PROLOGUE

548 20 4
                                    

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig na maiinom. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang mahinang paghakbang ng pumasok.

"Yo! Nandito ka lang pala." wika ng pumasok,

Hindi niya ito sinulyapan. Marahan niyang ibinaba ang basong hawak niya.

Malamig niyang binalingan ng tingin ang babaeng kasama niya. Napalunok ng wala sa oras ang babae sa klase ng tingin nito.

Blangko at parang patay ang mga mata nitong nakatingin sa kan'ya. Kahit madalas niya itong kasama ay hindi pa rin siya masanay. Para sa kan'ya, pakiramdam niya ay mayr'on siyang kasamang bangkay or multo dahil sa lamig ng aura nito na hindi man lang nagbabago.

Ganoon pa man, nagawa niya pa ring mai-angat ang kan'yang kamay ng hindi nanginginig. Inabot niya ang dala niyang envelope.

"This is just I found, but I'll keep tract on them. Some of them is so tricky in hiding their selves. " casual na saad ng babae.

Kinuha niya ito at tiningnan. Umupo naman ang babae. Kumuha siya ng mansanas saka mabilis na kinagatan.

Marahan na sinulyapan ng babae ang pinag-abutan niya ng envelope. Tahimik na binabasa nito ang mga papel na nakapaloob dito.

"You don't need to worry about the others. Mukha man silang nasa malayo" she smirk, "They will come in one place." makahulugan na sambit nito.

"Where?" ani niya,

Mas lalong napangisi ang babae.

"The school where they called University of Der Mord." seryosong sagot niya.

Sandali siyang natigilan. Narinig na niya ang paaralang iyon. Ito ang klaseng paaralan na mahirap pasukin.  Hindi ka lang basta-basta makakapasok dito.

Pero hindi ito makakapigil sa kan'ya sa gusto niyang gawin. Walang lugar na hindi siya nakakapasok. Marahan niyang inilapag ang envelope at sinulyapan ang mga larawan na narito.

Lumabas siya sa kusina ng walang salitang binitawan. Agad niyang tinungo ang garahe at sumakay sa kan'yang sasakyan.

Samantala, ang naiwan na babae ay marahan na napatawa na lamang at napailing.

"Wala talaga siyang sinasayang na oras." naiiling na sambit niya.

Alam nito kung saan ito pupunta. Bumaling siya sa larawan.

"They should start hiding. Poor them," Kinuha niya ang kan'yang phone at nagtipa rito.

****

"Tama na! Parang a-awa mo na." pagmamakaawa ng taong ginugulpi niya.

Tila wala siyang tainga dahil sa hindi niya pinakikinggan ang pagmamakaawa ng mga ito.

"Who the hell are you?" mariin at matapang na ani ng isa sa kanila.

Malamig na binalingan niya ito. Inangat niya ang kan'yang kamay at walang pasabing binaril niya ang isa sa mga itong gumagapang papalayo. Nagulat ang lalaki sa nasaksihan nito. Nakita nito kung paano kumalat ang dugo nito sa paligid.

Marahan niyang sinulyapan ang dalawa niyang kasama na wala ng buhay habang mulat pa ang mga mata nito.

Natauhan siya at napahiyaw ng malakas sa sunod-sunod na pagbaon ng bala sa kan'yang palad. Namilipit sa sakit ang lalaki. Mayr'ong luhang tumulo sa mga mata nito.

Lumapit siya rito at binulungan. Tinapik niya ito sa balikat. Tumayo siya at tumalikod. Ilang hakbang pa lang ang kan'yang nagagawa ay muli siyang humarap at binaril sa noo ang lalaki.

Mulat din ang mga mata nitong bumagsak.

Lumabas siya ng bahay na tila walang nangyari. Muli siyang sumakay sa kan'yang sasakyan. Muling sumagi sa kan'yang isipan ang pangalan ng kan'yang papasukin. Tumaas ang dulo ng kan'yang labi.

                             ******
Sa kabilang dako naman,

"K-kahit patayin m-mo pa a-ako, wala k-kang makukuha at m-malalaman sa'kin." nahihirapang saad ng lalaki,

Mahigpit ang pagkakasakal niya sa leeg nito. Sa lakas niya ay nagawa niyang mai-angat ang taong hawak niya. Malamig niyang tinitingnan ang lalaki. Hindi niya alintana ang sinabi nito.

Malapit ng mawalan ng hininga ang lalaki. Pilit niyang tinatanggal ang kamay na sumasakal sa kan'ya subalit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang matanggal ito.

Marahan na bumabangon ang isa sa mga kasamahan nito. Maingat at tahimik siyang sumugod ngunit nagulat at nahinto na lamang siya ng mayr'ong bumaon na bala sa kan'yang noo. Mulat ang mga matang bumagsak ito. 

Binali na n'ya ng tuluyan ang leeg ng taong sinasakal niya. Tuluyan na itong nawalan ng buhay. Binitawan n'ya lang ito ng parang hindi tao ang hawak niya.

Nilingon niya ang mga kasamahan nito. Mayroon muling sumugod sa kan'ya. Umiwas siya sa atake nito. Tiningnan niya ito ng mayr'ong pagkabagot.

"D-Damn you! Go to hell! I'm gonna kill you!" galit na saad nito,

Hinawakan niya ang kamay nito at saka binali. Narinig niya ang pagkabali ng buto nito. Malakas na hiyaw naman ang ginawa ng lalaking binalian niya ng kamay.

Walang alinlangan na pinihit niya ang ulo nito dahilan para ito'y mawalan din ng buhay.

"Noisy," maiksi at malamig niyang ani,

Tiningnan niya ang mga taong kan'yang pinaslang. Blangko niya itong pinagmasdan.

Siya ang tipong tao kung pumatay ay malinis. Isahan siya kung pumatay. Kumbaga, one shot and one dead. Hindi siya ang taong pumapatay na pinahihirapan muna ang taong pinapatay.

Ayaw niya sa mabagal at matagal na paraan. Gusto niya tapos agad. Hindi rin siya ang taong bumibigay ng second chance.

Oras na mahuli ka niya, walang pag-asang ikaw ay makalalaya ng buhay. Kaya naman kapag siya ay kakalabanin, galingan mo sa pagtago at paglusot sa kan'ya.

Ikinumpas niya ang kan'yang daliri. Lumabas ang mga naglilinis ng kalat sa kan'yang territoryo.

Umalis na rin siya sa lugar. Habang tinatahak niya ang daan papunta sa kan'yang pupuntahan.

"Natanggap niya na po ang iyong ipinadala." Rinig niyang wika ng isang tao sa suot niyang earpiece. "Ngunit wala po siyang ibinigay na sagot. Binalewala niya lang po ito."

Tumaas ang dulo ng kan'yang labi. Inaasahan niya na ito mula sa kan'ya.
Hindi siya sumagot. Hindi na rin muling nagsalita pa ito.

Pagkarating niya sa kan'yang lihim na lugar. Nakatanggap siya ng isang mensahe.

Napangiti siya, ngiting kakaiba. Ngiting makahulugan at lalong naging madilim at malamig ang kan'yang aura.

Bumaling siya sa isang larawan. Sumandal siya sa kan'yang inuupuan ngunit ang mga tingin nito ay nasa larawan pa rin.

"Wherever you go, you'll still end up here." --- mahinang ani niya sa kan'yang sarili habang mayr'ong kakila-kilabot na ngiti sa labi.

TheKnightQueen 🌱

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon