Pagpasok ni Aren, agad kong napansin ang hawak niya-dalawang rabbit na duguan. “Aren, ano na naman ‘yan?” tanong ko, kunot ang noo habang nakatitig sa mga kuheho.
Walang sabi-sabi niyang ibinaba ang rabbit sa lamesa at tumingin kay Ryan. “Maghanap ka ng panggatong,” utos niya.
“Teka, teka,” reklamo ni Ryan, itinaas ang mga kamay na parang susuko. “Ba’t ako? Eh ikaw ang nagdala niyan, dapat ikaw na rin ang mag-ihaw.” Tumikhim si Aren at tinapunan siya ng matalim na tingin.
Napailing na sumunod si Ryan. “Fine, bossy ka na nga, walang sense of humor pa.”
Sumunod ako palabas, tahimik na pinanood ang dalawa habang abala sila sa paghahanda. Habang nililinisan ni Aren ang dugo mula sa rabbit, narinig ko si Ryan na nagdadaldal.
“Alam mo, Meil, dapat ikaw gumagawa ng ganito. Survival 101 ba. Next time, ikaw na ang mag-ihaw, tapos ako ang kukuha ng rabbit. Sounds fair, di ba?” Hinawakan niya ang isang stick na gagawing panghawak sa karne. “Or, better idea, let’s just find a town and buy food. Much easier. Less messy. Hindi ba?” Umiling ako, napapikit habang humihinga ng malalim.
“Ryan, kung di mo kayang magtrabaho nang tahimik, manahimik ka na lang,” sagot ko, pero ngumisi lang siya.
“Ouch. Someone’s cranky. Aren, narinig mo ‘yon? Hindi ko deserve ‘yon.” Tumigil si Aren sa kaniya pero tiningnan lang siya nang seryoso.
Pagkatapos ng ilang minuto, iniabot ni Aren sa akin ang isang baso ng tubig. “Meil, dito ka muna sa labas. Ginawa ko na ‘yung tulugan mo sa gilid,” sabi niya habang tinuturo ang isang maliit na espasyo na may unan at kumot sa damuhan.
Napakunot ang noo ko. “Bakit ako dito? Ano ba’ng gagawin niyo sa loob?” tanong ko, pero mabilis niyang sinagot.
“Aayusin lang namin ang ibang parte ng bahay. Delikado na ‘yung dingding at sahig.” Tumigil sa ginagawa si Ryan at tumingin kay Aren, halatang naguguluhan.
“Wait, wait, wait. So kasama pala ako sa pag-aayos? What am I, a carpenter?” Napailing si Aren.
Pagkatapos nilang maihaw ang rabbit, maingat na naghiwa si Aren at inabot ang isang piraso sa akin. “Kainin mo na habang mainit pa,” sabi niya.
Tahimik kong tinanggap ito at sinimulang kumain. Si Ryan, kahit na abala sa pag-ayos ng gamit sa loob ng mga sirang parte ng bahay kubo, hindi pa rin tumitigil sa pagsasalita.
“Seryoso, Meil. You should’ve seen how I almost burned the rabbit. Aren was like, ‘focus,’ and I was like, ‘relax.’ You missed all the action!” Natatawa siya sa sariling kwento, pero hindi ko na pinansin.
Pagkatapos kong maubos ang pagkain, napansin ko ang lamig ng hangin. Tumayo ako at nagtungo sa gilid kung saan ginawa ni Aren ang tulugan ko. Ilang saglit lang, nakatulog na ako sa sobrang busog at pagod.
“Meil, wake up,” marahang sabi ng isang boses habang may umiiling sa balikat ko.
“Five minutes,” sagot ko, sabay lingon patalikod sa taong gumigising sa akin. Pero imbes na matahimik, narinig ko ang pamilyar na tawa ni Ryan.
“Ampangit mo matulog, parang nabilad sa araw,” biro niya, sobrang lapit ng mukha sa akin.
Nagmulat ako ng mata at nakita siya, nakangisi na parang baliw. “Ryan!” mabilis akong bumangon at umupo, tinakpan ang mukha para magising nang maayos. “Ano na naman kailangan mo?” tanong ko.
“May bisita tayo,” sagot niya, itinuro ang direksyon ng bahay. “And by the way, better fix your face. Baka matakot ‘yung matanda sa itsura mo.”
Hindi ko pinansin ang asar niya. Bumangon ako at naglakad papunta sa bahay. Ngunit hindi ko inasahan ang makikita ko-si Yvelin, ang lola ko, nakatayo sa gitna ng silid.
“Lola!” Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit, hindi alintana ang luhang pumuno sa mata ko.
“Meil,” mahinang tugon niya habang hinahaplos ang buhok ko. “My child you smell bad,” pabirong sabi niya pero naroon ang lambing sa boses.
“Grabe ah,” sabi ko.
