Chapter #2

465 18 0
                                    


               Thirdperson's  P.O.V

Mataimtim niyang pinapanood ang lahat ng footage na nasa harapan niya. Pinapanood niya ang bawat galaw ng mga taong nasa loob ng kan'yang territoryo. Watching what their doing.

Siya ay nasa loob ng isang lugar na wala kahit sinong nakaa-alam. Naka-upo siya sa isang one seater sofa habang nasa harapan niya ang malaking screen kung saan doon niya napapanood ang lahat.

Madilim ang kan'yang kapaligiran, ang tanging nagbibigay liwanag ay ang liwanag na nagmumula sa huge screen na nasa harapan niya.

Napadako ang kan'yang tingin sa kamay niyang mayr'ong hawak na wine glass. Marahan niyang inikot ang kan'yang kamay. Seryoso at malamig niyang pinagmasdan at sinundan ng tingin ang galaw ng wine sa loob ng wine glass.

Pagkatapos niya itong haluin ay ininom niya ito. Napaharap siya sa kan'yang laptop ng marinig niya ang pagtunog nito.

Isang information ang pumasok. Binuksan niya ito, tumaas ang sulok ng kan'yang labi. Napangiti siya sa mga pangalan na kan'yang nakita.

"Another insects, ha?" ani niya sa malamig na tono.

Narinig niya ang kakaibang tunog mula sa screen kaya dito naman dumako ang kan'yang tingin.

Inilapag niya ang hawak niyang wine glass sa table na malapit sa one-seater na inuupuan niya.

Tumayo siya at lumabas sa kan'yang lugar. Walang makakakita sa kan'ya sapagkat nasa loob na ang bawat tao. Alam niya ang lugar kung saang walang tao.

Tahimik na tinungo niya ang daan patungo sa lugar na kan'yang pupuntahan.

"How is it? nagawa mo ba?" tanong niya sa kasama nito.

Umiling ito, "I can't! It's hard, dude. There's a lot of password." frustrated na tugon ng kan'yang kasama.

"How about her? did you get her?" ganting tanong naman ng isa.

Tahimik niyang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-uusap hindi kalayuan sa kan'ya.

Hindi siya mapansin ng mga ito. Kahit presensiya niya ay hindi ramdam ng dalawa.

"Her? Same to you, I can't even get close to her. Kahit meter lang, she's damn well protected." inis na wika naman nito.

Marahan niyang inihakbang ang kan'yang mga paa palapit sa mga ito.

"May I interrupt your discussion?" malamig na wika nito, na ikinalingon ng dal'wa sa kan'ya.

Nagulat ang dalawa sa nakita nila. Kusang humakbang ang kanilang mga paa paatras. Hindi nila alam pero nakaramdam sila ng matinding takot at kaba. Ang mga mata nito ay malamig kong tumingin.

Hindi sila makapag-salita dahil sa tindi ng aura na nararamdaman nila. Taimtim niyang binigyan ng tingin ang mga ito.

Bagot na inihakbang niya ang kan'yang mga paa palapit sa mga ito.

"W-Who are you?" lakas loob na tanong ng isa sa dalawa.

Hindi niya ito pinansin. Kumilos siya ng mabilis at sa isang iglap lang ay nakita na nito na ang kasama niya na wala ng buhay.

Nanginginig na tiningnan niya ito. Mulat ang kan'yang mga mata na nakahandusay.

Bilog at maliwanag ang buwan ngunit mas pinili ng dalawa na magkita sa isang lugar na hindi masyadong napapasukan ng sinag ng buwan kaya hindi maliwanag ang kanilang lugar.

Marahan na napatingin siya sa taong pumatay sa kan'yang kasama. Napalunok siya, inisip niya at hinanap sa utak niya kung nakita niya na ba ito subalit kahit anong gawin niya ay wala siyang natatandaan na nakita na niya ito o nakaharap.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon