Chapter #32

298 5 0
                                    


Cally's P.O.V

Kasalukuyan akong narito sa balkonahe ng lighthouse nina Kuya Callyp. Hindi ko inaasahan na darating itong oras na ito na tatapak ako rito mismo sa loob. Dati kasi sa malayo lang ako nakatingin.

Ang mga tingin ko ay nasa apoy na nasa harapan ko. Nakatitig nga ako rito, e. Kanina pa ako rito. Wala naman akong maitutulong sa kung ano ang ginagawa nila sa loob. Kaya rito na lamang ako tumambay.

Nawala ang atensiyon ko ng mayr'on akong maramdaman na may naglapat na tela sa aking balikat. Pagtingin ko rito ay isang kumot pala. Tumingin ako sa naglagay. Napangiti ako ng si Kuya Callyp pala.

Sandali akong natigilan. Kuya Callyp? Ngayon ko na lamang ulit nasambit ang pangalan ng kapatid ko.

"Why are you here? Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya saka umupo rin sa aking tabi.

Tipid akong ngumiti saka tumingin ako sa kalangitan. Napakaganda nito, madilim siya subalit napupuno naman siya ng mga bituin.

"I am," sagot ko.

Tumingin muli ako sa apoy na tinititigan ko kanina.

"Siguro dahil sobrang saya ko ngayong araw." dagdag ko.

"Weird, noh?" tanong sabay sulyap sa kaniya.

"Dapat makatulog ako nang maayos dahil finally, magkasama na tayo, pero hindi, e." Pinatong ko ang aking baba sa ibabaw ng aking tuhod, niyakap ko rin ang mga ito.

"To be honest, natatakot ako na itong mga nangyari ngayong araw ay isang panaginip lang. Natatakot ako na baka hindi totoong nasa tabi kita ngayon. Natatakot ako na baka bukas titingnan muli kita sa malayo." pag-amin ko.

Mula ng ako ay makapasok dito. Walang araw na hindi ko siya pinagmamasdan sa malayo. Walang araw na hindi ko pinipigilan ang sarili ko na tumakbo palapit sa kaniya at yakapin siya.

Lihim kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.

"I'm proud of you, Kuya." nakangiting saad ko.

"Never kong kinahiya ang Kuya ko. Masaya akong ikaw ang naging kapatid ko. Sa lahat ng nangyari sa'yo pero heto ka, isa sa mga hinahangaan ko." Muli kong pinunasan ang aking mga luha.

Na-miss kong makipag-usap sa kaniya. Naalala ko, noon kasi sa tuwing binubully ako, uuwi ako sa bahay, kay Kuya agad ako tatakbo para magsumbong sa kaniya ng bongga. Lahat ng pangalan ng kaaway ko ay present lahat sa pag-mention sa kaniya.

"Hindi ko maalala iyong huling naging ganito tayo kalapit sa isa't-isa. Siguro the day before akong ampunin, or the last day bago mangyari ang lahat, bago mangyari na inakala kong patay na ako." tuloy ko.

Tumawa ako nang mahina. Hindi nagsasalita si Kuya pero alam kong nakikinig siya sa akin. Ganiyan naman si Kuya, makikinig lang siya sa akin sa kahit anong sasabihin ko.

Lumaki kaming dalawa na malayo sa isa't-isa. Ilang taon kaming hindi nagkita. Hindi ko na nga ine-expect na makikilala niya pa ako.

Nagulat talaga ako ng tawagin ni Rhexyl ang peke kong pangalan para lumaban din. Hindi sumagi sa akin na darating iyong araw na ire-reveal niya ang fake identity ko sa harapan mismo ni Kuya Callyp.

Hindi ako aware sa mga plano niya. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita sa tuwing magtatanong ako. At isa pa, nakakatakot si Rhexyl. Hanga talaga ako kay Kuya Sylvester dahil nahuhulaan niya mga gimmick sa buhay ni Rhexyl.

"How are you?" tanging aniya ni Kuya.

"I guess, I am good." maikling sagot ko naman.

"What happened?" tipid na tanong niya ulit.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon