Chapter #12

187 6 2
                                    

                    Yhoquin P.O.V

Sa tuwing magsasabi ako na ayoko na, ginagawa nilang bitag ang tatlo kong kasama. At sa hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko na hindi ko alam kung saang parte ang dapat kong pagsisihan.

On-high noon ang buong grupo ni Yab. Kararating ko lang din mag-deliver ng droga at magnakaw. Tumungo ako sa kanilang lugar para ihatid ang aking mga nanakaw at upang kunin din sina Kana.

Sa tuwing magnanakaw at magtratrabaho ako, kinukuha nila ang mga kasama ko nang sa ganoon ay huwag akong magtangkang tumakbo at tumakas.

Sa aking pagdating, agad nila akong sinalubong. Inalok ako ng droga ngunit mariin akong tumanggi sa kanila. Sa aking ginawa nagalit ng husto si Yab. Kumuha ang bawat grupo ng mga armas at walang awa akong sinaktan na halos ikamatay ko.

Ngunit ang ikinaguho ng aking mundo ay ang makita sa harapan ko kung paano nila pinatay ang mga batang minahal at tinuring kong pamilya. Nagmakaawa ako sa kanila at handa akong gawin ang nais nila. Kung kinakailangan kong humihithit din ng droga ay gagawin ko maligtas ko lamang sila. Pero hindi, e. Hindi sila nakinig sa'kin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga pangyayaring iyon.

"Pakiusap! Huwag ni'yo silang sasaktan." mahigpit ang pagkakapit sa'kin. Pilit man akong kumawala ngunit walang saysay dahil hindi lang isa ang siyang humahawak sa'kin.

Tumingin ako kina Kana, Bren at Gwen. Mga umiiyak sila at tinatawag ang pangalan ko.

"H-huwag kayong m-matakot. Huwag na kayong umiyak." pangungumbinsi ko sa kanila.

Hirap man akong magsalita ngunit ginawa ko pa ring buo ang mga salitang binitawan ko nang sa ganoon ay hindi sila matakot pa.

Nakita ko ang pagsenyas ni Yab sa kaniyang kasamahan. Binitawan nila ako na siyang mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan nila. Mabilis ko silang niyakap at pinunasan ang kanilang mga luha.

"Shhhh! Magiging ligtas kayo. Makakaalis tayo rito." Tumingin ako kay Bren. Sinenyasan ko siya. Naunawaan naman niya ang nais ko.

"Kuya, dumudugo po ang mga sugat mo." ani ni Bren na ikinatigil ko.

"H-huwag mo a-akong alalahanin. Malayo ito sa puso. Ang mahalaga ngayon ay makaalis kayo rito." ani ko,

Umiling si Bren sa'kin. "Hindi po! Hindi po kami aalis dito ng hindi ka namin kasama."

Hinawakan ko ang mukha ni Bren at hinarap sa'kin. "Makinig at sundin mo na lamang ako. Huwag ng matigas ang ulo."

Tinitigan pa ako sa mata ni Bren bago niya  binuhat si Kana at hinawakan si Gwen. Si Bren ay mayr'ong lakas ng loob at siya rin ang panganay sa magkakapatid.

"Pakawalan ni'yo ang mga bata at gagawin ko ang lahat ng gusto ni'yo. Nakikiusap ako, pakawalan ni'yo ang mga kapatid ko." Lumuhod ako sa harapan ni Yab.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon