Chapter #34

290 9 2
                                    


Stella's P.O.V

"Come in," sambit ko nang marinig kong mayr'ong kumatok sa pintuan.

Nanatili akong hindi tumingin sa kung sino ang pumasok kahit pa narinig ko ang pagbukas nito, ngunit kahit hindi ako tumingin ay kilala ko na ito kung sino. Sa mga hakbang pa lang niya ay kilala ko na.

"What do you want?" I asked without looking at her.

"Wala bang hi muna riyan? Or kahit, upo ka muna." saad niya na mayr'ong halong biro.

Umupo siya sa table na nasa harapan ko.

"Ano ang iyong pakay sa paaralan ko? Sa pagkakatanda ko ay wala na ang iyong anak dito para alawin ka." malamig kong sambit sabay tingin kay Rhena. 

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.

"Pasens'ya na, wala na kasi akong ibang mapuntahan pa." mahinang tugon niya.

Tiningnan ko siya. She looked horrible. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kaniya or deserves niya iyan.

Wala pa iyan sa mga naranasan ni Rhexyl sa kamay niya. Ang bata ay ilang beses na lumaban sa kamatayan para lang mabuhay.

"What happened to you?" blangkong tanong ko.

"Sinaniban ka ba? Hindi ba dapat masaya ka ngayon? Dapat nagsasaya ka, 'di ba? Nasaan ang Rhena na nagsabing siya ang pinakamasayang ina kapag nakita niyang walang buhay ang kaniyang anak na nagngangalang Rhexyl." dagdag ko pa.

Mas lalo siyang natahimik at napayuko. Nakita ko ang kaniyang lihim na pagpunas sa kaniyang luha.

"Quit it, Rhena. Itigil mo na ang pagpapanggap mong malungkot ka sa pagkawala niya. You want it, and she gives it to you. Just accept it, and continue." sermon ko sa kaniya.

Sorry, hindi ko mapigilang hindi siya sumbatan ngayon.

"I'm sorry," mahina niyang paghingi ng tawad.

"Huwag sa akin, Rhena. Alam mo kung kanino mo dapat iyan sabihin." mabilis kong pahayag.

"Ang tanga ko kasi, e. My family ruined because of me. Nang dahil sa akin namatay ang anak ko. Nang dahil sa akin, ayaw na akong kausapin ng mag-ama ko. Nang dahil sa akin nawala ang pagkakaibigan natin." wika niya habang umiiyak.

Kumuha ako ng tissue saka ibinigay sa kaniya.

"Hindi maibabalik ng mga luha mo ang mga nawala sa'yo. Tanggapin mo na lang na iyan na ang iyong bagong kapalaran." tanging nasambit ko.

"Gusto ko lang naman makita ulit ang anak ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong bumawi sa kaniya." patuloy niyang wika.

Too late, Rhena. Masiyado ka ng huli para bumawi sa anak mong kinamuhian mo.
Ubos na ang pagmamahal niya para sa iyo. Tinapos na niya ang kaniyang paghihintay sa kaniyang ina.

"Kung sana maaga kong nalaman ang totoo. Hindi sana ganito ang nangyari." saad niya pa.

"Kung sana naging tunay kang ina kahit hindi  mo alam ang katotohanan. Hindi ka aabot sa ganito. Wala sa paligid mo ang problema, kun'di nasa iyo mismo." tugon ko naman.

Lumakas ang kaniyang paghagulgol ng iyak.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang pinakikinggan ko ang mga pag-iyak niya. Noong una, mga halakhak niya ang naririnig ko, ngayon naman, mga atungal niya.

Paano ko ba naging kaibigan ang babaeng ito?

Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Tumayo ka riyan at sumama sa akin." malamig kong utos sa kaniya.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon