Pagod na humiga si Min Hye sa sofa niya saka pumikit. Isang linggo ng wala si Hunter kaya naman walang araw ma hindi siya nag aalala sa binata.
"I wonder where he is now..." ani ni Min Hye habang nakatitig sa kawalan.
Malalim na napabuntong hininga siya at maya maya pa ay dumiretso siya ng kusina upang ipagluto ang sarili niya ng hapunan.
Mag isa lang siya kaya naman kaonti lang ang niluto niyang pagkain. Pagkatapos ay inihain niya na ito sa mesa at umupo na sa pwesto niya.
Bigla siyang napatingin sa kaharap niyang upuan kung saan naalala niya si Hunter. Dahil madalas ay si Hunter ang nagluluto at naghahain para sakanya siya ang boss ng binata kaya naman naninibago siya kahit saglit lang silang magkasama.
Napangiti si Min Hye at umiling iling tsaka itinuon ang atensyon sa pagkain ng hapunan niya.
Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na hinugasan niya ang mga pinagkainan niya saka dumiretso sa kwarto niya para mag linis ng katawan at mag ayos ng sarili.
Humarap siya sa salamin kung saan kitang kita ang eyebags niya. Habang nakatitig siya ay hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya ay mabigat ang pakiramdam niya at naluluha siya.
Pinunasan niya ang butil ng kuha na kumawala sa mga mata niya gamit amg daliri niya at mahinang tinampal tampal ang sarili.
"Seo Min Hye bakit ka ba umiiyak." Kausap niya sa sarili.
Humiga siya sa kama niya at wala sa sariling nakatitig sa kisame ng kwarto niya hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
MAAGANG nagising si Min Hye at saglit na tinignan ang sarili sa salamin kung maayos na ba siya. Mapait na ngumiti si Min Hye tsaka kinuha ang maletang dala dala niya.
Lumabas siya ng bahay niya at sumakay sa backseat ng sasakyan habang hinihintay ang driver niya dahil ngayon ang flight niya papuntang Korea.
Hindi siya pupunta doon para mag pahinga kundi para mag trabaho at para na din mabisita niya ang pamilya at mga kapatid niya.
Ng makasakay ang driver niya at kaagad nitong pinaandar ang kotse habang si Min Hye naman ay kausap si Anna sa telepono.
"Anna don't leave my door open and please contact me kaagad if ever na dumating si Hunter." Bilin ni Min Hye kay Anna.
[Noted, Ingat ka sa flight mo. Tawagan mo ako kaagad kapag nakalapag kana.] Ani ni Anna mula sa kabilang linya.
"Yep, osiya on the way na ako sa airport I'll call you later na lang." Ani ni Min Hye at ibinaba ang tawag tsaka tinuon ang atensyon sa buong byahe.
NANG makarating si Min Hye sa Korea ay kaagad niyang hinanap ang mga kapatid niya. Ng makita niya ang pamilya niya ay kaagad siyang kumaway.
"Ma, pa." Nakangiting sambit ni Min Hye at niyakap ang mga ito. Sunod naman niyang niyakap ay ang mga kapatid niya.
"Unnie!, may chika ako sayo. alam mo ba si kuya may girlfriend na." Ani ng kapatid niyang babae.
"Ano?!" Gulat niyang sabi na tinanguan naman ng kapatid niyang babae at sabay silang napatingin sa kapatid na lalake.
Tatlo silang magkakapatid dalawang babae at isang lalake. Si Min-Hye ang panganay sakanilang magkakapatid at si Jin ang lalakeng kapatid na sumunod sakanya at si Ah-rim ang bunso sakanilang magkakapatid.
"michyeoss-eo?" Baliw ka ba? Tanong ni Jin sa kapatid na si Ah-rim.
"Aniyo. Baka ikaw yun." Ani ni Ah-rim sabay irap sa kapatid na lalaki.
May pinagmanahan talaga itong kapatid ko hays. Syempre kanino pa ba magmamana edi sa maganda niyang ate.
"That's enought kids." Ani ng ama nina Min-Hye.
"Naneun Baegopa." Gutom na ako. Ani ni Min-Hye at napahawak pa sa kumukulong tiyan.
"Nado..." me too. ani ng bunsong kapatid niya.
"Aigoo, uli yeodongsaeng-eun baegopeuda." Aigoo, our little girl is hungry. Pang-aasar ni jin sa nakababatang kapatid niya.
"Jin! Stop teasing your sister." Galit na sabi ng nanay nila.
"Calm down everyone. Okay, lets find a restaurant." Ani ng ama nila at ng nasa loob na sila ng sasakyan ay gumamit ito ng navigation app.
Habang nasa loob sila ng kotse ay naguusap si Min Hye at ang ina niya.
"Kamusta ka naman sa pilipinas?" Tanong sakanya ng ina niya.
"Okay naman ma. Super busy kaliwa't kanan kasi ang pagaasikaso ko sa kumpanya at sa pagmomodel ko." Ani ni Min-Hye.
"Maybe Jin can help you with your business." Biglang sabi ng ama niya na ikinagulat ni Jin.
"Seolma!" Biglang sabi ni Jin. "I want to be a artist." Ani ni Jin.
"We know, Maybe soon you can help your noona with her business." Ani ng mama nila.
"I'm fine with that but not now. I'll join the audition for the next kpop generation." Ani ni Jin.
"If that's what you want then we will support you." Ani ni Min Hye.
Napangiti si Min Hye sa sinabi ng kapatid niyang lalaki dahil alam niyang gustong gusto nitong maging artist.
NG makauwi sila ng pamilya niya ay nalimutan na niyang tawagan si Anna dahil sa pagod at agad na nakatulog.
Hindi niya alam kung bakit nakikita niya si Hunter mula sa malayo. Tanaw ma tanaw niya ang binata kahit na malayo siya pero nagtataka pa din siya kung bakit kakaiba ang nasa paligid niya.
Napaharap siya sa salamin kung saan nakita niya ang repleksiyon ng sarili niya at kakaiba ang damit na suot niya.
"Omo!" Ani ni Min Hye ng makita ang sarili niya.
Mas nagulat siya ng makitang may lumabas na babae at kamukhang kamukha niya 'yon.
Lumapit ito kay Hunter at niyakap si Hunter.
"Hala! Sino ba ang babaeng 'to at ang sarap sabunutan!" Inis na sabi ni Min Hye.
Ngunit napansin niyang hindi siya nito nakikita kaya naman lumapit siya pero tumagos lang siya kaya naman bigla siyang kinabahan.
"Patay na ata ako!" Ani ni Min Hye. Natatarantang tumakbo si Min Hye dahil sa kaguluhan sa isip niya.
Live happily without me, I will be reborn again and love you again even if our fate didn't want us to. saranghae.
Hindi alam ni Min Hye kung saan babaling ang atensyon niya ng bigla siyang mapahinto sa pagtakbo dahil may tinig siyang narinig.
"Ano bang nangyayari sakin!" Kinakabahang sambit niya sa sarili.
Biglang napaluha siya sa tinig na narinig niya kaya naman nanghihinang napaupo siya sa sahig habang walang tigil ang pagtulo ng luha niya.
"Sino ka ba talaga Hunter..."
To be continued.
Hello guys! Sana ay naenjoy niyong basahin ang new update for todays chapter.
Malalaman na kaya ni Min Hye ang tragic life ni Hunter??
Ano sa tingin niyo?
BINABASA MO ANG
UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceMin Hye didn't thought that she would fall for a guy named Hunter. A man with full of dark secrets. They got attached to each other as time goes by. Happy, alive, hopeful and genuine to each other but they didn't knew that wouldn't last forever. Wil...