Chapter #9

216 11 1
                                    

                 RHEXYL'S  P.O.V

"I am fine." malamig kong tugon kay Sylvester.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bumaba ako sa sink. Tinalikuran ko siya at humakbang paalis sa kusina.

"Aljea!" tawag niya sa'kin.

Pinatunog ko ang aking leeg, kaliwa't kanan. Kahit ilang beses kong naririnig ang pagtawag sa'kin ni Sylvester patuloy ko itong hindi pinapansin. Kahit na alam kong ang pagtawag niya sa pangalan ko ay isang seryosong bagay at warning mula sa kaniya.

Pagkalapit ko sa pintuan. Binuksan ko kaagad ito at lumabas. Dumeritso at sumakay ako ng elevator. Pagkabukas ay lumabas din ako sa loob nito. Pagkarating ko sa labas ng building.

Huminto ako sa paglalakad. Tumingala at ipinikit ko ang mga mata ko. Nilanghap ang simoy ng hangin.

"Wow! Hindi porket boyfriend ka ni Sylvester ay lagi ka ng nariyan sa dorm niya. Ine-enjoy mo naman yata ang pagiging girlfriend mo." Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa  lapastanganang pesteng gumambala sa pananahimik ko.

"Are you obsessed with him? so much so that you find it difficult to fall asleep without him?" panunuya niya.

Naramdaman ko ang mga yabag niya palapit sa'kin. Lumapit ka pa at mayr'on kang kalalagyan sakin.

Huminto ako dahil pinipigilan ko ang sarili kong kumitil ng buhay, pero tingnan mo nga naman. Mayroong lumalapit sa'kin. Kung kailan talaga ayoko ng gulo, doon naman sila lumapit kaya hindi ko na kasalan kung mawala sila ibabaw ng mundo.

Alam ko sa sarili kong gusto ko makakita ng dugo. Pero nasa sistema pa rin ako para pigilan ang kagustuhang iyon. Aware akong iba ang takbo ng aking katawan.

"Nawalan ka na ba ng pandinig? Bakit hindi mo imulat ang mga mata mo upang tingnan at harapin ako? Huwag kang bastos, Rhexyl!" asar at panghahamon niya sa'kin.

Inalis ko ang pagkakatingala ko at marahan na binuksan ang aking mga mata. Malamig at blangko akong tumingin sa kaniya.

"Such an obedient servant. I like it! Pero mas ikatutuwa kong makita kang mamatay sa mga kamay ko." Sumugod agad siya pagkatapos niyang magsalita.

Umiwas lamang ako. Tinapatan ko ang pag-atake niya. Too bad, narito kami sa tapat ng dormitory building. Magkakalat na naman ako.

"Sylvester is not just my boyfriend." bulong ko sa tainga niya. Kinuha ko ang pen sword ko. "He is my husband."

Saka ko ginilitan siya sa leeg. Binitawan ko siya at mabilis na bumuhos mula sa kaniyang leeg ang kaniyang sariwang dugo. Blangko kong sinulyapan ang hawak kong sword. Mayr'ong kunting bahid ng dugo rito, nilinis ko ito gamit ang kasuotan ng pinatay kong hindi ko naman kilala.

~~~ Maxie Hidalgo from Room 235 is now dead. ~~~ The system announced.

Lumipat ako ng building. Sumakay muli ako ng elevator. Minuto lang ay narating ko agad ang dorm ko. Sa banyo ako dumeritso at tumapat sa salamin.

Tiningnan ko ang aking sarili. Walang buhay pa rin ang mga mata ko. Nakita ko ang ilang kulay pulang likido sa aking leeg. Mukhang natalsikan ako ng dugo mula sa pesteng iyon kanina. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtuonan pa ng pansin. Tinitigan ko muli ang aking sarili.

This is not yet the right time.

Dahan-dahan kong ikinuyom ang aking isang palad at ng susuntukin ko na ang salamin nang mayroong pumigil sa kamay ko. Mabilis na tiningnan ko kung sino ang pumigil sa'kin. Si Sylvester lang pala.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon