DxH Chapter 26

27 5 1
                                        

"COULD you stop being clumsy!" Heinukel Ocuser scolded.

Natameme ako.

"Hindi ko alam okay!?" inis kong sagot bago lumayo sa kaniya.

"Stupid," masama niyang tingin.

What?

"Ito na ata ang katapusan ko," pang-agaw pansin ni Prinsesa Gail sa amin.

Napalunok siya habang nakatingin sa ibaba. Gayon na lang ang pagkatulala ko pagkatapos kong sundan ang tinitignan niyang bangin na nasa harapan namin. Halos labing-apat na pulgada lang ang lawak ng lupang maapakan namin para makarating sa kabilang bundok. Napahinga ako ng malalim bago pinunasan ang basang-basa kong mukha mula sa ulan.

"Dadaan tayo jan?" tanong ko kay Heinukel Aewe.

"Lumipad ka kung gusto mo," sagot niya bago naunang naglakad kasabay si Prinsesa Gail.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Heinukel Moreen dahil sa pagkuyom niya habang nakatingin kina Heinukel Aewe. Nagsimula na kasing alalayan ni Heinukel Aewe si Prinsesa Gail sa paglalakad.

"What happened?" tanong ni Aren.

"Nothing," I shortly replied.

Napagdesisyunan namin na mauna si Aren para gumawa siya ng yelo na kakapitan namin sa mga bato. Sa isang pagkakamali lang siguradong mahuhulog kami pababa sa ilog. Nakaramdam ako ng pagkailang kay Heinukel Vetel dahil pinauna niya ako kaya nasa unahan ko si Heinukel Moreen. Mas madali sana kung deretso ang inaakyat namin kaso pa-zigzag. Napatili ako dahil nadulas si Heinukel Aewe na nasa likod namin. Mabuti na lang at mabilis siyang nahawakan ni Heinukel Vetel pero nangangalay na silang dalawa lalo na at malakas pa rin ang buhos ng ulan.

"Shit!" they both cursed.

"Moreen bigyan mo ko ng palaso!" sigaw ko.

"Hah?" sigaw niya dahil sa lakas ng hangin.

Mahigpit akong kumapit sa yelo na ginawa ni Aren mula sa bato. Sinenyasan ko ang kaniyang palaso na ka agad din niyang naunawaan.

"Natutunaw ang yelo dahil sa kapangyarihan niya mas magandang gamitin niya ito," payo ko bago iabot kay Heinukel Vetel ang palaso ni Heinukel Moreen.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o dahil sa matinding panahon. Parang tumaas ang sulok ng labi ni Vetel kanina habang nakatingin sa kamay ko. Hindi kami nagtagal at nakarating kami sa malawak na lawa. Tumikhim si Heinukel Aewe sa akin at nagpasalamat. Ngumiti lang ako sa kaniya bago humarap kay Heinukel Moreen.

"I can feel the Pollo," wika ko na ikinagulat nilang lahat.

"Ocuser nasa malapit lang ang isang hiyas ng kapalaran!" Heinukel Moreen excitedly announced.

"How come?" Nalito rin ako sa tanong ni Prinsipe Ocuser.

"I don't know, let's just find the Pollo," Heinukel Moreen answered.

"Are you guys lost?" Napasinghap ako ng magbitaw si Heinukel Moreen ng palaso sa lalaking nagsalita mula sa likod namin.

"To slow," bored niyang wika habang tinitingnan ang palasong tumama sa puno na nasa likod niya.

"Right on time kanina ka pa nakasunod. What do you want?" ani Prinsipe Ocuser.

"Pffttt. What do you need? This is my home so better go away. Kung gusto niyong makaalis dito ng buhay huwag kayong dumaan sa lawang yan," turo niya sa lawa na nasa likod namin. Walang pasabi siyang tumalikod at naglakad papalayo.

"Hold on," pigil ni Heinukel Moreen.

"We're here to find the gems of Pollo. Perhaps do you know where it could be?" pagbabasakali ni Heinukel Moreen.

DemonxHumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon