Chapter VIII

7.3K 226 8
                                    

MAAGA pa lang nagpaalam na si Tryna na lumabas dahil makikipagkita siya sa kaibigan nito bago sila aalis. Sinabi kasi ng binata sa kaniya kagabi na aalis sila papuntang Amsterdam. Hindi niya alam kung bakit sila pupunta roon, basta na lang siyang nag-impake kagabi pagkatapos sabihin ng binatang aalis sila. Makailang beses pa nga siyang nagtatalon sa kama niya sa sobrang excited na makapunta ng Amsterdam. Sinearch niya kasi sa google kung maganda ba ang Amsterdam at ayon... muntik pa siyang mahulog sa kama. Para siyang kabute na naputulan ng buntot sa tuwa eh.

"Hey, sweety!" Nakangiting bati sa kaniya ng kaibigan nang makarating sa isang coffee shop ng mall.

"Mon!" Masayang banggit niya sa palayaw niya sa binata bago ito niyakap.

Mahigit dalawang buwan na simula ng huli nilang pagkikita. Tanging sa text at tawag lang sila nag-uusap dahil busy rin ang kaibigan niya. Na-miss niya ito lalo ang mga biruan at tuksuhan nilang dalawa.

"I miss you. How have you been lately?" Nakangiting tanong nito bago siya pinaghila ng upuan.

"Ayos lang naman ako. Kunti na lang mano-nosebleed na ako sa amo ko, eh." Nakangusong sagot nito.

Mahinang natawa naman ang binata saka pinisil ang tungki ng ilong niya. Habit na talaga nitong gawin iyon sa kaniya.

"I told you before to learn and how to speak––" she cut him off.

"Utang na loob, Mon, magtagalog ka. Nosebleed na ako sa mansion ng amo ko, pati ba naman sa'yo?" Bakas ang pakiusap sa mga matang untag niya na ikinangiti ni Simon.

Masuyong ginulo ng binata ang tuktok ng ulo niya dahilan para inis na tampalin niya ang kamay nito.

"Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko," nakasimangot na sita niya.

Tinawanan lang naman siya nito bago tinawag ang waiter para mag-order. Pasado alas-dies pa naman ng umaga.

"What do you want to order, Ma'am and Sir?" Nakangiting tanong ng babaeng waiter na sa tingin niya ay kaedad lamang niya ito.

Kung makatingin pa ito sa kaibigan ay akala mo nakakita ito ng isang anghel na nahulog mula sa langit. Ganun na ganun din siya noong unang beses na nakita niya ang binata. Guwapo naman kasi ang kaibigan niya, siya yung tipo ng lalaki na isang tingin pa lang ay mapapamangha ka na.

"Give us two cappuccino and two slice of chocolate cakes." Pormal na sabi ni Simon habang nakaturo sa mga in-order nito.

Napangiti na lang siya rito. Sa kaniya lang talaga ngumingiti ang binata, palagi itong seryuso kapag sa trabaho o kaya ay may kausap siyang ibang tao.

"What's with the smile, sweety?" Nanunuksong tanong nito sa kaniya.

Nakita pa niyang napairap sa kaniya ang babaeng waiter ng marinig nitong tinawag siyang sweety ng binata.

"May bagong nagka-crush na naman sa'yo dahil sa kaguwapuhan mo." Natatawang sabi niya sabay nguso sa waiter na kakaalis lang.

"Tsk! Hanggang crush na lang sila," medyo masungit ang boses na saad nito.

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Because I don't like them," simple'ng sagot ng binata.

Napatango-tango siya sa sagot nito. Pero kalaunan ay nanunuksong binalingan niya ito.

ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon