Chapter #19

176 4 0
                                    

                      Rhexyl's P.O.V

"Good morning, everyone! As you can see. Red Code is now open." pag-aanunsiyo ni Tanda este ni Dean.

"All of you are aware that Red Code is a Bloody day, but there's something change in the mechanics." he continued.

"Change?" mahina kong wika.

Ano bang klaseng bloody day mayr'on sa tuwing lalabas ang code na 'yan? Is it really a bloody?

Tumingin ako kay Sylvester para makakuha ng sagot sa tanong ko sa sarili. Mukhang naramdaman niya ang titig ko, huminto siya sa pagkain at dumako ng tingin sa'kin.

Nagagawa niya pa talagang kumain n'yan? Parang wala lang sa kaniya ang mangyayari.

"I have no idea what they change this time." he answered.

"Continue to eat for you to have more strength because today is not going to be easy." he simply added.

Sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Kailan ba naging easy ang lahat ng bagay dito sa Der Mord?

"Are you ready for today's bloody game?" Muli akong nahinto sa pagsubo.

Kumunot ang noo ko. Game? Hindi ko gusto ang word na 'yan dahil iba ang dating niyan sa lugar na 'to. Hindi talaga ito magiging isang simpleng araw para sa lahat. Kung kanina ay kalmado ang lahat maging ang simoy ng hangin. Subalit sa isang announcement at isang kulay lang ay ang kakalmahan ay biglang naglaho. Pakiramdam ko kahit maliwanag at maganda ang panahon, unti-unting binabalutan ng kadiliman at maitim na aura ang buong Der Mord.

Maging ang simoy na hangin ay bumigat. Ang hangin ay naging isang ubod ng lamig kahit mainit ang sikat ng araw.

Tuluyan akong nawalan ng ganang kumain. Marahan akong sumandal sa upuan. Hindi ko gusto ang mangyayari ngayong araw.

"Everyone! Are you excited?" Lumingon ako sa isang malaking holographic screen. Kita ko ang malapad na ngiti ni Tanda. Ngiting mayr'ong kahulugan na siyang labis kong kinaiinis sa kaniya.

"I know you are all eager to know what will happen today, and I feel the exitement of every each of you. So I won't make it long. I am calling everyone to go in Battle Field." wika ni Tanda, pagkatapos ay nawala ang pagmumukha niya. Muling bumalik ang kulay red na screen.

Napalingon ako kay Sylvester nang maramdaman ko ang kaniyang pagtayo.

"Promise me that you won't get hurt." wika niya,

Nakasimangot na tumingala ako sa kaniya. Nakatayo kasi siya sa harapan ko. Para namang matutupad ko kapag nangako ako. Hindi pa nga yata ako nakatatapak sa battle field ay mayr'on na akong natamong sugat.

Sa halip na sagutin siya, tumayo ako at lumapit sa kaniya. Yumakap ako sa kaniya. Inilapat ko ang aking pisngi sa kaniyang dibdib. Ipinikit ko ang aking mga mata saka pinakinggan ang tunog ng pintig ng puso niya. Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya rin sa'kin.

Call me weird, but hugging him is my favorite hobby.

"Baby," malambing na tawag niya sa'kin.

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Sa totoo lang ay ayokong sumali sa game ni Tanda. I want to stay here until the end of the game.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon