Rhexyl's P.O.V
Pagkatapos ng lahat ay nanatili pa ring tahimik ang lahat ng Der Mord students. Hindi pa rin sila naalarma at mas naging seryoso ang lahat para sa mga sumusunod pang magaganap. Hindi yata uso sa kanila ang mag-panick.
Muli akong tumingin sa paligid namin. Sinuri ang bawat sulok ng battle arena. Hindi ako makapaniwala na sa likod nang malawak na field na 'yon ay mayr'ong nakatagong ganito kalaking arena.
At sa tingin ko wala silang balak na palabasin kami. Ni wala man lang pinto, o kaya ay puwedeng labasan. Palalabasin ka lang talaga nila kapag tapos na ang araw na ito.
"I loved how they changed the bloody day. I have goosebumps from excitement." Rinig kong saad ni Acer.
Dumako ang tingin ko sa kaniya. Halata namang exited siya. Hindi ba naman mawala ang ngiti sa labi niya. Para siyang isang batang nanonood lang ng paborito niyang cartoons sa television. Nakita ko pa ang pag-ayos niya ng upo sa kinauupuan niya.
Hindi mawala ang tingin ko sa paligid. Panay pa rin ang libot ng tingin ko na wala naman akong nakikita na iba kun'di dugo lang.
"Stop roaming your eyes." Rinig kong saway sa akin ni Sylvester na kalaunan ay napalingon ako sa kaniya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at sandali lang ay pinaglaruan niya ang suot kong wedding ring namin. Napadako tuloy ang tingin ko sa kamay niya. Lihim na napangiti ako nang makita kong suot niya rin ang wedding ring namin.
"Here's how we know who will be your opponent." Nawala ang tingin ko sa ginagawa ni Sylvester.
Sa pagtingin ko sa holographic screen sa taas. Mayroong apat na screen na pinakita. Bawat isa ay mayr'ong mabilis na gumagalaw, ang isa ay mga picture naming mga studyante, ang pangalawa mga logo, pangatlong holographic ay ang mga sections at ang panghuli, ay mga numbers.
"Sa apat na holographic na nakikita ni'yo ay ang profile pictures ng lahat ng Der Mord students. Logo ng mga gang group, your sections at numbers which represent ng floors kung saan kayo nabibilang." panimulang paliwanag ni Lez.
"As you can see, gumagalaw ito nang mabilis. Kung alin at sino ang mahintuan nito ay siya ang magiging kalaban mo at makahaharap. Remember, we have a total of 20 battles, and each battle has its own mechanics and rules." Lez continued.
Sa ganoong paraan malalaman at magsisimula ang araw na ito. Ilang studyante kaya ang malalagas ngayong araw? Bakit kaya maraming gustong pumasok sa paaralang ito kung ganito ang sistema sa loob? Alam kaya nila kung anong mayr'on dito? o gusto lang nilang pumasok dahil sa ganda ng loob nito?
"Hindi na namin patatagalin pa. We will start the first game." Isang malakas na tunog ang siyang namayani sa buong lugar.
Tunog na magpapakaba sa'yo, kasabay din nito ang mas mabilis na paggalaw ng holographic screen pero biglang nawala ang tatlo at lumitaw ang mas maraming holographic screen.
Inalis ko ang tingin ko sa mga holographic screen. Tumingin ako sa katabi ko. Nagulat ako ng kaharap ni Sylvester ang isang holographic screen din saka mabilis na tumitipa ang kaliwang kamay niya sa holographic keyboard. Hawak niya pa rin kasi ang kamay ko.
Naririnig kong nagsisimula ng magtawag ng mga studyante. Napadako ang tingin ko sa tumayo at sa stage, mayr'on ng mga nakatayo roon ngunit binalewala ko lang 'yon.
Hindi naman ako matatawag doon, e. Tinuon ko na lang pansin ko sa ginagawa ni Sylvester. Marahan akong lumapit nang masilip ang pinagkakaabalahan niya.
BINABASA MO ANG
TAD BOOK II: Caught and Die
AçãoRhexyl is a woman that is deceitful and manipulative. She's the woman you shouldn't fool with because she'll make you lifeless if you touch her. Because of her plan to exact vengeance, she entered the university of Der Mord. She went to a school she...