NAKANGITING hinihintay ni Tryna ang pagtila ng ulan upang makabalik sa mansion ng amo niya. Galing kasi siya sa office ng kaibigang si Simon dahil may ipapadala siya sa binata para sa magulang niya. Binanggit kasi ng kaibigan kahapon noong nagkita sila na uuwi ito sa Davao dahil may business partner itong kikitain roon. Nakisuyo siyang dalhin ang mga regalong para sa magulang niya. Magbabagong taon na kasi at hindi siya makakauwi dahil naging busy nitong mga nagdaang araw ang amo niya. Walang magluluto ng pagkain nito kung kaya't naisipan niyang huwag na lang munang umuwi.
Noong nakaraang buwan ang huling uwi niya sa Davao. Pinayagan siya ni Keen na umuwi dahil kaarawan ng tatay niya. Sinamahan pa nga siya nito dahil gusto raw nitong makilala ang magulang niya. Pina-enroll din siya ng binata sa online class para matuto, lalo na sa english. Oo, at lahat ng gastusin ay ang lalaki ang nagbayad kahit na tumanggi siya. Ayaw man niyang umasa pero pakiramdam talaga niya ay nobya siya nito.
Nawala ang ngiti sa labi niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, si Keen pala ang tumatawag sa kaniya.
"[Hello?]" Nakangiting sagot miya sa tawag nito.
"[You're not home. Where are you?]" Tanong nito sa kabilang linya.
Napatingin siya sa paligid, hindi pa rin tumitila ang ulan. Mukhang matatagalan pa bago iyon titila.
"[Nandito pa ako sa labas ng kompaniya ni Monmon––]"
"[What? What are you doing there?]" Seryusong pigil nito sa kaniya.
"[Hinatid ko lang 'yong mga regalong ipapadala ko para sa magulang ko.]" Aniya.
Napausog siya bigla nang biglang humangin ng malakas dahilan para mabasa siya.
"[Hey! Are you alright?]" Biglang tanong nito.
"[Ayos lang. Nabasa lang ako dahil sa malakas na hangin.]" Sagot niya rito.
Nakarinig siya nang kaluskos sa kabilang linya. "Just wait me there, I'll fetch you." Bilin nito.
Tatanggi na sana siya nang biglang naputol ang kabilang linya. Ibinalik na lang niya sa bag ang cellphone at hinintay ang binata. Biglang may humarurot na sasakyan kaya natalsikan siya ng tubig sa kaniyang damit nang may humila sa kaniya papunta sa gilid dahil sa pagtalsik ng tubig mula sa kalsada.
"Bakit hindi ka tumabi? Basa ka na tuloy," Kunot-noong tanong ni Simon.
Pinunasan ang damit niyang natalsikan ng tubig. Napakamot na lang siya ng noo saka ngumiti sa kaibigan.
"Gusto mo ihatid na kita?" Presenta nito pero umiling siya.
"Huwag na, susunduin ako ni Keen," nakangiting tanggi niya.
Hindi umimik ang kaibigan at napatitig lang ito sa kaniya. Kalaunan ay nagbuntong-hininga ito
"Did you two..." alanganing anas nito. "Nevermind," naiiling na dagdag niya saka tumingala sa langit habang nakapamulsa.
Nakitaan niya ng lungkot o sakit ang mga mata nito sa hindi malamang dahilan. Mukhang may problema ito ngayon. Nagsasabi naman ito ng problema noon ngunit ngayon––simula ng magtrabaho siya kay Keen bilang katulong nito ay hindi niya naalalang nagsumbong ito ng problema sa kaniya. Mula rin noong nasa barko sila ay nakikitaan na niya ito ng lungkot.
BINABASA MO ANG
ILS#3: His Possession With A Maid (Complete)
RomanceWARNING ⚠️: Rated SPG(R18+) Keen Mark Azzarry, was a scheming playboy who loves playing dirty flame with girls. He's a seaman and a cunning man when it comes to business. No one dared to trick him except his set of friends who always their when in n...