Sa gilid ng bahay, tahimik lang sina Ryan at Aren, pinapanood kami ni Yvelin. Nang makaupo na kami, hindi ko napigilan ang pagbuntong-hininga. “Lola, nagpakita siya,” bigla kong sabi, sabay yuko. “Si Mama... nagpakita siya sa akin. Sinabi niya na kailangan kong hanapin ang lahat ng Pollo.”
Huminga nang malalim si Yvelin bago sumagot. “Meil, mas delikado ngayon ang maglakbay. Nagkalat na ang mga tauhan ni Emperor Damascke. Hindi lang ikaw ang naghahanap ng Pollo. Marami ang nais gamitin ang mga ito sa kasamaan. Kaya sa tingin ko, bumalik tayo sa Werzenia.”
“Werzenia?” tanong ko, halatang naguguluhan.
Tumango si Yvelin. “Oo. Para sa kaligtasan mo at dahil na rin sa malakas ang kutob kong buhay pa ang kapatid ko.”
Napatigil ako. “Ano? Pero di ba... patay na siya?”
Nagpakawala si Yvelin ng malungkot na ngiti. “Hindi siya patay. Sigurado ako. Alam kong niligtas niya ang anak niyang si Ocuser mula sa sarili nitong kapangyarihan. Ginamit niya ang isang Pollo sa isang dark spell para pigilan ang sumpa sa katawan ng bata. Ang kapalit nito... ay ang buhay niya.”
Napatulala ako. Biglang sumabat si Ryan. “Ah, kaya siguro ganun si Ocuser. Lagi siyang bad mood. Siguro may bahid na siya ng dark magic. Makes sense, ‘di ba?”
Napailing ako. “Ryan, seryoso ang pinag-uusapan namin. Tumigil ka nga muna.”
“Sungit,” habol niya, pero nagpakawala rin ng kunwaring takot sa ekspresyon niya.
Ngunit si Yvelin ay tumawa nang mahina, halatang sanay na sa pagiging pasaway ni Ryan. “May punto siya, Meil. Kung gusto nating malaman ang totoo, kailangan nating harapin si Sultan Macter.”
“What?” Napataas ang boses ko sa gulat nang marealize ang sinabi ni Yvelin.
“Ngayon mo lang sinabi sa akin na kapatid mo ang Sultana? You mean pamangkin mo si Ocuser? Huh? Huh? Hindi ko na naiintindihan,” mabilis kong tanong, hindi ko maitago ang pagkabigla.
Huminga ng malalim si Yvelin. “Matagal ko nang binaon sa limot na magkapatid kami ni Yonah dahil magkaiba kami ng ama. Pero kahit na ganoon, sinusubaybayan ko siya mula sa malayo. Binabantayan ko siya dahil wala akong tiwala sa napangasawa niya. Hanggang sa nalaman ko na nanganak siya sa kaniyang panganay. Sobrang saya niya noong araw na iyon, pero napalitan iyon nang isilang si Ocuser. May kakaiba sa kapangyarihan ng bata. Kahit sanggol pa lamang siya, malakas na ang kapangyarihan niya kaya pinatawag ako ng kapatid ko.”
Habang nagsasalita si Yvelin, napansin ko ang bigat sa kaniyang boses. Para bang bumabalik ang sakit ng nakaraan sa bawat salitang binibigkas niya.
“Binalaan ko siya na hindi maganda ang kaniyang plano dahil natuklasan namin na ang kapangyarihan ni Ocuser ay unti-unting hinihigop ang sarili niyang buhay. Sinabi ko sa kaniya na kapag naubos ang lakas ni Ocuser, maglalaho ang kaniyang anak. Pero hindi niya ito matanggap. Kaya palihim na inutos ni Sultan Macter na nakawin ang isa sa mga hiyas na nagpoprotekta sa human realm.”
Halos mabingi ako sa bigat ng impormasyong iyon. Hindi ako makapagsalita.
“Nakipagkasundo si Sultan Macter kay Emperor Damascke para makuha ang hiyas na iyon. Nagtagumpay sila, pero nang mailigtas si Ocuser, biglang nagkaroon ng alitan ang dalawa. Sinubukan kong pigilan ang away nila, pero...” Tumigil si Yvelin saglit, halatang nahihirapan hindi niya gustong ituloy ang kaniyang sasabihin. “Sinabi ni Emperor Damascke na maghihiganti siya balang araw. Akala ko naka-move on na siya, pero mukhang ito na ang paghihiganti niya.”
“Kaya ba binabantayan mo si Ocuser sa Torogan Palace?” Tumango siya sa sinabi ko.
“Umalis rin ako pagkatapos niyong umalis para sa misyon niyo. Siniguro ko lang na nasa maayos na kalagayan si Ocuser. Kaya lang napansin kong may kakaiba sa kaniya. Pakiramdam ko ang kaniyang mahika ay bumalik kaya nag-aalala ako para sa kaniya.” Humigop siya sa kaniyang tsaa at napasandal sa kaniyang upuan.
“Oh, hindi ba’t sinasabi ng Heinukel na ikaw si Kamfali?” sabat ni Ryan. Nagawa pang naisingit ni Ryan ang bagay na iyon. Pambihira.
Napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Yvelin. “Ganito kasi, Lola. Naalala mo yung usapan natin na sasabihin ko kay Sultan Macter na patay na ka ka? Sinunod ko iyon. Then, I met Bermude. Things happened, tapos nameet ko si Uwayonak. Both of them are claiming na ako si Kamfali. That’s impossible because I know to myself na malinaw ang memories ko with my family since I was a kid. So I decided to escape and run here to find all the Pollo by myself. I can sense the Pollo’s energy after all, so alam kong mauunahan ko sila-even Emperor Damascke.”
Hinilot ko ang noo ko, halatang napapagod na rin sa kwento.
“Hindi ikaw si Kamfali. Hindi, malayo iyon,” sagot ni Yvelin. “Ako ang huling nakausap niya bago siya naglaho. She said something about a prophecy. She was a kid back then, pero napaka-matured ng dating niya. Akala ko laro lang iyon kaya hindi ko masyadong pinansin ang paalam niya,” pagtatapos niya habang seryoso ang mukha.
Nabaling ang tingin namin ni Yvelin kay Aren nang bigla itong bumagsak sa sahig. Agad akong napatayo at nilapitan siya.
“Aren!” tawag ko, nanginginig ang boses ko sa kaba. Hinawakan ko ang balikat niya at marahang inalog. “Anong nangyari? Gising!” Ngunit hindi siya sumagot. Nakita kong nakapikit ang mga mata niya at tila nawalan siya ng malay. Ramdam ko ang malamig na singaw mula sa katawan niya.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya dati. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. “Shit... tapos na pala ang ikalawang sinag ng buwan,” bulong ko sa sarili ko, napahigpit ang hawak ko sa balikat niya.
“Sabi niya... kailangan niya ako bilang Gerod,” dagdag ko, habang nararamdaman ang kabog ng puso ko sa kaba.
“Anong Gerod?” tanong ni Yvelin, halatang naguguluhan ngunit nanatiling kalmado.
“He’s having a Cryokinesis attack. Hindi niya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya kapag dumating ang ikalawang sinag ng buwan. Kailangan kong maging Gerod niya para ma-stabilize ang kapangyarihan niya. Kung hindi...” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Napatingin ako kay Aren, ramdam ang bigat ng responsibilidad na nakapatong sa akin.
“Kung hindi, mawawala siya, hindi ba?” sabi ni Yvelin, bahagyang bumigat ang tono ng boses niya. Tumango lang ako, hindi magawang magsalita dahil sa kaba.
Bigla akong napaiktad nang maramdaman ang biglaang sakit sa leeg ko. Napahawak ako roon at napasandal sa gilid. “Argh... bakit ngayon pa?” impit kong sabi, pilit kinakalma ang sarili.
“Meil!” sigaw ni Ryan, halatang kabado. Napatingin siya kay Yvelin. “Bakit ba hindi ka tinatantanan ng kamalasan sa buhay? Ano na naman ‘to?”
Mabilis na lumapit si Yvelin at tinignan ang leeg ko. Kumunot ang noo niya. “Meil, ano bang nangyayari sa’yo? May koneksyon ka rin ba sa Zodiac Sign?” tanong niya nang may halong pag-aalala.
“Y-Yes,” sagot ko, nanginginig pa rin sa sakit. Hindi ko masagot nang maayos dahil nararamdaman kong tumitindi ang sakit.
Sumingit si Ryan, napapakamot ng ulo. “Sabi ko na nga ba. Masyado kang binayayaan ng problema,”
Habang nakakapit ako sa leeg ko, naramdaman kong lumapit si Yvelin. Tinignan niya ako nang seryoso, na para bang may bigat ang bawat salitang sasabihin niya.
“Meil,” aniya, habang tinitingnan si Aren na nakahandusay pa rin sa sahig.
“Gawin mo na lola. Nangako ako sa kaniya na hahayaan kong maging Gerod ko siya,” sagot ko sa kaniya habang iniinda ang kirot sa leeg ko.
Hinaplos ni Yvelin ang balikat ko, “Okay, ako na ang bahala sa pagiging Gerod mo sa kanya. Pero huminahon ka muna-kailangan kong mag-cast ng spell.”
Napailing ako sa huling sinabi niya, pero kahit papaano ay naibsan ang kaba ko.
Tumayo si Yvelin mula sa kinauupuan niya, tumikhim, at tumingin kay Ryan. “Ryan, kailangan ko ng mapait na damo, ugat ng siling-pukpuklo, at ilang dahon ng hibiscus. Kunin mo ang mga iyon sa sa kabinet. Doon,” utos niya, habang tinuto ang kabinet kung saan niya nilalagay ang mga gamit niya sa pagcacast ng spell.
“Ha? Bakit ako na naman? Ako nalang palagi!” reklamo ni Ryan habang kunot-noo, pero agad din siyang sumuko nang makitang seryoso si Yvelin.
“Fine, fine,” dagdag niya habang naglalakad papalapit sa kabinet.
Tahimik akong nanatili sa tabi, pinanood ang bawat galaw ni Yvelin. Nang inabot ni Ryan ang mga dala niyang halamang gamot, mabilis na inihanda ni Yvelin ang mga ito at nagsimulang magchant. Ang boses ni Yvelin ay bumaba sa isang kakaibang tono-hindi parang dasal, kundi parang lumang awit mula sa sinaunang panahon. Ang paligid ay nagbago. Naging malamig ang hangin na bumalot sa silid, at ang liwanag mula sa kanyang mga kamay ay nagpakislap ng asul na enerhiya na bumalot sa katawan ni Aren.
Habang patuloy ang chant, napansin kong unti-unting nagbabago ang katawan ni Aren. Bumalik ang kulay sa kanyang maputlang mukha, at ang lamig na nanggagaling sa kanya ay unti-unting nawala. Pagkatapos ng ilang sandali, huminto si Yvelin, hingal na hingal, ngunit nakangiti. Dahan-dahang iminulat ni Aren ang kanyang mga mata, at napansin ko ang bagong marka sa kanyang daliri-isang tattoo na parang singsing. Nang tingnan ko ang akin, ganoon din ang nakita ko.
“Akala ko hindi ka na magigising,” sabi ko, pilit na pinipigilan ang paghinga ko na bumigat dahil sa damdamin. “Buti nalang,” dagdag ko, bahagyang ngumiti.
Tumingin sa akin si Aren, pagod ngunit may pasasalamat sa kanyang mga mata. “Alam kong hindi mo ako papabayaan,” mahinang sagot niya.
Sinubukan kong magbiro upang maibsan ang bigat ng sitwasyon. “Pinilit lang ako ni lola na maging Gerod ka.”
Sa gilid, napansin kong nakaupo na si Yvelin, halatang nanghina mula sa ritual. “Lola, ayos ka lang ba?” tanong ko, puno ng pag-aalala.
Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Huwag kang mag-alala, Meil. Normal lang ito para sa isang tulad ko. Isa itong paalala na tumatanda na ako, pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko kayo kayang protektahan,” paliwanag niya.
Ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa kanyang boses, ngunit alam kong sinasabi niya ito upang hindi ako mag-alala. Tumango ako, tahimik na nagpapasalamat sa ginawa niya para sa amin.
Lumipas ang ilang oras at nakapagpahinga kami. Habang humihigop si Yvelin ng tsaa upang maibalik ang lakas niya, lumapit ako at umupo sa tabi niya. “Lola, sa tingin ko hindi ako sasama sa’yo pabalik sa Werzenia,” sabi ko nang mahina.
Tumingin siya sa akin, bahagyang ngumiti. “Hindi kita pipilitin. Pero kailangan mong maging mas matatag, Meil. Ang laban mo ay nagsisimula pa lang.”
“Matagal ng nagsimula ang kapalaran ko lola. Kailangan ko lang harapin ito ngayon,” wika ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Aren, na ngayo’y nakaupo na at sinusuri ang tattoo sa kanyang daliri. “Parang hindi ka pa rin makapaniwala,” sabi ko, bahagyang nakangiti.
“Anong nararamdaman mo tungkol dito?” Hindi ko mapigilang tumawa nang bahagya sa tanong niya.
“Wala akong choice, hindi ba? At least alam kong ligtas ka na.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin.
“Biro lang,” bawi ko din. Ngumiti si Aren at umiling dahil sa ginawa ko.
Biglang sumabat si Ryan, hawak ang natitirang tsaa mula kay Yvelin. “So, ano na ang plano? Magkakaroon ba tayo ng cool team name dahil sa mga matching tattoos niyo?” biro niya, pilit na pinapagaan ang tensyon.
Napailing si Aren, habang ako naman ay sumagot nang pabiro, “Oo, tatawagin tayong ‘Team Wala Kang Kwenta.’” Tumawa si Ryan, pero ang totoo, alam naming lahat na kahit nagpapatawa siya, ginagawa niya iyon para maibsan ang bigat ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a world on the edge of chaos, a betrayal by Emperor Damaschke Hadrian shatters an ancient pact, unleashing a darkness that threatens to destroy the Five Realms. The future now rests in the hands of Maivee Fogler, the daughter of Duke Jawer, who i...
