Chapter #4

483 17 0
                                    


Rhexyl's P.O.V

Kalalabas ko lang ng banyo, nagpalit kasi ako ng damit. I'm gonna leave here in Der Mord Hospital. Pagmulat ko kasi kanina, puting kisame na naman ang bumungad sa'kin. Nakakairita!

Kumukulo dugo ko kapag narito talaga ako.

Bahala na mamaya kapag tinalakan ako ni Sylvester. Gagamitin ko na lang paawa effect ko.

Habang nag-aayos ako ng gamit, napalingon ako sa pagbukas ng pinto.

Speaking of Sylvester, narito na nga. Nakaramdam siguro kaya nandito agad. Napasimangot ako ng tinaasan niya ako ng kilay.

Alam ko na meaning niyang taas-taas kilay niyang 'yan. Hindi niya nagustuhan ang balak kong gawin.

Well, tatakas ako rito kapag hindi niya ako pinayagan makalabas ngayon.

Lumapit siya sa akin. Nagtaka naman ako dahil ibinibigay niya sa akin ang phone niya.

"Your yaya want to talk to you." he said, kinuha ko naman agad ang phone pagkarinig kong si yaya ang tumatawag.

Nakangiti akong umupo sa bed.

"Yaya, kumusta po? Napatawag ka? may problema po ba?" magalang kong tanong sa kan'ya.

"Tsk! Problema? Oo, 'yong nanay mo galing dito asking chu chu chu about you. Tinatanong niya previous life mo." mabilis niyang sagot,

Napataas ako ng dulo ng kilay. That woman came to my place? Anong gusto niya? Hindi niya alam na buhay pa ako. Mas gusto kong alam niyang patay na ako, but I know malalaman niya ring buhay pa ako.

Breeze is here hindi maiwasang magkikita at makikita niya ako. Isa pa, wala akong balak na magtago sa kan'ya. I can face her.

"What did you said to her?" I asked,

"Sinagot ko mga tanong niya. Kumulo nga lang ang dugo ko sa kan'ya. Oh siya! Kalimutan na natin 'yon. Ikaw? kumusta? balita ko nasa pangalawang tahanan ka naman ngayon." ani niya, na mayroong pang-aalaska.

"Tumawag ka lang po ba para mang-asar?" pinalungkot ko ang boses ko.

Sa halip na sagutin ako, humagalpak ng tawa ang babae.

"Done? Tapos ka na po bang tumawa?" sarcastic kong tanong,

"Ahem! Ito na, tapos na iha. Ibaba ko na ito. Tumawag lang ako para kumustahin ka pero mukhang okay ka naman. Naaalagaan ka naman niya ng husto." Napabaling ako ng tingin kay Sylvester.

"Hindi pa naman hati-hati ang katawan mo d'yan, noh? Ay, hindi ka naman pala niya hahayaang mahati-hati. S'ya! Babushhh na, ingat palagi." Narinig ko ang pagkaputol ng linya.

Kunot noo akong tumingin sa screen. Sinong NIYA ba ang tinutukoy ni yaya? Bakit hindi niya bigyan ng pangalan? Si Sylvester ba ang tinutukoy niya?

Itatanong ko sana sa kan'ya kaso mukhang natunugan niya na magtatanong ako kaya agad niya akong binabaan.

Napakibit balikat na lamang ako.

Malalaman ko rin naman 'yon. Tumayo ako at lumapit kay Sylvester. Ibinigay ko ang cellphone ulit sa kan'ya. Pagkatapos ay pasimple akong lumapit sa pinto. Bubuksan ko na sana, e.

"Where do you think you're going?" he asked, napapikit ako at marahan na humarap muli sa kan'ya.

I smiled, "Wala lang, lalabas lang ako saglit." ani ko, habang kumakamot sa ulo.

Seryoso siyang sumenyas na muli akong bumalik sa higaan. Busangot akong marahan na humakbang pabalik. I try my best to make my face sad but not effective. Kainis! Hindi man lang tumalab ang paawa effect ko.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon