Chapter #37

101 2 5
                                    


Drewhein's P.O.V

Pagkalabas ni Mr. Connel ay doon lang ako nakahinga nang maayos. Wala naman siyang sinabi. Tiningnan niya lang ang bawat isa sa amin. Nang dumapo nga ang tingin niya sa akin kanina ay pinagpawisan ako nang malalamig. Pakiramdam ko rin ay namuo ang mga pawis ko sa kaba.

'Yong mga tingin niya ay nakakikilabot at talagang napakablangko ng kaniyang mga titig. Hindi na nakapagtataka na kinatatakutan siya ng lahat.

Katunayan ay siya ang taong ayakong makasalamuha o makabangga. Ma-encounter ko na ang lahat huwag lang siya. Duwag na kung duwag.

Pero iba talaga ang tadhana dahil heto ako nagka-countdown sa nalalabi kong buhay.

Pesteng niyawa! Dapat pala hindi ko na tinanggap ang client na 'yon kahit napakalaki ng bayad.

50 million naman kasi ang binayad sa akin. Sino ba naman ang tatanggi sa ganiyang kalaking pera? Siyempre, oo ka talaga kaagad. Sa buhay ngayon, patay ka na hindi ka pa makakakuha ng ganiyang kalaking pera.

"Magkano binayad sa'yo sa pagpatay sa target mo?" biglang tanong ng katabi ko na ikinalingon ko sa kaniya.

Nandito pa pala 'to? Bakit ba narito pa ang taong 'to?

Lumabas na si Mr. Connel at 'yong kasamahan niya, ah!

"50 million," tipid kong sagot sa kaniya.

Mabilis siyang tumingin sa akin na mayr'ong namimilog ang mga mata.

"Wow! Ganoon kalaki? Kaya naman pala walang tumanggi sa inyo." wika niya,

Tsk! Never kong hinindian ang mga naghi-hire sa akin. Maliit man or malaki ang bayad.

"Hoy! Ano bang kailangan ni'yo sa amin?" Sabay kaming napalingon sa taong malakas na nagsalita.

"Inaabala ni'yo ang trabaho ko!" malakas niya pang silyak.

Mabibilis na hakbang ang kaniyang ginawa palapit sa amin. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik na nakatingin kay Yhoquin. Lihim na lumayo ako nang kunti kay Yhoquin samantala siya ay hindi kumibo or gumalaw. Hinihintay niya ang paglapit ng lalaki.

"Wala akong paki kung sino ka pa o kung si Sylvester Connel pa ang boss mo. Sinasayang ni'yo lang ang oras ko rito." patuloy na silyak ng lalaki at habang palapit siya ay nakita kong naglabas siya ng isang dagger.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Naging alerto rin ang iba at kaniya-kaniya rin silang naglabasan ng kani-kanilang armas na panglaban.

Muli akong tumingin kay Yhoquin. Nanlaki ang aking mga mata na dumako sa lalaking sinisilyakan siya. Nakabulagta na ito habang hawak ang dagger niya na nakabaon sa kaniyang sariling leeg.

Mulat ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang dugo ay mabilis na kumalat at sa pagtigil ng paggalaw ng kaniyang katawan, senyales na wala na siyang buhay.

"Gusto mo bang mabuhay?" malamig na tanong ni Yhoquin.

Muling nagsitaasan ang aking mga balahibo sa lamig ng kaniyang boses. Napalunok ako ng aking laway at wala sa sariling tumingin sa kaniya.

Tanging pagtango ang aking naitugon sa kaniya.

Nakita ko ang kaniyang pagngisi. Tumingin siya sa mga nakaalertong kasamahan namin.

"Then kill them all." wika niya,

"What?" mabilis na tugon ko.

"That's the only way for you to survive and remain alive." saad niya pa,

"I know it's not hard for you to do that. You are a skilled killer. Killing them is just a piece of cake for you." he added.

Nilingon niya ako. Ang kaniyang mga tingin ay blangko at malamig. Tila hindi siya ang Yhoquin na kausap ko kani-kanina lang.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon