Chapter #41

165 4 3
                                    


Rhexyl's P.O.V

Pagpasok namin sa middle cafeteria ay sabay-sabay na natahimik ang lahat. Pagkatapos ng klase ay pinili naming dito pumunta para tumingin ng makakain.

Binalewala namin ang pananahimik ng lahat. Nagtuloy-tuloy kaming lumakad hanggang sa narating namin ang food counter kung saan malaya kang makapipili ng gusto mong pagkain na kunin.

As usual, pinakanaunang pumila at pumili ay si Yhoquin. Ang sumunod ay si Fhinn at Acer na nakipag-unahan pa kay Yhoquin. Inaasar lang na dalawa si Yhoquin. Napailing na lamang na lamang sa kanila ang ilang Vblood members. Hinayaan namin ni Sylvester na mauna ang Vblood Members. Pagkakuha nila ay tutungo na sila sa table namin.

Sa pinakahuli kami ni Sylvester. Not totally na ako ang nasa pinakahuli. Pangalawa sa pinakahuli, kasi nasa likuran ko si Sylvester habang ang isang kamay niya ay nakapulupot sa aking baywang. Habang ang isa naman niyang kamay ay busy sa pagtitipa sa phone screen niya.

Busy na naman po siya. Pinabayaan ko na siya dahil araw-araw naman siyang ganiyan. Mapaloob man ng classroom o sa labas.

Habang hinihintay kong matapos ang natitirang Vblood ay lumibot ang tingin ko sa paligid. Pakiramdam ko kasi mayr'ong nakatingin sa aking direksiyon.

Lihim kong sinundan ang tingin na 'yon. Kusang tumaas ang dulo ng kilay ko ng ang nakita kong nakatingin sa akin ay si Kendricks. Kasama niya rin ang kaniyang mga members. Ang ilan sa mga members niya ay napatingin din sa akin.

Maging si Breeze ay sinundan ang tinitingnan ni Kendricks. Ganoon din ang ginawa ni Aljhune. Ngumiti sa akin ang kumag sabay salute pa.

Dumako ang tingin ko sa katabi ni Kendricks. Ang babaeng sinasabi nilang girlfriend niya. Kung si Kendricks ay mayr'ong planong makuha ako mula sa aking asawa. Ang babae namang 'yan ay nakaabang para saluhin si Sylvester.

Tsk! As if my man will notice her.

Inalis ko na lamang ang tingin sa kanila. Pagtingin ko sa unahan. Si Lopeh at Phixier na lang ang natitira. Marahan akong humakbang paabante ng makaalis na si Lopeh. Hindi naman nagtagal ay sumunod na si Phixier kay Lopeh.

It's our turn.

Hinawakan ko ang kamay ni Sylvester para makuha saglit ang atensiyon niya.

"Love," mahinang tawag at agaw ng pansin ko sa kaniya.

"Hmm?" tugon niya ng hindi inaalis ang tingin niya sa phone na hawak niya.

"What do you want to eat?" I asked sabay tingin ko sa mga food choices.

"Go ahead. I'll eat anything on your plate." tugon niya saka nilapatan niya ng halik ang aking sintedo.

Naramdaman kong dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang kamay na nakapulupot sa baywang ko.

"Okay," tanging nasambit ko.

Kumuha ako ng isang plate. Share naman kami ni Sylvester kaya isa na lang ang kinuha kong paglalagyan ng pagkain.

Tiningnan ko ang bawat pagkaing nakikita ko. Marahan ang aking paghakbang hanggang sa tumigil ako sa gitna.

I honestly don't have an appetite to eat. Wala nga ba talaga akong ganang kumain or wala akong nagugustuhang kainin mula sa nasa harapan kong mga pagkain.

"What's wrong?" Mabilis akong napabaling kay Sylvester. Lumapit siya sa akin.

"You don't like any of them?" malambing niyang dagdag.

"Do you want me to cook for you?" patuloy niyang wika ng wala siyang naririnig sa akin na tugon.

"You'll do that for me?" ani ko na mayr'ong halong doubt sa kaniya.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon