Chapter 14

38 3 0
                                    

Ilang gabi ng hindi makatulog si Min Hye dahil sa halik ni Hunter sakanya. She looked at the mirror and saw a big dark circle under her eyes. She sighed and went back to bed. Pinilit niyang matulog kaya pumikit lang siya pero wala talaga kaya hinayaan niya na lang na tumakbo ang isip niya.

Ilang araw na din niyang hindi sinasagot ang tawag sakanya ni Hunter atsaka iniiwasan din niya si Hunter sa tuwing sinusundo siya nito sa opisina niya. "No, I don't want him to saw me like this. Argh! Halik lang naman yun pero grabe na ang epekto sakin what the heck is wrong with you Min Hye!" Ani ni Min Hye.

Iniisip niya ang mga nakahalikan niya before kapag nag shoshoot siya ng mga short film at commercial pero ngayon ibang iba talaga ang epekto sakanya.

"Calm down please." Ani ni Min Hye habang nakalahad ang kamay niya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya, pinakiramdaman niya 'yon at ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya kung kaya't pilit niyang kinakalma ang sarili niya.

Ng makita niya ang mga papeles na naglalaman ng mga collaboration niya sa iba't ibang brands ay kinuha niya 'yon at binasa niya para magkaroon siya ng libangan kahit papaano.

Hays oo nga pala hindi ko pa nasasabi na may flight ako sa new york next month!

Napakagat labi si Min Hye ng maisip kung papaano niya sasabihin 'yon kay Hunter dahil nga iniiwasan niya ang binata at ilang araw na din silang walang interaksyon.

Habang busy siya sa pagiisip ay biglang nag ring ang cellphone niya na nagpagulat sakanya.

"Bakit napatawag ka?" Ani niya mula sa kabilang linya. [Ikaw? Bakit gising kapa? Maaga kapa bukas matulog kana.] Boses 'yon ni Anna. "Hindi ako makatulog." Wala sa sariling sabi niya.

[Alam mo kilala na kita Min Hye ganyang ganyan ka nung inlab ka.] Asar sakanya ni Anna. Napa irap naman siya sa hangin. "Tss, sabi ngang hindi ako inlove dun papansin ka ba?!" Inis na sabi ni Min Hye.

[Ante, tono pa lang ng boses mo halatang guilty kana!] Ani ni Anna. "Kapag ako na inlove talaga dun kasalanan mo!" Ani ni Min Hye.

[Wag moko idamay sa karupukan mo mhie!] Ani ni Anna. "At kapag nasaktan ako kasalanan mo din. Kailangan mo akong damayan!" Ani ni Min Hye.

[Mas lalong wag mokong idamay sa katangahan mong taglay!] Singhal ni Anna kaya naman biglang nailayo ni Min Hye ang cellphone sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ng kausap niya.

"Alam mo panira ka ng gabi! Sana mapanaginipan mo ang kagandahan ko!" Ani ni Min Hye. [Ayoko ng matulog.] Ani ni Anna pero sa puntong iyon ay biglang nag bago ang tono ng boses niya.

Walang sabi sabi namang pinatayan ni Min Hye ng tawag ang kaibigan niya sabay tawa.

Ang sama ko talaga HAHAHAHA!

Well eurt naman.

Napatingin si Min Hye sa orasan niya at napagdesisyunan ng matulog.

NAGISING si Min Hye at nagpasalamat siya dahil wala siyang napanaginipan na kahit anong weird sa pagtulog niya.

Sa wakas! Nagkaroon din ng matinong tulog!

Ng matapos maligo at mag ayos ng sarili si Min Hye ay dumiretso siya sa kusina para magluto ng almusal niya.

Pero pagkababa pa lang niya ng hagdan ay napakaripas siya ng takbo dahil may naamoy siyang sunog at ang kapal na ng usok na nanggagaling sa kusina.

"HUNTER!" Sigaw ni Min Hye. Nag r-rage na siya dahil sa sobrang pula na ng mukha niya. Kakaligo niya lang pero yung ulo niya ay mas mainit pa sa kumukulong tubig.

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon