Chapter 12

45 3 0
                                    

NAGISING si Min Hye na hingal na hingal at nanginginig ang buong katawam niya dahil sa takot. Napahawak siya sa ulo niya dahil biglang sumakit 'yon.

Ilang araw na din siyang nananaginip ng masama at kakaiba. Basta ang random ng panaginip niya, kung minsan ay napapanaginipan niya ang nangyari sakanya noon.

~Flashback~

Masayang umalis ng bahay si Min Hye dahil tinawagan siya ng boyfriend niya sa mismong kaarawan niya para mag date silang dalawa. Habang nag mamaneho siya ay tinawagan niya ang boyfriend niya pero hindi 'yon sumagot kaya naman hinayaan niya na lang at tinuon ang atensyon sa daan.

Nang makarating siya sa destinasyon niya ay tinignan niya ang oras at alasotso na ng gabi kaya naman kaagad siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng restaurant.

"Hey! Kanina kapa ba?" Tanong niya ng malapitan ang boyfriend niya. Ngumiti ito sakanya pero may kakaibang hatid ang ngiti nito. "Nope, halos kararating ko lang din." Ani niya. Tumango tango naman si Min Hye atsaka umupo sa kaharap na upuan ng boyfriend niya.

Umorder sila ng pagkain at ilang minuto pa ang hinintay nila bago 'yon dumating.

"So how was your work?" Tanong niya sa kasintahan. Hindi kaagad ito sumagot bagkus ay tinignan muna siya nito bago sumagot. "Okay naman." Maikling sagot nito.

"Matamlay ka ata?" Tanong ni Min Hye.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Pwede bang kumain kana lang at huwag mo akong pakialaman." Ani ng kasintahan niya na ikinagulat naman niya.

May kirot sa puso ni Min Hye ng makitang ganun ang reaksyon ng kasintahan niya. Tumango tango siya tsaka tumahimik hanggang sa matapos silang kumain.

"Min Hye." Tawag ng kasintahan niya sa pangalan niya. Kaagad naman siyang tumingin sa kasintahan niya. "Ayoko na." Ani nito.

"Ayaw mo na? Bakit? Busog kana ba?" Ani ni Min Hye. Bumuntong hininga ito at alam na ni Min Hye kung ano ang gusto nitong iparating at pinipilit lang niyang mag maang-maangan.

"Not that." Ani nito. "Eh ano?" Tanong ni Min Hye. Hindi tumingin sakanya ang kasintahan niya bagkus ay nakayuko lang ito.

"Ayoko na, itigil na natin ang relasyon na to." Ani niya. Parang nawalan ng sigla si Min Hye ng marinig niya ang mga sinabi ng boyfriend niya.

"Bakit? Kailangan ko ng rason." Ani ni Min Hye. "Dahil ba hindi tayo masyadong nakakapag communicate? O baka kasi puro ako trabaho?" Ani ni Min Hye.

"Ayoko lang talaga. Pagod na ako." Ani nito. Mapait na tumawa si Min Hye. "Pagod? Saan? Wala naman tayong problema ah hindi naman tayo nag aaway minahal naman kita ah binigay ko ng buo ang pagmamahal ko kaya paano ka mapapagod?" Ani ni Min Hye.

Napatigil si Min Hye ng biglang may dumating na waiter at kinausap ang boyfriend nito. Kaagad siyang lumingon sa likuran nila at nakita ang babaeng nakatayo at nakatingin sa boyfriend niya.

"Siya ba? Kaya ayaw mo na?" Malungkot ang mga mata ni Min Hye ng sabihin niya 'yon. "Siya ba ang dahilan kung bakit bigla kang napagod?" Gustong umiyak ni Min Hye pero hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maramdaman niya dahil sa halo halong emosyon.

"I'm sorry..." ani ng lalaking nasa harapan niya. Umiling iling si Min Hye. "Huwag kang mag sorry dahil pinili mo yan, pinili mong magkamali." Ani ni Min Hye at walang sabi sabing umalis.

Habang nag mamaneho pauwi si Min Hye ay hindi niya mapigilang hindi maluha. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso niya. Gusto niyang isipin na okay lang ang lahat at gusto niyang pigilan ang pag luha niya pero iba ang sinisigaw ng puso niya na para bang may sarili itong utak.

Lumalabo na ang paningin niy dahil sa pagiyak niya kaya naman pinunasan niya iyon gamit ang dalawa niyang kamay ng biglang mag prumenong mga sasakyan na nasa paligid niya at ang huling narinig niya ay ang malakas na pag tama ng kotse niya sa poste.

Nanghihinang dumilat si Min Hye habang tumutulo ang dugo sa sintido niya at sa hindi mawaring kadahilanan ay bigla niyang nakita ang sarili niya na papalapit sakanya at tinakpan nito ang mga mata niya gamit ang palad at kasunod noon ay bumalot ang madilim na paligid kasabay ang pagkawala ng malay niya.

~End Of Flashback~

That was the scariest moment of her life when she saw her self in the middle of her death.

Wala sa sariling lumabas siya ng bahay at naglakad lakad sa madilim na eskinita ng subdivision nila. Tanging street light lang ang nagsisilbing liwanag pero hindi niya 'yon napapansin dahil wala siya sa sarili.

Napatigil siya sa paglalakad ng biglang nakita niya si Hunter sa hindi kalayuan. Hanggang ngayon ay umaagos pa din ang luha niya kaya naman ng mapansin ni Hunter na umiiyak siya at hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya ay si Hunter na ang nagkusang lumapit sakanya at walamg sabi sabing niyakap siya.

"It must be hard for you to remember those sad memories." Ani ni Hunter habang yakap yakap siya. Sa puntong 'yon ay humagulgol na siya na para bang doon niya ibinuhos lahag ng sakit at frustration na nararamdaman niya.

She realize how strong she is because how can she survive that saddest moment of hers. Its hard for her to remember it every night.

That's why she's afraid to love and afraid to gamble in love she's been trying to be strong even though she is really not strong enough to handle her emotions. Marahang tinapik tapik ni Hunter ang balikat niya na para bang pinapatahan siya ng binata.

Dahil mas matangkad sakanya si Hunter ay tumingala siya para tignan ang binata kung pinagtatawanan na siya nito pero mali ang akala niya dahil nakangiti lang ito sakanya na para bang pinapahiwatig niya na andito lang ako.

Ginamit niya ang hinlalaki niya para punasan ang mga luha kumawala sa mga mata ni Min Hye.

"Malaya kang maging mahina ngayon at hahayaan kitang maging balikat ako sa oras na pinanghihinaan kana."




To be continued.

Short update muna guys! Don't forget to vote and comment your insights! Enjoy reading everyone!

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon