Chapter #11

182 7 0
                                    

Yhoquin P.O.V

Ramdam ko ang mga titig sa'kin ni Yab. Pagpasok pa lang namin dito sa mid café ay agad ng dumapo ang paningin ko sa kaniya.

    "Kung nakatutunaw lang ang titig ay kanina ka pa tunaw, bro." saad ni Acer.

    "Ano bang mayr'on sa'yo at titig na titig sa'yo ang isa sa mga member ni Kendricks? Sa klase ng tingin niya ay gusto ka niyang lamunin at patayin." sambit naman ni Briel.

    Dumating ang pagkaing inorder namin.

    "Daig niya pa ang chicks. Huwag mong sabihing naging kayo, dude. Iniwan mo siya at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-move on." tila nang-aasar namang wika ni Fhinn.

   
Ang mga ugok talagang 'to.

 
  "Tumigil ka nga! Anong tingin mo sa'kin? Pumapatol sa lalaki? Mandiri ka nga!" sagot ko sa kanila.

 
  Tumawa pa ang mga hadip*t*.

    Alam ko ang kahulugan ng kaniyang mga titig. Alam kong gusto niya kong patayin. Sa simula pa lang ay iyon na ang gusto niya. Hindi lang siya nagtagumpay no'ng una. Hindi naman ako takot sa kaniya. Sa katunayan nga ay hinihintay ko lang siya.

Kilala ko si Yab. Kapag hindi siya nakatiis. Kusa siyang lalapit. Inaamin kung nagulat ako ng muli ko siyang nakita. Hindi sumagi sa'kin na darating din ang araw ng muli kaming maghaharap. Akala ko hindi na kami magkikita pa, but faith bring us together again. Not to be reconciled, but to finish the unfinished business we had.

Handa ako sa gusto niyang mangyari. Hindi ko siya uurungan. Hindi na ako ang inakala niyang mahina  at talunan. Kaya ko siyang tapatan at higitan. Kaya kung gawin ang gusto ko sa kaniya. Kaya ko siyang pahirapan sa nais kong paraan.

Pagkatapos ng aming klase tumungo ako sa aking sekretong lugar. Lahat kami ay mayr'ong kan'ya-kan'yang lugar dito sa Der Mord. Dito rin ako pumupunta sa tuwing gusto kong mapag-isa. Maliit lamang ang bahay na mayr'on ako subalit hindi ito nakikita ng kahit na sino dahil natatakpan ito para maging invisible.

Maya lamang ay nakarinig ako ng mga yabag. Napangiti ako dahil kilala ko kung kanino ito. Tumigil ang mga yabag sa aking likuran. Marahan akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang aking alagang aso. Isang hindi ordinaryong aso lamang.

Ang pangalan ng aking alagang aso ay Yohan. Kulay abo ang kaniyang kulay. Mayr'on siyang mga matang nanlilisik subalit nagiging maamo kapag ako, kay Leader at sa ibang members ang kaniyang kaharap. Siya ay mayr'ong taas na seven feet. Yes, sobrang laki talaga ng alaga ko.

Siya ay well-trained dog at si mismong si Leader pa ang nag-training sa kaniya. Napangiti ako ng umupo siya nang maayos sa aking harapan. Lumakad ako sa patungo sa kaniya. Kaagad siyang yumuko upang matapatan ako. Hinaplos ko ang kaniyang ulo.

"How are you? I'm sorry, I've been too busy these past few days. Hindi kita nabibisita." mahinahon kong saad sa kaniya.

Yumuko siya at isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg. Mukhang mabangis man si Yohan pero napakalambing niyang alaga.

Wala akong pamilya. Tanging si Yohan lamang ang aking kasama sa buhay. Nariyan siya sa tuwing nalulungkot ako. Si Yohan ay isa ring tauhan ng Der Mord. Ang kaniyang trabaho ay ang magbantay sa south gate.  Wala ring nakaaalam ng tungkol sa kaniya.

Kapag mayr'on kasing nakakita sa kan'ya ay kaniya ng kinikitil ang buhay. Ito ang dahilan kung bakit kinakatakutan din ang south part ng Der Mord. Ang alam ng mga studyanteng narito mayroong kakaiba sa lugar na ito sapagkat katulad ng sa death forest walang nakalalabas ng buhay dito.

"Wait here. Kukuhaan kita ng makakain." ani ko,

Tinalikuran ko siya at humakbang patungo sa lugar na tila walang nakatayo. Binuksan ko ang aking holographic at inalis ang pagkaka-invisible ng aking bahay. Umatras ako ng ilang hakbang upang tingnan ang paglitaw ng aking bahay.

Nang tuluyan na itong lumabas. Pumasok ako sa loob at kinuha ang pagkain ni Yohan. Pagkatapos ko ay muli akong lumabas at ibinigay ang pagkain kay Yohan. Hinimas ko muli ang kaniyang ulo bago ako muling pumasok sa bahay.

Tinungo ko ang aking kuwarto. Binuksan ang ilaw at sa gilid, makikita roon ang larawan ni Yab at ng iba pa.

Marahan akong humakbang palapit doon. Agad na dumapo ang aking tingin sa mukha ni Yab.

Bago ako napunta sa ganitong position. Isang simpleng tao lamang ako. Isang taong pilit na nakikisama at lumalaban sa buhay. Ang aking nagsilbing tirahan ay ang lansangan. Natutulog kong saan-saan. Kadalasang lugar na nais kong paglipasan ng gabi ay sa ilalim ng tulay, at kung minsan sa lugar kung saan walang taong makakita sa'kin.

Kadalasang kinakain ko noon ay ang mga tirang pagkain, mga tinapon sa basurahan, kahit panis na ay kinakain ko pa rin.

Ngunit, nang makakilala ako ng kapwa ko laki sa lansangan na mga bata. Kahit wala akong kakayahan na buhayin sila. Kinupkop ko sila at ginawang parte ng aking buhay.  Tinuring ko silang para kong kapatid.

Para hindi kami umasa sa mga tirang pagkain. Nagtrabaho ako ng mga simpleng gawain at trabaho. Naglilinis ako ng mga sasakyan. Nagbebenta ng mga sigarilyo at ng kung ano-ano pang puwedeng pagkakitaan na ipambibili ko ng pagkain sa tatlong batang kasama ko.

Katulad ko ay tinapon din sila ng kanilang mga magulang. Magkakapatid sila at ako ang nagsilbing kuya nila. Kapag nagkakasakit noon si Kana, ang kanilang bunsong kapatid na babae nang panahon na iyon ay sanggol pa lamang. Wala akong pangbili ng gamot kaya lumuluhod ako sa lahat ng doktor para lamang gamutin at bigyan ng gamot si Kana.

Kahit hirap na hirap kaming apat, masaya pa rin kaming lahat. Masaya kaming nabubuhay. Ngunit sadyang hindi madali ang buhay lansangan. Marami kang makakasalubong na masasamang tao at isa na roon si Yab.

Nang makilala ko si Yab. Siya ay isang leader ng isang gang group. Kinatatakutan ang kaniyang grupo dahil sa kanilang madugo at maduming gawain.

Hindi ko alam pero naging sentro ako sa paningin ni Yab. Kasing edaran ko lamang siya ngunit siya ay malakas. At katulad ko, isa rin siyang laki sa lansangan. Ngunit magkaiba kami ng buhay sa lansangan.

Ako na ginagawa ko ang lahat para mabuhay ng marangal kahit nasa lansangan lamang ako, subalit si Yab ay nabubuhay sa maruming gawain kasama ang mga kasing edaran ko rin na nasa lansangan. Sila ay nagnanakaw, pumapatay at nagbebenta ng droga.

Kahit mga batang lansangan sila Yab. Sila ay nilalayuan at halos katakutan. Inalok at inaya niya akong maging parte nila. Tumanggi ako dahil ayokong maging parte nila. Akala ko sa pagtanggi ko ay magiging okay at malalayo ako sa kanila ngunit nagkamali ako.

Ang buhay ko ay mas naging impyerno. Labag man sa loob ko pero naging kasama at parte ako ng kanilang grupo. Ayokong mapahamak ang mga batang kasama ko kaya wala akong nagawa kun'di ang sumunod.

May pagkakataong iniisip kong ang maging parte sa grupo ni Yab ay magandang bagay dahil nabibigyan ko ng masasarap na pagkain ang mga kapatid ko sa lansangan. Nabibilhan ko ng gamot si Kana. 

Kahit na ako ang siyang nagiging pain sa pagnanakaw. Dahil sa mahina at mabagal ako, madalas ako ang nahuhuli kaya umuuwi akong duguan at sugatan dahil kapag nahuhuli ako. Halos patayin ako sa hampas ng mga tao. Tiniis ko ang ganoong pangyayari sa halos araw-araw na lumilipas. Naging sunod-sunuran ako sa gustong ipagawa ni Yab.

TheKnightQueen 🌱

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon