Chapter #10

226 7 0
                                    

YAB P.O.V

"Dude, what's going on with you?" Green asked. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Puwede na ba akong sumisid diyan?" nang-aasar na muling sabi niya.

"Tsk!" tanging tugon ko.

Dumako ang tingin ko kay Alkaline. Kalalabas lang niya ngayong araw sa Der Mord hospital. Totoo nga ang sabi n'ong nagngangalang Rhexyl na walang nasira sa katawan niya. But heck! That woman is so sexy and cool. Nakalulungkot lang dahil pagmamay-ari na siya ng isang Connel.

"Can we eat now? I'm hungry." reklamo ni Alexus.

Pumasok kami sa school campus. Sa lahat ng school na napasukan namin. Ito talaga ang pinakamalupet sa lahat. Talaga namang wala kang masabi sa ganda.

Pumasok kami sa loob ng elevator. Pare-pareho kaming mga walang imik sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung ano ang mga nasa isip nila. Basta ako ay napunta ang atensiyon ko kay Yhoquin.

Hindi ko akalaing dito kami muling magtatagpo. Akala ko patay na siya. Akala ko namatay na siya sa mismong lugar na 'yon. Bakit nabuhay pa rin siya? Paano siya nakatakas doon?

Mula ng makita ko siya hindi nawala sa'king isipan ang mga thoughts tungkol sa kung paano siya nakatakas at nakaligtas. Wala akong makuhang sagot dahil nawala na rin ang mga taong iyon. Sa tingin ko, sa halip na siya ang mawala. Ang mga tao ko ang siyang nawala.

Matagal na rin 'yon. Naging kampante ako. Buong akala ko talaga ay nabura na siya.

"Bro! Ano? Sasandal ka na lang ba riyan? Wala kang balak na umalis?" Bigla akong natauhan at napalingon sa nagsalita. Kumunot ang noo ko dahil nasa labas na siya ng elevator.

"Ano na? Tititigan mo na lang ba ako? Bro! Kilos din, abah!" untag sa'kin ni Green.

Tanging ako na lamang pala ang nasa loob ng elevator. Umalis ako sa pagkakasandal at lumabas na.

"Ano bang nangyayari sa inyong lahat? Ang we-weird ni'yo. Naging ganiyan na kayo simula ng makita ni'yo ang Venomous Blood na 'yan." Rinig kong wika ni Green.

Kaming dalawa na lang ang magkasama kasi nasa unahan na ang iba. Mukhang ako lang talaga ang muntik ng maiwan. Napalalim ang pag-iisip ko to the point na hindi ko na namalayan ang paligid ko.

Pumasok kami sa pinto ng cafeteria. Mukhang nasa mid-cafe kami pumunta. Tumungo agad kami sa pinuntahan ng iba pa naming kasama. Saktong pag-upo ko ay ang pagbukas muli ng pinto ng cafeteria.

Ewan ko ba pero automatic na napalingon ako roon. And there, nakita ko ang taong iniisip ko which is si Yhoquin. Misteryoso sa'kin kung paano siyang nanatiling buhay.

Pumasok sa loob ang buong Venomous Blood. Tinungo nila ang kanilang exclusive place. Nakikita ko ang mga ngiti ni Yhoquin. Siya ay nakikipaglaro sa kapwa niya member. Ang leader nilang si Sylvester ay tahimik na naupo. Kasama nito ang sinasabi nilang girlfriend nitong si Rhexyl. Ganoon din ang ibang member.

Kaagad na mayr'ong lumapit sa kanilang waiter. Inalis ko ang tingin sa kanila at dumako sa aking mga kasama. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang lahat sila ay seryosong pinagmamasdan ang bawat member ng Venomous Blood.

Alam kong hindi lang ako ang mayr'ong issue sa kanila. Ang iba rin sa'king mga kasama ay mayr'ong ding history sa kanila. Tsk! Tama nga si leader, ang Venomous Blood ay grupo ng mga lampa at walang silbi.

Muling bumalik ang tingin ko sa Venomous Blood. Ang buong atensiyon ko ay tanging na kay Yhoquin lamang. Kung hindi siya namatay sa kamay nila. Puwes! Sa kamay ko siya mamamatay.

Kung hindi siya nagawang tapusin ng mga kasamahan ko noon, ako ang magpapatuloy at tatapos sa kaniya. Tadhana na ang nagsasabing ako dapat ang siyang kikitil sa kaniya. Sa kamay ko dapat siya mawalan ng buhay.

Kung noon naging masuwerte siya, ngayon ay sisiguruhin kong mawawala ang suwerte na 'yon sa kaniya. Hiniling niya na dapat na hindi kami muling magkita.

Mawawala ang mga ngiti niyang 'yan sa labi. Naramdaman niya siguro na mayr'ong nakamasid sa kaniya kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko. Sa halip na matakot sa'kin ay ngumiti pa siya ng malapad. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya. Nag-salute pa siya sa'kin bago muling itinuon ang atensiyon niya sa mga kasama niya.

Dammit!

He is supposed to be scared like the way he looked at me before. Tanda ko pa ang pagmumukha niya sa tuwing haharap siya sa'kin na takot na takot. Para siyang asong mabilis na sumusunod sa mga nais ko. Hindi ko makalilimutan kung paano siya naging uto-uto. Bawat salita ko ay nanginginig na siya sa takot. Bawat utos ko ay agad niyang ginagawa at sinusunod.

"Si Yhoquin ba ang target mo?" Napalingon ako kay Breeze. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi na rin masama kung si Yhoquin ang punterya mo. Sa akin lang, mag-iingat ka sa kaniya." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ako mag-iingat sa kaniya.

"Pinapatawa mo ba ako Aljhune? Ako? Mag-iingat sa kaniya? Sa uhuging 'yon? No way!" wika ko,

"Yhoquin is one of the strongest here. He is the 10th rank in the strongest ranking here in Der Mord." sabat ni Breeze.

"10th rank? Nasa ikasampu lang naman pala siya, e. Kaya kung agawin 'yon sa kaniya." pagmamayabang ko.

Sumandal ako sa upuan at uminom ng tubig.

"You don't get it. Hindi mo makuha ang punto namin. Sa lahat ng ranking na mayr'on ang Der Mord ang Strongest Ranking ang mahirap kunin sa lahat. You know why?" Tumingin si Breeze sa grupo nila Yhoquin. Seryoso ang bawat titig niya sa mga ito.

"Dahil hawak nila ang bawat position sa ranking na 'yon. Walang sino ang siyang nakakaagaw doon. Oops! Mayr'on na pala." Pinutol niya ang kaniyang sinasabi.

"Ahah! Breeze is right. You see her." Tinutukoy ni Aljhune si Rhexyl. "Rhexyl is the girlfriend of the strongest of all, Sylvester. Bago pa lang siya rito. Nauna na lang siya sa inyo ng ilang buwan pero nagawa niyang maagaw ang position ni Kheizar. She is now the second strongest of all here." pagpapatuloy ni Aljhune sa sinasabi ni Breeze.

"I am serious about what I've said about Yhoquin." Seryosong bumaling sa'kin si Aljune. "You have to be careful of him. That man is not just what you think. Remove your past perspective on him. Because you will be disappointed if you keep believing that."

The f*CK!

Wala akong nakikitang panganib sa kaniya. Nakikita kong dati pa rin siya. Ang palangiti at palakaibigang nakilala ko. Paano ako mag-iingat sa kaniya?

"Yhoquin is their entrance. Kung baga sa kanila, siya ang nagbabantay sa pintuan. Huwag mong mamaliitin ang kaniyang kakayahan. Hindi siya ang tipong inakala mong kaya mo lang. He may be in the last position in the rankings. He may be the gatekeeper. I'm telling you, hindi siya basta-basta lang." Aljhune said warningly.

Naikuyom ko ang aking palad. Ang utak ko ay nagtatalo sa kaniyang mga sinasabi. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Ang sinasabi ng isip ko o ang bantang binibigay nila.

Silang dalawa ay matagal ng narito. Alam kong totoo ang kanilang sinasabi.

"But if you are a hundred percent sure that you can beat him. Go ahead, kung kaya mo naman siyang tapatan. Basta binalaan ka namin. Sinabi namin ni Breeze 'yong alam namin sa kaniya." Hinawakan niya ako sa braso. Ngumiti siya ng malapad sa'kin.

"Forget what I said." wika niya saka magiliw na nagsimulang kumain.

Muling dumako ang tingin ko kay Yhoquin. Wala akong pakialam kung sino pa siya sa lugar na ito. Hindi magbabago ang kagustuhan kong paslangin siya.





TheKnightQueen 🌱

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon