Chapter #14

187 5 1
                                    

           
                     Rhexyl's P.O.V

Napahakbang ako paatras. Ilang beses akong lumunok ng laway. Pinagpapawisan ako nang malalagkit at malamig. Marahan akong yumuko at dahan-dahan ding inabot ang nahulog kong cellphone.

Nang mahawakan ko na ito saka ako kumaripas ng takbo. Muli kong tinahak ang daan at hinahanap kong saan ako nagmula. Lumingon ako sa likuran. Napamura ako sa aking isipan dahil dalawang malalaking aso lang naman ang siyang humahabol sa'kin.

Hindi lang sila basta mga aso lang. Oras na mahabol ka nila ay hindi ka na bubuhayin pa. Bukod sa nakita kong tao kanina ay itong dalawang aso rin ang kasama niya.

Nawala ang buo kong atensiyon doon sa tao kanina. Hindi ko tuloy nakita at natukoy kung sino siya.

"Dimwit!" inis kong sambit sa sarili.

Wala akong dalang kahit ano. Kahit ang pen sword ko ay hindi ko nadala. Pati ba naman 'yon ay hindi man lang sumagi sa'king isipan. Wala ako sa wisyo ng nag-aayos ako sa sarili.

Cursed this fucking day!

Oh please! Ayoko na rito. Gusto ko ng makaalis dito.

Nabigla ako ng mayr'ong gumuhit na sakit sa'king ulo.

"Run! Run faster! Sige lang, tumakbo ka lang!" Isang boses ang siyang narinig ko mula sa aking isipan.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Hindi ka makatatakas sa'kin. Nasaan ka man naroroon, mahahanap at mahahanap kita. Papatayin kita!" Isang nakakatakot na halakhak naman ang siyang sumunod.

Sumakit ng todo ang aking ulo. Mayr'ong mga imahe ang siyang nagpla-play sa aking utak. Malabo siya kaya hindi ko siya maintindihan.

Iwinaksi ko ang aking ulo para mawala ang mga imahe at mga naririnig ko. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Mas tumindi ang nararamdaman kong hindi maganda. Ang kabog ng aking dibdib ay mas dumoble pa.

Unti-unting bumagal ang aking pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong huminto. Napahawak ako sa pader dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Wala na akong pakialam kung maabutan na ako ng dalawang asong 'yon.

Habang tumatagal ay mas tumitindi ang pagsakit ng aking ulo. Mas masakit pa ito ng mga panahong bumabalik ang mga alaala ko. Parang binibiyak nang husto ang ulo ko.

P*nyet*!

Saan ba kasi ang pintong labasan dito?

Sinubukan kong muling tumayo at lumakad ngunit tatlong hakbang palang ay napasigaw na ako sa sakit. Dalawang kamay na ang nakahawak sa'king ulo.

Ang mga naririnig at nakikita ko sa aking isipan ay hindi nawawala pero imbes na luminaw siya, mas lumalabo siya habang tumatagal.

"T-tama na!" malakas kong pakiusap.

Sa imaheng nakikita ko sa aking isipan ay ako habang tumatakbo habang naririnig ko ang nakakatakot na boses na iyon. Naglalaro sa aking isipan kung ano ang nasa panaginip ko. Muli akong sumigaw sa sakit.

Nilabanan ko ang sakit na nararamdaman ko. Marahan akong tumayo. This is not fucking good. Hindi lang kasi ulo ko ang problema sa'kin. Nanghihina din ang katawan ko.

Hinarap ko ang pader at buong lakas na kinalampag ito. Nagbabakasakaling mayr'ong makarinig sa'kin. Umaasa ring baka may matamaan ako na siyang maaaring makapagbukas sa kung nasaan man ang p*nyet*ang pinto na 'yan.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon