DxH Chapter 18

27 6 9
                                    

Ngumiti ng may halong kasiyahan si Joqem bago niya pinadaan ang kaniyang kamay na may dugo sa kaniyang baba. Bahagya pa siyang tumawa na tila nasisiraan ng bait dahilan para makaramdam ng galit ang Heinukel sa kaniya. Kung bibigyan lang ng pagkakataon ang Heinukel ay ipapakita nila ang tunay nilang kakayahan subalit hindi iyon ang utos ni Sultan Macter sa kanila.

As much as possible, they had to take care not to have a conflict between the human realm and the demon realm. All beings will face a massive dilemma if Sultan Macter declares that the leaders of the two sectors are rivals.

“It’s so amusing to watch all of your reaction. What should you gonna do now?” pang-aasar ni Joqem bago sila nawala na parang bula nina Guerol at ang kaniyang mga kasamahan.

Even Princess Vax, who seemed traumatized by what happened, was effortlessly teleported along with them.

“Jcer!” sigaw nilang lahat.

Nalilitong pinanood ni Meil ang paglapit nang Heinukel kay Prinsesa Jcer. Lahat sila mababakas ang takot at pagkabigla. Nanginginig ang kamay ni Meil habang nakatingin kay Heinukel Hanuis na hawak si Prinsesa Jcer sa kaniyang bisig. Masyadong mabilis ang pangyayari. Balak ni Meil kanina na lapitan si Prinsesa Jcer para sana tulungan pero nakita ni Joqem ang kaniyang binabalak kaya inunahan siya.

Hindi lubos maisip ni Meil na masasaksihan niya ng malapitan ang sinapit ni Prinsesa Jcer. Unang gumawa ng paraan na mailigtas si Prinsesa Jcer ay si Heinukel Moreen dahil sa taglay niyang kapangyarihan na magpagaling. Since she was the group's Healer, she hurried to Heinukel Hanuis and carefully lifted the unconscious Princess Jcer from him.

“Jcer! Wake up! No! Please… No!” sigaw ni Heinukel Moreen.

Mariin siyang napapikit dahil sa dami ng dugo ang kumakawala sa leeg ni Prinsesa Jcer habang nakalagay ang kamay ni Heinukel Moreen. Ilang sandali pa ay tumigil ang pagdugo ng malalim na sugat ni Prinsesa Jcer dahil sa pagpapagaling ni Heinukel Moreen sa kaniya. Prince Ocuser appeared deep in thought, but a few minutes later, he abruptly looked at Meil.

“You! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nakapasok sina Guerol. I can feel it!” Natakot si Meil sa paglapit ni Prinsipe Ocuser sa kaniya.

She was forcefully grabbed by her collar and made to stand up. Meil felt like he was running out of air due to the intense gaze and warmth emanating from Prince Ocuser’s presence.

“Una pa lang dapat tinapos na kita! Where did they take her?” Napapikit ng madiin si Meil dahil mas lalo niyang naramdaman ang higpit ng pagkakahawak ni Prinsipe Ocuser sa kaniya.

She could feel the tightness of the collar around her neck, as if Prince Ocuser wanted her in pain.

“Nasasaktan ako,” nahihirapan na wika ni Meil dahil para siyang nasasakal sa ginagawa ni Prinsipe Ocuser.

“Masasaktan ka talaga kapag hindi mo sasabihin ang totoo! You been fooling us around!” nakakabinging sigaw ni Prinsipe Ocuser.

Halatang ubos na ang pasensya niya dahil sa pumuputok niyang ugat sa leeg at sa kaniyang kamay. Hindi makalapit si Aren kay Meil dahil lihim siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Gusto niyang protektahan si Meil pero hindi niya alam kung bakit parang may enerhiya na pumipigil sa kaniya para makatayo.

“Hindi ko a-alam ang sinasabi m-mo,” sagot ni Meil habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Prinsipe Ocuser.

Prince Ocuser smiled in sarcasm before he threw Meil on the floor. “You broke the barrier that’s protecting the palace. How could you!” Prince Ocuser massaged his nose before he turned his back.

“I didn’t. Nagsasabi ako ng totoo,” ani Meil habang hinihingal.

Hindi alam ni Prinsipe Ocuser ang gagawin kay Meil dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nakapasok sina Guerol at ang mga kasamahan niya. Kanina pa napapansin ni Prinsipe Ocuser na nagliliwanag ng bahagya ang tattoo ni Meil sa kaniyang wrist bilang Heinukel. Ibig sabihin ay nagsisinungaling si Meil mula kanina pa. Meil attempted to explain again but stepped back when she noticed a forming thermal ball in Prince Ocuser’s hand.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon