Chapter #15

213 9 0
                                    

                   Yhoquin P.O.V

Lihim na naiiling ako habang naglalakad sa corridor. Ilang araw ko ng nararamdamang mayroong asong sunod nang sunod sa'kin na alam kong si Yab 'yan. Simula ng lumabas ako mula sa aking secret hideout, lagi na siyang bumubuntot sa'kin.

Ano na naman kaya ang pakulo niya? Hinahayaan ko na lang siya sa trip niya. Katunayan ang bagal niyang kumilos. Nangangati na akong mahawakan ang ulo niyang gusto kong isabit sa poste.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nagpanggap na tila wala akong napapansin. Narating ko ang garden, tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang kaniyang kinaroroonan.

"Hanggang kailan mo ako balak sundan? Hanggang sa pagbuntot na lang ba ang kaya mong gawin? Come on, Yab! Come out there. Alam kong ikaw 'yan." mahaba kong saad.

Ramdam ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Nagugutom na ako kanina pa. Patungo nga akong lighthouse para makakain na.

"Impyernes! Napahanga mo ako. Hindi ka na katulad ng dati na walang pakiramdam. Tila yata tumalas ang iyong pakiramdam." Lumabas siya sa kaniyang tinataguan.

Tiningnan niya ako nang puno ng pagsusuri. Mula ulo hanggang paa ay sinuyod niya ako ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"At mukhang ang laki nga ng iyong pagbabago simula ng huli tayong magkita. Huli kong natatandaan sa huli nating pagkikita ay isa kang uhuging batang kalye, lumuluhod at nagmamakaawa." puno ng pangungutya niyang anas.

Marahan siyang humakbang palapit sa'kin. Tumigil siya ng one meter na lang ang layo namin.

"Hmm," Muli siyang humakbang paikot sa'kin. "Paano ka kaya nakatakas noon? Iniwan kita na halos hindi na humihinga kasama ang mga kapatid mong inabandona." wika niya,

Pinanatili kong kalmado ang aking sarili habang nakikinig sa kaniya.

"Kawawa naman ang mga batang iyon. Nasayang lang ang buhay nila." Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. Nanatili akong nakatayo habang walang imik at hindi kumikibo sa'king kinatatayuan.

"Sa tingin mo, kung hindi kaya nagtagpo ang mga landas ni'yo," Tumigil siya sa pagsasalita. "mananatili kaya silang buhay hanggang ngayon?"

Ngumiti ako at humarap sa kaniya. "Siguro, kung hindi kita nakilala. Mas tiyak akong mabubuhay kaming matiwasay." sagot ko,

Tiningnan ko rin ang kabuo-an niya. "Tsk! Sino kaya ang malas na kumupkop sa'yo? Mukha naman kasing walang nagbago sa'yo. Isa ka pa ring asong ulol na nagmula sa lansangan."

Nakita ko ang galit sa kaniyang mukha dahil sa aking sinabi. "Ohh! Huwag kang magalit." pang-aasar ko.

Inilagay ko ang aking kamay sa aking likuran.

"Katakot naman," Nagpanggap akong natatakot sa kaniya. "I think kailangan kong lumayo sa'yo. Natatakot kasi ako na baka ay mapatay mo na ako." Patuloy ko siyang inaasar.

"Naalala ko pala, alam ba nila na galing ka rin sa lansangan? Lugar kung saan ka isinilang. Lugar kung saan iyon ang iyong tunay na pinagmulan. Sa pagmulat ng iyong mga mata. Ang mabahong lansangan na ang iyong unang nasilayan." simpleng pagpapaalala ko sa kaniya.

"Kaya nga asal aso ka kung mag-isip at kumilos." naging seryoso ang tono ng aking boses pero nandoon pa rin ang pagiging inosente ng mukha ko.

Hindi na siya nakapagtimpi pa. Nilabas niya ang kaniyang dagger at sumugod sa'kin. Iniiwasan ko ito ng hindi inaalis ang mga kamay ko sa aking likuran.

"Anong karapatan mong ipaalala sa'kin ang aking pinagmulan! Baka makalilimutan mo, ikaw at ako ay iisa ang pinagmulan." galit na galit niyang wika.

Walang hirap ko siyang pinatid at gamit ang aking paa ay sinipa ko ang kaniyang panga. Tumilapon siya at bumuga ng dugo.
 
Weak! Ang hina naman niya. Simpleng sipa pa nga lang ginagawa ko bumubuga na siya ng dugo. Pitik nga lang ang ginawa ko, e.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon