Chapter 22

14 2 0
                                    

KAUUWI lang ni Min Hye kaya naman dumiretso kaagad siya sa kuwarto niya at humiga.

Nakahinga siya ng maluwag dahil kahit papaano ay naging payapa ang pagtulog niya. Dahil hindi siya nanaginip at tuloy tuloy ang pagtulog kaya naman energetic siya ngayong araw.

Tatawagan niya sana si Hunter pero bigla niyang naalala na may lakad pala siya ngayong araw at kailangan niyang makipag kita sa manager niya.

Maya maya pa ay nagtungo siya sa cr para maligo dahil marami siyang aasikasuhin ngayong araw bago pa umuwi ang magulang niya para kahit papaano ay kaonti na lang ang aasikasuhin ng ama niya.

Pagkatapos niyang maligo ay nagayos siya ng sarili at lumabas ng kuwarto niya. Napakunot siya ng noo ng makitang naroon ang dalawa niyang kaibigan sa sofa.

"Ano nanaman ang ginagawa niyo dito?" Inis niyang tanong. "Trespassing na kayong dalawa." Ani niya pa.

"Sino ba ang nag iiwan ng pinto at gate na nakabukas?" Ani ni Finn.

"Pasalamat ka at strict sng mga security guard dito kung hindi baka na akyat bahay gang kana." Ani ni Anna.

"Sakit ka nanaman sa ulo ng manager mo." Dagdag pa ni Finn.

"Oh so? Sakit din naman siya sa ulo ko so fair lang kami." Ani ni Min Hye. Napailing iling naman si Anna at Finn dahil sa sinabi niya. "Atsaka bakit madalas na kayong magkasama? May something siguro sainyong dalawa." Nakangising sabi ni Min Hye.

"Anong something ang pangit nga nitong katabi ko." Ani ni Anna. Bigla naman siyang nabatukan ni Finn. "Nahiya naman ako sa pagmumukha mong malapit ng kumulubot dahil sa stress kay Min Hye." Ani ni Finn.

"KAYONG DALAWA! UMALIS NA NGA KAYO!" Sigaw ni Min Hye. Nanlilisik ang mata niya habang nakatingin kay Anna at Finn at bigla naman silang nag peace sign tsaka kumaripas ng takbo palabas.

Ako pa talaga ang cause of stress nila ah! Nakakainis!

Lumabas si Min Hye ng bahay niya at sumakay ng kotse. Habang nag d-drive siya ay biglang nag message sakanya ang manager niya pero hindi niya 'yon pinansin at binasa bagkus ay tuloy tuloy lang ito sa pagmamaneho.

NG makarating siya sa agency ay kaagad siyang binati ng guard at umakyat sa 6th floor kung saan naroon ang opisina ng manager niya.

Pagkapasok niya ay hindi niya inaasahang mas mapapaaga pa pala ang pag bungad sakanya ni Natasha.

Nakita naman niya ang pagkagulat sa reaksyon ng manager niya pero hindi niya 'yon pinansin bagkus ay tumingin siya sa direksyon ni Natasha.

"Long time no see Min Hye." Ani ni Natasha. "How are you? You're still the same." Ani ni Natasha.

"Still the same? I think you're wrong, People change Natasha ikaw lang ata ang hindi mahilig kapa rin sa mga second hand." Nakangising ani ni Min Hye.

People change because of trauma and heartbreak they're gone through their lives.

Seeing Natasha felt suffocating for Min Hye, she is trying to be strong to face her but Min Hye knew she can't stand right infront of this lady.

"Min Hye be matured. This is not the right time to talk about that." Ani ng manager niya. "Matagal na 'yon I think you should forget about what happened  before." Ani pa ng manager niya.

Tumayo ang manager niya mula sa kinauupuan nito at hinila siya palabas ng opisina nito.

"What are you doing here?" Takang tanong nito. Hindi naman niya naiwasang attitude-an ang babaemg kaharap niya dahil sa tanong nito. "I told you that I have something to discuss. Let me ask the same question to you, what is she doing here?" Mataray na tanong nito.

"I already sent you a message that our meeting is cancelled right?" Ani ng manager niya.

"Cancel all of my collaboration with her." Ani ni Min Hye at walang sabi sabing tinalikuran ang manager niya.

"You can't! Why are you so affected? Min Hye matagal na 'yon! Usong mag move on, bakit hindi mo magawang isantabi 'yang galit mo sakanya." Ani nig manager niya.

Min Hye clenched her fist and turned her back at her manager.

"Stop telling me what to do. You don't know my pain, you don't know what happen to me before." Ani ni Min Hye. Nanlilisik ang mga mata nito at talaga namang ubos na ubos na ang pasensya niya.

"Kung tatanggihan mo ang offer malaki ang mawawala sayo, malaki din ang halaga nito Min Hye." Ani ng manager niya.

"I don't care about money! Kung gusto mo ikaw na lang huwag mo na akong idamay." Ani ni Min Hye tsaka nag walkout.

KAHIT nakaalis na si Min Hye ay hindi pa din nawawala ang inis niya kaya naman nag stop muna siya sa isang cafe para magpalamig.

Pinapasok siya kaagad ng guard at dahil kilala na siya sa cafe na ito inassist kaagad siya ng waiter ay hindi na siya tinanong sa order niya dahil iisa lang naman ang palagi niyang order kapag nasa cafe siya.

Nakatuon ang atensyon ni Min Hye sa labas ng bintana ng biglang may umupo sa harap niya kaya nilingon niya 'yon.

"No picture and autograph please." Ani ni Min Hye. Pagkasabi niya non ay binaling niya ulit sa labas ng bintana ang atensyon niya pero ramdam niyang hindi parin ito umaalis kaya tinaasan na niya ito ng kilay.

Mainit na ang ulo ko! Sasabay ka pa!

"What do you want?" Iritableng tanong ni Min Hye.

"So you're her." Biglang sambit ng lalaki na nasa harapan niya ngayon kaya tinaasan naman niya 'yon ng kilay.

"I'm her? What do you mean?" Takang tanong ni Min Hye. Nginitian siya ng lalaki tsaka humigop ng kape.

Bigla namang dumating ang order niya pero hindi niya 'yon pinansin bagkus mas binigyan niya ng atensyon ang lalaking nasa harapan niya.

"Do you know me?" Tanong ulit ni Min Hye. Inilapag naman nito ang tasang hawak niya. "Of course, I know you very well." Ani ng lalaki.

Mas lalo namang na curious si Min Hye dahil sa sinabi ng lalake. "How? Havewe met before?" Naguguluhang tanong niya.

"Hindi mo pa siguro naalala but I know you're a survivor of death, You must be thankful." Ani ng lalaki.

What? How did he know?!

"Who are you?"

"I wont introduce myself, I'll wait for you to remember everything so take your time." Ani ng lalaki at iniwan siyang nakatanga.

Naiwang nakatulala sa kawalan si Min Hye, another puzzle came to her life what a luck!

Ang swerte ko talaga pag dating sa mga ganitong bagay.

Napabuntong hininga siya dahil naguguluhan na siya sa mga nangyayari hindi na niya alam kung anong uunahin niya.

Kada araw na lang may gugulo sa isip at buhay ko argh!

Is this really my fate?





To be continued.

Hi guys! Sorry natagalan sa pag update huhu! But I jope you enjoyed reading this chapter as I enjoy writing this chapter!

-Author

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon