NAGSIMULANG tumugtog ang kantang 'Baby I Love You' covered by the 'Nightcore' nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Tumambad sa lahat ang nag-iisang babaeng nagpabago sa buhay ni Keen. Nakasuot ng isang magarbong puting gown si Tryna, puting belo na nakatabon sa mukha nito. The gown fits well with her body curve. Hindi maipaliwanag ni Keen ang kaniyang nararamdaman, tila ba gusto niyang maiyak na ewan.
Nakatitig lamang siya sa dalagang naglalakad sa aisle kasama ang mga magulang nito.
"Wew! May iiyak na naman ngayon," rinig niyang bulong ni Kimwell na nakatayo sa gilid.
Lahat ng mga kaibigan niya ay best man sa kaniyang kasal. Kahit si Roshan na hindi pa ganun magaling ay lumabas ng hospital para saksihan ang kaniyang kasal.
"Loko! Tawag do'n tears of joy," asik naman ni Zurich sa kaibigan.
"Really? Then why do mens cried on their wedding?" kunot-noong tanong ni Kimwell.
Mabilis namang binatukan ni Luhen ang kaibigan dahilan para taliman ito ng masamang tingin ng huli.
"Tears of joy nga 'di ba?" nakangiwing anas ni Darshan.
"Huwag ka na lang bomoses kung 'di mo alam, Clarkson." Tapik ni Charm sa balikat ng kaibigan.
"Mag-asawa ka na rin kasi nang malaman mo," sabat ni Arbby.
"Malabo 'yang makapag-asawa, tiklop nga 'yan kay Miss Amesha Quilan," tudyo naman ni Zyrone.
"Sundalo raw ba ang pag-initan," anas ni Zyken.
"Hindi putok sa loob ang mangyayari sa 'yo, Clarkson, kundi putok sa bungo." Luhen
"Shut up!" inis na sita ni Kimwell sa mga kaibigan.
Nagtawanan lang naman ang mga ito habang napapailing naman sila Zach at Dwight, si Roshan na nakangiwi at si Eldian na tahimik na nakikinig lang.
Hindi na lang niya pinansin ang mga kaibigan. Itinuon niya ang kaniyang mga mata sa babaeng tanging nilalaman ng kaniyang puso. Ang babaeng magiging legal na asawa na niya sa araw na iyon.
Sari-sari ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung ngingiti, tatawa, tatalon o umiyak sa sobrang intense na nararamdaman niya. Ngayon lang niya napagtanto na kapag makitang naglalakad sa aisle ang babaeng gusto mong makasama habang-buhay ay ang pinaka- importante at masayang araw sa buong buhay mo.
Para siyang matutunaw sa tamis ng ngiti ni Tryna habang naglalakad sa gitna kasama ang mga magulang nito.
Nakatitig lang sa mga mata ng isa't isa. Nakaramdam din siya nang kaunting inip dahil ang haba pa nang lalakarin ng dalaga bago makarating sa kinaroonan niya.Hindi siya mapakali, parang gusto na niyang lapitan ang dalaga para dalhin na sa harap ng altar.
"Relax lang..." pakantang sipol ni Zurich na nasa tabi niya.
Animo'y inaasar siya nito. "Malapit na siya kaya huwag ka nang mainip diyan," gatong pa ni Kimwell.
"Kamzatti, asan na yung pampakalma kay Azzarry?" rinig niyang tanong ni Arbby kay Darshan.
"Wait a minute. Asan na yun--oh, here!" Lumapit sa kaniya ang kaibigan at napakunot ang noo niya nang may ilagay ito sa kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)
عاطفيةWARNING ⚠️: Rated SPG(R18+) Keen Mark Azzarry, was a scheming playboy who loves playing dirty flame with girls. He's a seaman and a cunning man when it comes to business. No one dared to trick him except his set of friends who always their when in n...