DxH Chapter 44

5 0 0
                                        

Sa wakas, tumigil si Keubi. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Imbes, tumingin siya sa sahig, halatang may bumabagabag sa kaniya. Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil biglang lumamlam ang kaniyang mukha.



"Keubi, ayos ka lang?" I asked, almost in a whisper, as we stopped at the vestibule.



Puno ng marmol ang sahig at pader. May mga maliliit na chandelier na gawa sa kristal na bahagyang nagbibigay-liwanag sa madilim na pasilyo.



Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.



"Meil," panimula niya sa lantay na boses. "Hindi ako makapaniwala na pumunta ka rito ng nag-iisa. Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang ginawa mo?"



Napaatras ako dahil hinila ako ni Crend. Ramdam ko ang pagkadismayado niya sa bawat salitang binitiwan niya.



"Nandito naman kami. Kasama ni Meil para iligtas kayo," ani Crend. Hindi ko natuloy sumagot dahil sa kaniya.



"Tumahimik ka. Sa tingin mo ba ganun kadali kayong makakalabas ng buhay dito?" she said, pressing her lips together.



"Masama bang subukan na iligtas kayo?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko. "Keubi, gusto ko lang na makasama kayo ni Lamyu. Gusto ko lang na mailigtas kayo kasama si mama."



Napaikot si Keubi at napakamot ng agresibo sa ulo niya. Halatang sobrang naiinis siya.



"Meil!" tawag niya sa akin. "Hindi porket 'yan ang nakikita mong gusto mo eh 'yan na ang gagawin mo! Paano ang mga apektado dito? Ha? Kahihinatnan ng ginawa mo? Bakit? Sa tingin mo ikaw lang ang magdurusa sa mga kahaharapin mo?!"



Napatigil ako. Hindi ko alam ang isasagot. Bakit parang may mali akong nagawa? Pakiramdam ko hindi siya masaya na makita ako. Parang hindi ko na makita ang batang Keubi na kilala ko.



Hindi ako nagpaapekto sa naiisip ko at hinawakan ang kamay niya. "Keubi, aalis tayo. Isasama kita. Hindi kita hahayaan na bumalik pa doon. Sumama ka lang sa akin at mag-iisip tayo ng ibang paraan paano natin maililigtas si Lamyu at si mama," sabi ko sa kaniya. Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay niya.



Kaagad niyang hinila ang kamay niya palayo, halatang hindi niya sinasang-ayunan ang sinabi ko.



"Hindi mo naiintindihan," sagot niya, malamig ang tono ng boses niya.



Napahilamos ako ng kamay sa mukha. "Ano? Ano ang hindi ko naiintindihan? Paintindi mo sa'kin! Bakit ayaw mong sumama sa akin?"



Napuno si Keubi, halata sa kaniya ang panginginig at panggigil. "Hindi ako pwedeng sumama, Meil! Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil kay Lamyu! Naiintindihan mo ba? Kailangan ko siyang protektahan!"



"Isasama natin siya," sabi ko, pilit na nagiging positibo. "Balikan natin siya. Mag-iingat tayo saka kasama natin si Aren."



"Lintek, Meil! Nakikinig ka ba?!" sigaw niya, halos nag-e-echo ang boses niya sa pasilyo. "Hindi kami pwedeng umalis dito! Nakataya na ang buhay namin kay Emperor Damascke. Kung gusto mong iligtas kami, gawin mo ang nararapat, tulad ng sinabi ni mama!"

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon