Napansin kong biglang umatras ng bahagya ang mga paa ni Keubi, ang nakababata kong kapatid. Tumayo agad ako mula sa sahig, nanginginig pa ang tuhod ko habang naiilang na napatingin sa kaniya. Gusto ko sanang magsalita, kumustahin siya, pero bago pa ako makapagbukas ng bibig, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Ang malamig niyang tingin ay naging matalim- halata sa itsura niya na tila ayaw niyang makita ako.
"You shouldn't be here," asik niya, malamig ang boses. "Wala kang karapatang magpakita dito."
Halos manliit ako sa harapan niya. Pero hindi ako nagpatinag. "Keubi," mahina kong tawag sa kaniyang pangalan, "nandito ako dahil gusto kong iligtas kayo ni Lamyu. Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko para makarating dito."
Tumawa siya, isang malamig na tawa na parang pilit, at saka tumalikod sa akin.
"Ililigtas?" ulit niya, bahagyang humarap muli. "Hindi namin kailangan 'yan. Wala kang babalikan, Meil. Wala kang ililigtas."
Ramdam ko ang hinanakit sa tono niya. Napalunok ako, pilit na huwag maiyak sa pagkasabik.
"Keubi, pakinggan mo naman ako. Gusto kong ilayo kayo sa lugar na 'to. Iligtas-"
"Iligtas?" putol niya uli sa mas malakas na boses. "Hindi namin kailangan 'yan! Ang kailangan mo, umalis ka na! Habang hindi ka pa natatagpuan ni papa!"
Biglang lumamig ang paligid. Ramdam ko ang lalim ng sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"Keubi..." Napatingin ako sa mga mata niya, na bagamat puno ng galit, may bakas din ng lungkot. Lumapit ako sa kaniya, inabot ang braso niya para hawakan sana. Pero bago ko pa magawa, tinulak niya ako nang malakas.
"Huwag mo akong hawakan!" sigaw niya, puno ng poot. "Wala kang karapatan! Wala kang karapatang magpakita sa harapan ko!"
Nagulat ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pero hindi doon natapos ang pagbuhos niya ng galit.
"Wala kang karapatan na tumapak sa demon realm na 'to, Meil! Limang taon ka nang wala. Limang taon mula nang iwan mo kami! Matagal ko ng kinalimutan na may ate akong tulad mo!"
Bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatama sa puso ko. Tumahimik lang ako, hinayaan siyang magsalita. Pero hindi ko maiwasang mapansin ang namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"Hindi ko ginusto na iwan kayo," mahina kong sabi, pilit na nilalabanan ang panginginig ng boses ko. "Sinubukan kong bumalik. Limang taon, Keubi. Limang taon akong naghanap ng paraan para makabalik dito."
Natawa siya, pero halata sa kaniyang tawa ang pait. "Limang taon? Para saan? Para magkunwari kang nagmamalasakit?!"
"Keubi," pakiusap ko, "sinabi sa akin ni mama na tumakbo ako sa abo't ng aking makakaya noong gabing hinahabol kami ni papa limang taon na ang nakakalipas. Hindi mo maintindihan pero parang gusto akong patayin ni papa noong oras na iyon. Si mama naman ay kasama kong tumatakbo hanggang sa sinabi niya na iligtas ko ang sarili ko. Kaya ako umalis. Pero ngayon, Keubi, bumalik ako dahil-"
"Mama?" putol niya maging ang mapang-insulto niyang tawa ay tumigil. Nag-iba ang mukha niya, puno ng galit at hinanakit. "Huwag mong gamitin si mama dito! Matagal na siyang wala!"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Nagsisinungaling ka lang! Huwag mong gawing biro ang buhay ni mama!"
Napansin kong lalo siyang nainis. Lumapit siya sa akin, bahagyang yumuko para makita ang mukha ko. "Patay na si mama, Meil. Limang taon na siyang patay! Huwag kang magkunwari na nag-aalala ka! Dahil ang araw na nawala ka? 'Yun din ang araw na nawala siya!"
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasiaIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...
