Rhexyl's P.O.VNagpatuloy ang battle, sa second battle kanina, Floor vs Floor at ang floor namin ang nagwagi. Hindi sa section namin nanggaling ang representative pero base sa observation ko. Tunay ngang magagaling ang nasa fifth floor.
Sa third battle, duel fight ang siyang mechanics, ang naging rules ay dapat manalo at mapatay ang nasa kabilang side. Sina Drewhein at Kheizar ang lumaban sa amin.
at ngayon katatapos lang ng fourth battle.
"Nice one!" ngiting tagumpay na nakipag-apiran si Rhem kina Acer at Fhinn.
Napadako ang tingin ko sa records namin. Sa apat na battle na lumipas, ang floor namin ang nanalo.
Tumingin muli ako sa paligid namin. Marami ng nawalang mga studyante. Marami ng mga vacant seat.
Bawat battle maraming studyante ang nase-select pero kukunti at bilang lamang sa kamay ang natitira. Which one is better? The old bloody day or this new bloody day?
Balak ba nilang ubusin ang Der Mord Students?
"Our fifth battle is section vs section. It is a continues battle. Hindi lahat ng nasa section ay baba. Isa-isa lamang, kapag napatay ang isa, susunod agad ang next na lalaban hanggang sa maubos ang lahat ng buong section, then proceed sa another set of section. Now, we were going to select the lucky twenty section." Lez announced the mechanics for the fifth battle.
In just a minute, natapos na sila sa pag-select. Nasa harapan na namin ang listahan ng sasalang. Isa sa nasa listahan ay ang group ni Sylvester.
"Ang rules ay isang section lamang ang siyang matitira at matatanghal na mananalo. Use your best weapon, think the best strategy and be the last standing section and win the fifth battle." Lez continued.
"Let's pick kung sino ang unang section na maglalaban." Lahat kami ay nasa hologram screen nakatingin. Nag-aabang sa magiging results.
"That's it! black Blood Section vs. Prime Section!" malakas na anunsiyo ni Lez.
"At ang unang lalaban sa both sides ay sina Mary Frontes and Maria Aljea Rhexyl Daxzon." Natigil ang paglalaro ko sa hawak kong dagger.
Ang suwerte ko talaga. Kung kailan lumalayo ako doon naman lumalapit sa akin. Mukhang wala talaga akong choice. Marahan akong tumayo at umalis sa kinauupuan ko. Humakbang ako pababa hanggang sa marating ko ang gitna ng stage.
Malamig akong humarap sa taong makakalaban ko.
"Lez, puwede bang buong section na ang bumaba? Katamad kasi kung iisa lang. Hahaba lang ang oras kung paisa-isa." bored kung saad.
"Depende kung gusto ng kabilang side at ng iba pang sections." tugon ni Lez, tumingin siya kay Mary Frontes.
"Payag ba kayo?" tanong ni Lez.
Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Mary saka matalim na tumingin sa akin.
"Kung mapapatay niya ako." nakangising wika niya.
Marahan kong kinuha ang pen sword ko. Pinaglaruan ko sa kamay ko ang pen. Sa mabilis na galaw lumapit ako sa kaniya. Kasabay ng paglagpas ko ay ang pagbaba ng sword. Tumingin ako rito, nakita ko ang pagpatak ng dugo sa dulo ng sword ko. Marahan akong humarap kay Mary.
Hawak niya ang kaniyang leeg habang unti-unting bumagsak ang kaniyang tuhod hanggang sa napahiga siya.
"Oh! I change my mind." malamig at blangko kong sambit.
BINABASA MO ANG
TAD BOOK II: Caught and Die
ActionRhexyl is a woman that is deceitful and manipulative. She's the woman you shouldn't fool with because she'll make you lifeless if you touch her. Because of her plan to exact vengeance, she entered the university of Der Mord. She went to a school she...