Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ni Prinsesa Gail dahil may ibibigay daw siyang importante bagay bago kami umalis para sa paglalakbay. Sa susunod pang araw ang alis namin pero kahapon pa niya ako kinukulit na puntahan siya. Ilang araw na ang nakalipas kaya memoryado ko na kahit papaano ang pasikot-sikot sa loob ng palasyo. Nagkaroon na rin ako ng sense of direction dahil sa mga tinuturo ni Prinsesa Gail sa akin.
One of the things she said was the connection of the color of carpets to the places I wanted to go here inside the palace. Kaya mas naging madali sa akin ang mag-ikot kapag wala akong ginagawa. Saglit akong napatingin kay Prinsipa Vax na naglalakad sa kabilang direksyon. Napalunok pa ako nang bahagya dahil naalala ko ang huling interaksyon namin sa hapag-kainan. Ramdam ko rin ang tibok ng aking puso at parang may karayom na tumutusok sa loob ng aking tyan.
Kinalma ko ang aking sistema at nagpatuloy sa paglalakad ng dahan-dahan. Walang mababakas na emosyon sa kaniya nang pasimple ko siyang sinulyapan. Akala ko payapa ko siyang malalagpasan pagkatapos kong yumuko ng bahagya pero hindi ko inaasahang magsasalita siya na ikinatigil ko.
“This is unnecessary, but I want to inform you that I don’t like you,” she said before she looked sideways.
I could tell her that she was not interested in talking to me. Ibang iba ang presensya niya ngayon kumpara kapag nakaharap siya sa ibang tao.
“P-Pardon?”
Mas lalong dumilim ang ekspresyon niya. Tuluyan siyang humarap sa akin at tinignan niya ako nang may pagkasuklam. Hindi ko maiwasang maisip na para siyang mangkukulam dahil sa ekspresyon na iginagawad niya sa akin. Sumakto pa ang kaniyang itim na dress at ang presensya niyang nakapalibot sa kaniya.
“I said I don’t like you. I don’t like your name, your presence, your face, and even your existence here inside the palace.” She walked closer until she reached where I stood. Her eyes were full of hatred and disgust, which made me confused.
“My apolo—”
“Don’t bother to apologize. I already endured your face. Even if you connect with Vetel, does it mean you have the right to close him whenever you want. I’m her fiance, so don’t get in my way.” She smiled fakely before she closer her face and whispered in my ear.
“Distance yourself, get it?” she finally said before she walked away like nothing had happened.
Napahawak ako sa nuo ko dahil sa tension na binigay niya sa akin. Napaisip ako sa mga sinabi niya. Alam kong magkasintahan sila ni Heinukel Vetel pero sa pagkakaalam ko hindi na ako nakikipag-usap sa lalaking iyon pagkatapos namin mag-usap sa loob ng kusina. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Minsan ko lang rin nakasalubong si Heinukel Vetel pero hindi kami nag-usap o nagpansinan. Nakakapagtaka lang at ganun ang pagkagalit ni Prinsesa Vax sa akin.
Hindi kaya dahil sa pagsagot ko sa kaniya noong kumakain kami sa hapag-kainan?
Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi talaga ako gusto ni Prinsesa Vax dahil sa tono ng boses niya kanina. Hindi naman ako nasaktan sa mga sinabi niya dahil hindi ko naintindihan kung bakit sukdulan ang inis niya sa akin. Saka kailangan kong habaan ang pasensya ko lalo na at anak siya ni Sultan Macter.
I just shrugged my shoulder before I knocked the door. Sumalubong kaagad si Prinsesa Gail habang may hawak siyang suklay. Nagpatanggay lang ako sa paghila niya sa akin papasok sa loob.
“I’m excited,” bungad kaagad niya sa akin.
“Of what?”
“Heinukel Hanuis made a promise that we will have a duel.” Binuksan niya ang kaniyang cabinet at naglabas ng damit. It was a long, dark, fitted dress that had pants underneath.
“What’s the special?” pinanlakihan niya ako ng mata.
“I like the person duh?” Napailing ako sa sagot niya.
“So you’re admitting that you like Heinukel Hanuis?” She pouted and shyly nodded.
“Siguradong matatagalan kayong makabalik dahil sa dapat niyong gawin so I ask a favor for the last time.” Naintindihan ko ang gusto niyang iparating.
Ayon sa kaniya tatlong araw kaming maglalakbay bago makarating sa Auckland. Depende pa daw yon kung walang problema na mangyayari. Mabuti na lang at sinabi ni Prinsesa Gail ang ilang impormasyon na kailangan kong malaman.
“So anong role ko dito?” tanong ko habang inaayos ang damit niya habang siya ay nag-aayos sa kaniyang mukha at buhok.
“Sasamahan mo ko bago ko ibibigay yung regalo ko sa’yo,” sagot niya.
“Eh? Bakit pa ako sasama?” Nagkatinginan kami sa kaniyang body mirror.
Muli kong kinuwestiyon ang sinabi ko dahil tinignan niya ako na para bang may sinabi akong mali.
“Sasamahan mo ko para mabawasan ang awkwardness. Saka you know how to fight so teach me some basic bago ako pumunta doon,” she answered while looking at me in the mirror.
“Parang magiging awkward pa lalo kung nandoon ako. Time niyo yun for each other tapos nandoon ako?”
Hindi sa ayaw kong samahan siya pero iniisip ko pa lang ang mukha ni Heinukel Hanuis para akong kinikilabutan. Hangga’t maaari ayaw ko siyang makasama sa partikular na lugar. Yung mga tinginan niya kasi parang may alam siya na ikakasira ng buhay ko. Saka alam kong ayaw niya ang presensya ko. Parang si Prinsesa Vax lang. Ayaw ko talaga sa gulo dahil nandito lang naman ako para sa paghahanap ng hiyas.
“Basta sasama ka sa’kin. You should wear this one,” utos niya.
Kinuha niya ang isang damit bago niya tinapik ng mahina ang kanang pisngi ko. Sumunod lang ang mata ko sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa kaniyang banyo. Isa sa mga hindi ko kayang gawin ay sumagot para sa sarili ko. Aminin ko na may parte na sa puso ko si Prinsesa Gail dahil sa kaniyang kabaitan at pagiging kaibigan sa akin. Naalala ko sila ni Prinsesa Jcer bilang kapatid ko.
Pagkatapos naming mag-ayos ni Prinsesa Gail ay nagtungo na kami sa hardin kung saan madalas silang mag-ensayo. Ramdam ko ang pamamawis ng aking kamay dahil sa suot kong damit. Fitted kasi as in ang damit pang-itaas na pinasuot niya sa akin. Mahaba rin ang manggas at leeg kaya naiinitan ako sa loob. Nahihirapan rin ako sa paglalakad dahil ang sikip ng leggings.
Mangiyak-ngiyak ako kanina dahil ayaw niya akong magpalit ng iba. Para tuloy kapareho ko na si Heinukel Moreen ng suot except lang sa may armor siyang suot. Saka mas maayos tignan yung damit ni Heinukel Moreen dahil sa balingkinita niyang bewang kumpara sa akin na malaman ang katawan.
“Prinsesa Gail,” naiiyak kong tawag sa kaniya.
“Manahimik ka na. Malalate na tayo oh. Bagay naman sa’yo yung damit kaya be confident,” mas lalo akong nanlumo at napayuko dahil mukhang natutuwa siya sa nangyayari.
Paano ba ako humantong sa ganito?
Nakarating kami sa hardin ng tamang oras. Nakahinga ako ng maluwang dahil si Heinukel Hanuis lang ang nandito.
Phew!
Gusto ko sanang sabihin na dalian nila sa plano nila dahil kanina ko pa gustong umalis. Kung ano-ano na ang sinasabi ko sa utak ko maalis lang sa aking isipan kung ano ang itsura ng suot ko. Pinanood ko lang silang mag-usap hanggang sa pumili na si Prinsesa Gail ng kaniyang armas. Pinili niya ang Claymore na nakalagay sa dulo kung saan nakapwesto ang mga armas na pagpipilian. Good choice. Lihim ko silang pinapanood. Bakas sa mukha ni Prinsesa Gail ang kasiyahan dahil bukod sa matatamis niyang ngiti ay seryoso siyang nakikinig sa mga sinasabi ni Heinukel Hanuis.
Isa lang ang napansin ko kay Heinukel Hanuis. He genuinely cared for Princess Gail which made me confused kung platonic ba ang nararamdaman niya kay Prinsesa Gail dahil napansin kong iba ang tinginan niya kay Heinukel Moreen. Nakaramdam ako nang pagngangalay kaya umupo ako sa damuhan. I sat with the my legs crossed because this way more comfortable. Napairap pa ako sa kawalan dahil nagsimula na si Prinsesa Gail sa kaniyang galawan. Kung hindi lang sinabi ni Prinsesa Gail ang mga balak niya kanina ay hindi ko bibigyan ng malisya ang kanilang posisyon.
Oh! Anong ginagawa ni Prinsipe Ocuser dito?
Napatago ako ng nuo gamit ang aking palad dahil panandalian silang tumingin sa direksyon ko. Tinuon ko ang aking atensyon sa damo na nasa harapan ko at pasimpleng binunot nang dahan-dahan. Narinig ko muli ang sagupaan ng espada kaya tumingin muli ako sa kanila. Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong naglalakad papalayo si Prinsipe Ocuser pero mabilis na nawala ang kasiyahan namumuo sa loob ko dahil si Heinukel Vetel ngayon ang naglalakad papalapit kina Prinsesa Gail at Heinukel Hanuis.
Pareho silang natigilan sa kanilang ginagawa hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Prinsesa Gail. Wala akong nagawa kundi lumapit sa kanila. Alam kong namumula na ang mukha ko pero iniisip ko na lang na dahil ito sa tirik ng araw at sa init ng suot kong damit.
“You’re not even allowed na humawak ng sandata.” Naabutan kong wika ni Heinukel Vetel.
“Gusto ko lang naman subukan,” napanguso si Prinsesa Gail.
Ramdam kong hindi siya masaya na makita si Heinukel Vetel. Kumpara kanina parang mas kaya niyang harapin si Prinsipe Ocuser kesa sa kay Heinukel Vetel. Umiwas kaagad ng tingin si Heinukel Hanuis nang tignan siya ni Heinukel Vetel. Mukhang maging siya ay hindi kaya ang presensya ni Heinukel Vetel.
“We have something important to do. Sa susunod na lang kaya—”
“No! He made a promise kaya tuturuan niya ako right now, right here.” Napanganga ako dahil mukhang naiintindihan ko na ang role ko dito. Gusto niyang ako ang maging solusyon niya. I mentally slap my forehead.
“Heinukel Hanuis, we already talk this.” May babala sa tono ni Heinukel Vetel.
“Tsk. Why not subukan mo ang lakas ni Meil? Total nandito naman siya.”
I see. This what they called ‘being trapped’. Napaisip si Heinukel Vetel na tila tinitimbang kung magandang idea ba ang suggestion ni Prinsesa Gail.
“Wanna challenge me?” tanong niya dahilan para magpatingin ako sa kaniya.
I never said that. Napasubo lang akong pumunta dito. “No.”
“Sige na pumayag ka na. This is your chance na patunayan sa kanila na deserving mong mapabilang sa Heinukel.” I turned my lips into fish shape. Wala naman akong balak patunayan ang sarili ko.
“Ayoko,” mahina kong sagot pero siniko niya ako at pinanlakihan ng mata.
Wala akong nagawa ng inabot sa akin ni Prinsesa Gail ang hawak niyang Claymore. Napangisi rin si Heinukel Vetel na tila natutuwa sa nangyayari. Pansin ko lang na mapang-asar siya tulad ni Heinukel Aewe.
“This is crazy,” wika ko. Wala na akong pakialam kong marinig niya ang sinabi ko.
Una sa lahat may connection na kaming dalawa kaya maaaring maramdaman ko ang mga pwede kong gawin sa kaniya. Second, it’s my job to serve him and not to fight. After all it’s understandable na mas malakas siya kesa sa akin. Umirap na lang ako at lumapit sa mga sandatang nakapwesto sa gilid.
Masyadong magaan ang Claymore at madalas ito ang unang ginagamit ng mga baguhan sa pag-eensayo. Nilapag ko ang espada na binigay sa akin at pumili ng pwede kong gamitin.
“Sa tingin ko kailangan ko ng magaan at mas gamay kong hawakan dahil sa pagkakaalala ko magaling si Heinukel Vetel sa paggamit ng espada at kung gusto ko siyang masugatan man lang kailangan ko ng— Tama!”
Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang Two-bladed sword. I spin it continues before I position my posture and put the blade on the ground. Heinukel Vetel looked amused before he looked up and down at my composure. Hindi ko mapigilang mamula nang maalala ko kung ano ang suot ko ngayon. Pakiramdam ko gusto kong sumigaw sa kahihiyan.
Paano ako kikilos ng maayos ngayon?
“What’s happening here?”
Napalingon ako kay Heinukel Moreen dahil sa kaniyang pagsulpot. Mukhang hindi magkasundo sina Prinsesa Gail at Heinukel Moreen dahil pareho silang nagkusilap sa isa’t isa.
“They having duel.” Tumingin sa akin si Heinukel Moreen pagkatapos sumagot ni Heinukel Hanuis.
Ramdam ko ang panghuhusga niya dahil tinignan niya ako mula ulo hanggang sa paa ko. Nakita kong may binulong si Heinukel Hanuis kay Heinukel Moreeen dahilan para kumunot ang nuo niya.
“This is your chance na patunayan ang sarili mo kay Heinukel Moreen. Masyado ka na niyang minamaliit sa totoo lang,” bulong ni Prinsesa Gail sa tabi ko.
“I don’t need to prove myself as long as they need my ability,” bulong ko pabalik.
“Ouch!” mahina kong ungol pagkatapos niya akong hampasin sa braso. “Mag-isip ka nga. Mas maganda ng may pinatunayan ka kesa maliitin ka habang magkasama kayo. Tignan mo kanina ka pa niya minamata. Ayusin mo!” galit niyang wika ngunit sa mahinang tono.
“If that so?” bumalik ang tingin namin ni Prinsesa Gail sa kanilang dalawa dahil sa boses ni Heinukel Moreen.
“I doubt na may ibubuga yan,” ani Heinukel Moreen. She even shook her head to show that she was disappointed.
Siniko ako ni Prinsesa Gail na tila pinapakita na totoo ang sinasabi niya kanina. Lihim akong nakaramdam inis at pagkulo ng dugo ko dahil sa mapaninsultong tawa ni Heinukel Moreen. Si Heinukel Hanuis ay blanko lang ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
“Let’s have a deal.” Gulat akong napatingin kay Prinsesa Gail dahil sa binitawan niyang salita.
Mas lalo din nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil tapos na si Heinukel Vetel sa pagpili ng kaniyang sandata at lumapit na siya sa pwesto namin. Sa pagkakaalam ko Long sword ang hawak niya. Kumpara sa Claymore mas gusto ko rin ang Long sword kapag malakas at malaki ang katawan ng kalaban ko.
“T-Tek—”
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko. “Kapag natalo si Meil at sumuko bibitawan niya ang titulo niyang Heinukel,” she said firmly.
Para akong binatukan ng martilyo dahil sa sinabi ni Prinsesa Gail. Mukhang naging interesado si Heinukel Moreen sa deal na ginawa niya. Samantala si Heinukel Vetel ay parang naaaliw sa maanghang na nangyayari.
“Pero kapag nanalo siya tigilan mo na ang pagbabackstab sa kaniya,” taas kilay na wika ni Prinsesa Gail.
Tumawa ng marahan si Heinukel Moreen bago umiling. “So child,” tanging nasabi niya.
“Eww. Yung paninira kaya ng ibang tao hindi ba yun pagka-isip bata?” pagpaparinig ni Prinsesa Gail dahilan para sumingkit ang mata ni Heinukel Moreen.
I massage my nasal bone because of stress. Pakiramdam ko nadamay lang ako sa kung anong away na meron sa kanila. Malakas ang kutob ko na meron talaga silang nakatagong alitan sa isa’t isa.
“So be it then. Kapag natalo ka bibitawan mo ang titulo mo bilang Heinukel.” Gigil niya.
Pinanood kong maglakad si Heinukel Vetel papunta sa gitna. Sumunod ako at pumuwesto sa hindi kalayuan. Sinulyapan ko si Heinukel Hanuis na tila interesado sa gagawin namin. Samantalang bakas kay Prinsesa Gail ang kagalakan. She thumb-up like a kid while looking Heinukel Hanuis beside her.
Nakita kong winasiwas ni Heinukel Vetel ang kaniyang Long sword. My eyes glitch when he wipes his bottom lips seductively and smiles in a creepy way. His eyes also looked naughty and excited while circling his sword using his right hand. This whole thing is crazy, and I’m losing my mind right now.
🌸
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasiIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...
