Chapter #36

182 6 2
                                    


Drewhein's P.O.V

I am smirking while looking at Green, who is injured from my invincible laser. 

My story with him is different from the others. I indeed met him when we were in high school, or, let's say, when he was still on his high school journey. 

He was popular. Kinatatakutan siya ng lahat dahil ang taong babangga sa kaniya ay kaniyang pinahihirapan at ginagawang taga-silbi niya. He was like the king of the school. 

He's target was the weak students who are easily manipulated, and I became his apple of his eyes. 

I was nerdy and weak at that time. Hindi ko naman siya pinakiki-alaman. Tanging pagtulog lang naman ang ginagawa ko.

Until the day that the girl he liked always approached me, and he was jealous, kaya naman binugbog niya ako right after the class.

Too bad he didn't kill me that time.

Mas lalo akong napangisi ng maalala ko ang ganoong eksena.

I am not the one who is weak and naive. 

The truth is, I am not there to study. I am already finished with my studies, bago ako mag-twenty years old. 

And the girl he likes was my target. 

As I said, my story is different from the others. 

I was a hired killer before I met Leader. 

My parents are also hired killers, and as their son, I became one too. At a young age, my parents had already trained me to be an expert killer. 
Wala akong pinipili sa pagkitil ng buhay. My target is my target, no exception. 

One of my strategies was to pretend to be nerdy and weak. Pretending is so fun. It is like a magnet because you can attract some fools. 

At madali lang din sa akin na kunin ang loob at simpatya ng target ko. Mas madali rin akong makalapit sa kanila.

My job as a killer was fine, and I am having fun with it, but not until I meet Leader. 

~~~~ flashback ~~~~

Kasalukuyan kong sinusundan ang target ko. Napangisi ako dahil napaka-open niya madali lang siyang kitilin kahit pa nasa public place pa siya.

Ayon sa binigay sa akin na utos, ang pangalan ng babaeng target ko ay Maria Aljea Rhexyl Salvez, the famous forbidden child of the Salvez Clan. Her own clan wants to kill her, and they paid too much just to end her life.

Binilisan ko ang aking paghakbang para makalapit ng pasimple sa kaniya. Ilang hakbang na lang ay magagawa ko ng makalapit sa kaniya pero bigla na lang may sumulpot na lalaki sa harapan ko na ikinagulat ko nang husto.

Mabilis na tinago ko ang weapon ko at pasimpleng nilagpasan siya.

"Not so fast, man." malamig na wika ng lalaki sa akin.

Nahinto ako at mabilis na napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nang lumingon ako sa kaniya ay nagulat ako ng hampasin niya ako sa aking batok na ikinawala ko ng malay.

************

          Nang magkaroon ako ng malay ay agad akong marahang bumangon. Napahawak ako sa aking batok at naalala ko ang nangyari sa akin. Natigilan ako dahil parang hindi yata nakatali ang aking mga kamay.

Mabilis akong napalingon sa aking paligid. Kumunot ang aking noo na hindi lang ako ang narito at hindi lang ako ang bagong gising.

"Fuck that, guy!" Rinig kong daing ng isa sa amin.

Nilingon ko siya. Katulad ko ay hinihimas niya rin ang kaniyang batok. Lihim kong binilang ang mga narito sa loob ng isang malawak na silid na parang kulungan nga, e.

Mas kumunot ang aking noo dahil saktong twenty kaming lahat na narito.

"Nagtataka ka ba kung bakit ang dami ni'yo?" Mabilis akong napalingon sa aking likuran.

Nakita ko roon ang isang lalaking nakatayo. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumabi. Umupo siya sa tabi ko saka tumingin sa mga narito pa.

"Katulad mo ay mga hired killer din sila. At ang suwerte ni'yo dahil iisa lang ang target ni'yo." sambit niya.

Naguluhan ako.

Kami ba ang tinutukoy niya? Hindi ba siya kasama sa amin? Bakit siya narito?

Muling bumalik sa akin ang sinabi niya.

Tumingin din ako sa mga narito pa.

Mga hired killer din sila?

Iisang target?

Biglang pumasok sa aking isipan ang babaeng lihim kong sinusundan kanina. Mas napa-isip pa ako lalo.

Maria Aljea Rhexyl Salvez?

Anong klaseng tao ba siya at ang daming papatay sa kaniya? Hindi lang ako ang kaniyang killer. Ang dami ko rin palang kaagaw sa pagpatay sa babaeng iyon.

"Iyon nga lang sa halip na hinahabol ni'yo ang nag-iisang target ni'yo, narito kayong lahat nagsasama-sama,,," Tumigil siya saka lumingon sa akin na ikinalingon ko rin sa kaniya.

Automatikong tumaas ang mga balahibo ko at parang may kung anong malamig na something na tumagos sa katawan ko nang makita ko ang kaniyang pagngisi.

"Sama-sama ni'yong hahabulin ang inyong mga buhay." patuloy niyang saad.

"W-What do you mean?" Tinakpan ko ang takot na nararamdaman ko.

"Accepting this job is your biggest mistake, Drewhein." nakangisi niyang tugon.

Nanlaki ang aking mga mata ng banggitin niya ang aking pangalan. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.

Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang pangalan ko. Mas lumawak pa ang kaniyang pagngisi sa ginawa ko.

"Who the hell are you?" mariin kong tanong sa kaniya.

"I am Yhoquin." nakangiting sagot naman niya.

What the!

Is he a psycho?

Ang bilis niyang magbago ng mood.

Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Unang pumasok ang isang lalaki na agad kong nakilala. Siya ang lalaking humarang at nagpatulog sa akin.

"Siya naman si Fhinn. You already met him, right? He is the one who brought you here." Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya, nakatayo habang nakatingin pa rin sa pintuan.

Mabilis muli akong lumayo sa kaniya. Tinawanan niya ako sa ginawa ko.

Damned!

This man!

Sa muli kong pagtingin sa pinto sakto ring mayr'ong pumasok na lalaki.

"The exciting part is coming." Rinig kong wika ni Yhoquin.

Nanatiling nasa bagong pumasok ang aking mga tingin. Tila namang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan nang makilala ko ang lalaki.

Fucked! This is my fucking last day!

Mula sa Connel Clan ba naman ang siyang nakikita ko. At hindi lang isang simpleng miyembro ng Connel Clan ang narito. Mismong ang pinaka-head ng Clan nila ang nakikita ko.

Walang iba kun'di ang isang Sylvester Connel, ang kinatatakutan ng lahat ng Clan.

Shit!

TheKnightQueen 🍀

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon