DxH Chapter 23

29 5 1
                                        

Hinihingal akong bumaba sa aking kabayo pagkatapos ng karera namin ni Heinukel Aewe. Wala akong masabi sa angking galing niyang magpatakbo sa alaga niyang kabayo. Halos tatlong oras na rin ang nakalipas bago napagdesisyunan ni Prinsipe Ocuser na tumigil muna pansamantala. Madilim na kasi ang paligid dahil nagtago na ang buwan sa mga ulap.

Naunang gumawa si Prinsipe Ocuser ng Thermal ball bago pinalutang sa paligid. Nagkaroon tuloy ng kaunting liwanag sa paligid kaya kami nakakilos ng malaya at hindi nangapa sa dilim.

My eyes roamed in our surroundings which gave me a chance to observe the nature. The road was carpeted with fallen leaves, some swept by the wind. On the other side, the rustling leaves from the trees seemed to murmur ancient secrets of the forest, and the air was filled with the earthy scent of damp soil . The horses’ hooves echoed from a distance, accompanied by its breath and the distant hoot of an owl and sound of crickets.

“Not bad, magaling ka palang mangabayo,” puna ni Heinukel Aewe pagkatapos niyang bumababa sa kaniyang kabayo. Tumabi siya sa akin at kinindatan ako bago niya tinali ang kaniyang kabayo sa katawan ng puno.

“Ang yabang mo talaga. Ikaw sana ang mauunang makabababa kung hindi ka lang tinawag kanina ni Heinukel Vetel,” sagot ko sa kaniya.

“Sempre ako pa. Kahit magaling ka wala ka pa rin sa kalingkingan ko,” ngisi niya bago ako iniwan.

Napailing na lang ako dahil mukhang wala ng himalang mangyayari para maging mapagkumbaba si Heinukel Aewe. Likas na ata talaga siyang mayabang. Pinanood ko sina Heinukel Aewe at Aren na kumuha ng kahoy. Umupo lang ako sa isang hindi kalakihang bato at pinagmamasdan ang paligid. Big trees and bushes are all around us. I can feel the cold wind, but my lips and hands are the only parts of my body that are feeling it.

Mabuti na lang at nakakamangha ang kapangyarihan ni Prinsipe Ocuser dahil gumawa siya ng anim na Thermal ball at pinalutang sa gilid kaya malinaw namin nakikita ang isa’t isa. Ramdam kong umiinit ang atmospera dahil sa kaniyang mahika. Hindi nagtagal nagkaroon ng apoy sa gitna dahil sa kapangyarihan ni Heinukel Aewe. Tinaasan pa niya ako ng kilay na para bang pinagmamayabang niya na siya ang gumawa ng apoy.

“Para kang baliw,” bulong ko sa hangin pero alam kong nabasa niya ang sinabi ko sa aking labi dahil tumawa siya mula sa kaniyang pwesto.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Heinukel Moreen pero umiwas din siya kaagad. I saw her take off her white gloves and make a hologram that looked like a mapping of three dimensions. I took up the nerve to go to her and sit down next to the rock she was sitting on.

“Saan yan?” tanong ko bago tinuro ang isang parte ng hologram.

Dalawa ang natuklasan kong kakayahan ni Heinukel Moreen. Una kaya niyang magpagaling at pangalawa ay kaya niyang gumawa ng hologram gamit ang kaniyang memorya. Ang nakikita ko ngayon ay isang mapa kung saan kami dumaan kanina.

“Obvious naman diba?” pabalang niyang sagot.

“May ginawa ba akong mali sayo? Laging mainit ulo mo sa akin,” deretso ko sa kaniya.

“Pinagsasabi mo? Hindi tayo close duh kaya huwag kang masyadong feeling,” sagot niya na ikinatango ko.

“Anong rason mo bakit ka nga pala naging miyembro ng Heinukel?” pag-iiba ko sa usapan.

Humarap siya sa akin pero patuloy pa rin nagbabago ang hologram sa kaniyang kamay. Maliit lang na hologram iyon na nakalutang sa kaniyang palad. Mukhang hindi kontrolado ni Heinukel Moreen ang kaniyang emosyon dahil nag-gliglitch ang mahika niya.

“Kakasabi ko lang close ba tayo para magtanong ka ng ganiyan?” napangiti ako bago tumango.

“Tama ka nga. Sorry si Heinukel Aewe na lang tatanungin ko. I mean hindi patungkol sa yo ah. Tatanungin ko lang bakit naging miyembro siya ng Heinukel,” depensa ko baka maging mali ang pagkakaintindi niya.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon