Chapter #29

154 3 1
                                    

                 = Rhexyl's P.O.V =

Ramdam ko ang mga titig nila sa akin, tila mayr'on silang inaabangan mula sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi tumaas ang dulo ng aking labi.

"Ano bang gusto ni'yong malaman at marinig?" simpleng tanong ko.

"How do you meet my sister? How do you save her? Nakita kong pinatay siya sa aking harapan. Hindi kita nakita no'ng oras iyon." sunod-sunod na saad ni Fhinn.

Mas lalo akong napangisi sa mga sinabi ni Fhinn. Wala naman talaga ako n'ong time na 'yon, e. Huli nang ako ay dumating, hindi ko nailigtas ang mga nag-ampon kay Cally. Dumating ako ng wala na silang buhay.

At ng dumating ako ay, nasaksihan ko rin ang pagkamatay ni Cally.

"Yeah, you are right. Maging ako ay nasaksihan ko rin kung paano namatay ang iyong kapatid." makahulugan kong sambit na ikinakunot at ikinalito ni Fhinn.

Dumako pa nga ang tingin niya sa kaniyang kapatid. Tumawa ako nang mahina sa klase ng tingin na binigay niya kay Cally.

"Nakita nga rin kita ng oras na iyon, e. Alam kong hindi ka mamamatay kaya hindi kita tinulungan. At dahil nakita mo ang pagkamatay ng iyong kapatid. Nakatitiyak akong mas lalaban ka para mabuhay, bagay na nangyari nga. Look at you now." makahulugan ko pa ring saad.

Tumingin ako kay Cally.

"The girl in front of you is your sister. Don't worry, she is not a replica or a ghost. She is real. I am 100 percent telling you that she is alive and breathing in front of you." saad ko,

At sa bagay kung paano ko nakilala ang kapatid ni Fhinn.

=== Flashback ===

Dumako ang tingin ko sa larawan na inilapag nila sa aking harapan. Tumaas ang dulo ng kilay ko.

"Siya ang anak namin. Siya si Cally Forester." sambit ng asawa ni Mr. Forester.

Mas tumaas ang pagtaas ng dulo ng aking kilay. Sa pagkakaalam ko ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng anak ang mag-asawang Forester.

"She is our adopted daughter. Hindi man siya nagmula sa amin subalit mahal namin siya bilang isang tunay naming anak." paglilinaw sa akin ni Mr. Forester.

Dumako muli ang tingin ko sa isang babae. Marahil siya ay around fourteen years old. Tatlong taon lang ang lamang ko ng edad sa kaniya.

"At ano ang nais kong gawin?" tanong ko.

"I want you to protect her." mabilis na tugon sa akin ni Mr. Forester.

Si Mr. Forester ay kaibigan ng aking grandma. Dahilan para sila ay aking kilala.

Mas naging seryoso ang aking tingin sa kanila.

"Alam naming hindi malayo ang edad mo sa anak namin pero ikaw lamang ang siyang makatutupad sa aming nais. You can protect her." singit ni Mrs. Forester.

"So you want me to be your daughter's bodyguard?" malamig kong tanong.

Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa't isa saka sabay ding muling tumingin sa akin. Sabay silang tumango.

Tumingin ulit ako sa larawan at sa kanila.

"Magbabayad kami kahit ilang halaga pa. Just please, let our daughter keep safe no matter what happens." pakiusap ni Mrs. Forester.

"Okay," pagsang-ayon ko.

"Pero babantayan ko siya sa lihim na paraan. Alam ni'yong ayaw kong makipagsalamuha sa iba, 'di ba? Being secret bodyguard of your daughter is enough." ani ko,

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon