laway bago sumagot. "P-Para sa Pouvoir Empire..." mahina niyang sabi, ngunit sapat na para marinig ko.

"Pouvoir?" ulit ko, mas lalo akong nagdikit sa kanya. "Anong gagawin ni Emperor Damascke? Bakit kailangan ng mga bihag?"

Pouvoir Empire is just like Torogan Palace of Werzenia. Nakuha niya ang kuryusidad ko dahil hindi ko maitagpi kong ano ang ibig niyang sabibin.

Nanginginig ang halimaw habang mabilis na sumagot, natataranta. "Bumubuo ng hukbo si Emperor Damascke. Kailangan niya ng mga alipin para maglingkod sa kanyang mga sundalo at maghanda para sa digmaan!"

Nanlaki ang mga mata ko. Bumuo ng hukbo? "Para sa ano?" tanong ko ulit, ang boses ko ay puno ng tensyon.

"Para salakayin ang Werzenia," sagot niya, halos pabulong. "May hawak na sila... hawak nila ang reyna ng Werzenia. Hinihintay na lang nila na mabuo ang mga Pollo."

Napaatras ako, hinayaan ko siyang magsalita habang nag-iisip ako. Ibig bang sabihin...

"Delikado na," sabi ko habang tinitignan sila Aren at Ryan

"Hindi lang 'yon. Narinig ko sa ibang halimaw na gagamitin iyon para bigyan ng mahika ang mga armas," sagot ng halimaw, tumingin siya kay Ryan nang may kaba. "Para sirain ang mga depensa ng ibang kaharian."

Huminga ako nang malalim, "Totoo ba na wala nang mahikang bumabalot sa lupain ng Demon Realm? Wala na bang pumipigil sa inyo para lumabas-masok?" tanong ko ulit.

Tumango ang halimaw, halatang hindi na kayang magsinungaling. "Nagsasabi ako ng totoo. Tinatanggal na iyon ni Emperor Damascke. Binibigyan kami ng karapatan na gawin ang gusto namin. May mga portal na minsan ay kusang nabubuksan, at ang mga nilalang na mataas ang Scregar class—ay malayang nakakapunta rito."

Sumingit si Ryan. "May narinig kaming tungkol sa isang dragon," sabi niya, seryoso ang boses. "Ano ang alam niyo tungkol dito?"

Napatingin ang isa pang halimaw, halatang kinakabahan. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, tila nagmamakaawa. "Ako ang sasagot, pero huwag niyo akong patayin," sabi niya, nakatingin kay Ryan.

"Ang grupo namin ang unang nakakita sa dragon. Malapit iyon sa boundary, kaya agad naming nireport sa Geelo. Hindi nagtagal, dumating ang Geelo at sinubukang hulihin ang dragon."

"Nahuli nila?" tanong ni Ryan, halos hindi makapaghintay sa sagot.

"Hindi ko alam," sagot ng halimaw, tila natatakot sa posibleng gawin ni Ryan. "Hindi na kami nakialam dahil baka kami ang patayin ng mga Geelo."

Si Aren naman ang tumingin sa halimaw. Ang malamig niyang ekspresyon ay sapat para magpatigil sa takot ng mga bihag. "Saan kayo dumadaan? Saang boundary?" tanong niya, walang emosyon ang boses.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon