Chapter 18

27 2 0
                                    

NAGTATAKA si Min Hye ng pumarada ang sasakyan sa tapat ng studio shop kung saan madalas siya nag papapicture pag may gusto siyang idisplay sa bahay niya na picture niya.

"Anong gagawin natin dito?" Kunot noong tanong ni Min Hye. Ngumiti lang sakanya si Hunter tsaka hinila siya papasok sa loob.

Pagkapasok nila ay bigla namang nagulat ang guard, at dahil kilala na siya sa shop na ito ay nakakagulat nga 'yon na may makitang may kahawak kamay siya lalo na't sikat pa siya.

"Ma'am biglaan po ang pag punta niyo ah?" Gulat na tanong sakanya ng photographer na laging nag aasikaso sakanya. "A-ah oo nga eh hindi ko din inakala hehehe." Ani ni Min Hye sabay sulyap kay Hunter na nakahawak pa din sa mga kamay niya.

"Excuse me, ako pala yung nag pa sched ng couple photo shoot." Ani ni Hunter. Tumango tango naman sakanya ang photographer tsaka tumingin sakanya. "Sige po sir, asan nga po pala ang partner niyo?" Tanong sakanya ng photographer.

Wtf!

Bigla naman siyang tinuro ni Hunter at halatang halata naman ang gulat sa mukha ng photographer at awkward na tumawa.

"Sige po, this way po ma'am sir." Ani ng photographer habang napapakamot siya sa batok niya.

Ang awkward nga!

"Hunter pakawalan mo na 'yung kamay ko." Bulong ni Min Hye. Mas naramdaman naman niya ang pag higpit ni Hunter sa paghawak sa kamay niya.

Napairap naman siya sa hangin dahil wala talagang pagasa na mapasunod niya ang lalaking 'to.

Nag simula ng kumilos ang photographer kaya naman nag pose na silang dalawa. Nakaupo si Min Hye habang si Hunter naman ay nasa gilid niya at nakatayo.

"1... 2... 3..."

Click!

Ang sunod naman nilang pose ay nakayakap si Hunter mula sa likuran niya.

"1... 2... 3..."

Click!

PAGKATAPOS ng ilang takes ay sa wakas natapos na rin at ipinakita na ng photographer ang mga litrato nilang dalawa.

Pinaframe nila 'yon para kahit papaano ay magkaroon sila ng memories sa isa't isa.

Napangiti si Min Hye habang pinagmamasdan niya ang larawan nilang dalawa ni Hunter.

Napaka guwapo niya talaga!

"Yepeuda.." mahinang sambit ni Min Hye habang mariing nakatingin sa larawan nila ng kasintahan niya.

"Ano pa ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Hunter habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Saglit namang napaisip si Min Hye. "Hmm mag rides tayo!" Excited na sabi ni Min Hye. Napangiti naman si Hunter at mabilis na sinulyapan si Min Hye. "Okay, bukas na agad gusto mo ba?" Tanong ni Hunter.

Walang pagaalinlangang tumango tango si Min Hye bilang pag sang ayon niya sa sinabi ni Hunter. "What else?" Tanong pa ni Hunter.

"Grocery date? Please? Lagi kasing si Anna ang nag grocery for me." Ani ni Min Hye.

"Your wish is my command!" Nakangiting sabi ni Hunter.

Hindi namalayan ni Min Hye na nasa tapat na pala sila ng bahay niya kaya naman ay lumabas siya ng sasakyan at sinundan naman siya ni Hunter.

"Goodnight! I'll call you when I get home." Ani ni Hunter. Tumango tango naman si Min Hye at ng makita niyang tumalikod na si Hunter ay automatikong kumilos ang katawan niya at niyakap siya mula sa likuran.

"Thank you..." mahinang sabi ni Min Hye. Humarap sakanya si Hunter at naramdaman niya ang mahinang pag tapik tapik nito sa ulo niya. Naramdaman niya ang mainit na pagyakap sakanya ni Hunter kaya napatingala siya at bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Min Hye. Umiling iling siya ay mapait na ngumiti. "Masaya ako dahil muli kitang nakasama at ayoko ng mawalay pa." Ani ni Hunter.

"After the grocery, what do you want to do next?" Tanong ni Hunter.

"Let's have our vows together... and after that let's dance." Ani ni Min Hye.

Tumango tango naman si Hunter. They already found each other and no matter how hard it was to endure they will still end with each other's arms.

"I'll make sure to make it special for you..." ani ni Hunter. Napangiti naman si Min Hye dahil sa sinabi ni Hunter. "Promise mo'yan ha! Osiya mauna na ako sayo." Paalam ni Min Hye.

Bago pa siya tuluyang makapasok ay ninakawan nanaman siya ng halik ni Hunter. "HUNTER!" Singhal ni Min Hye.

Ang daya talaga!

Nangaasar na kumaway sakanya si Hunter bago nito pinatakbo ang kotse palayo habang si Min Hye naman ay pumasok na sa loob ng bahay niya para mag pahinga.

Ang akala niya ay makakapagpahinga na siya ng biglang makita niya sa loob ng bahay niya ang dalawang istorbo sa buhay niya.

"What are you two doing here?" Kunot noong tanong ni Min Hye. Nginitian naman siya ng dalawa niyang kaibigan. "Well I'm here to bring a bad news to you." Ani ni Finn. Bigla naman siyang binatukan ni Anna at dahil sa sobrang lakas nun ay nabitawan niya ang cellphone niya.

"Aray ko naman!" Singhal ni Finn. "Baliw ka kasi." Ani ni Anna. Pinulot naman ni Finn ang nahulog niyang cellphone at biglang binato ng unan si Anna.

"Min Hye my friend, do you miss me?" Ani ni Finn at nagtangka pang lumapit sakanya para yakapin siya ng biglang iharang niya ang kamay niya na dahilan para mapahinto siya.

"Hindi niyo na ako kailangan lambingin. I'll treat you to dinner na lang." Ani ni Min Hye.

"K!" Sagot ni Anna. Napataas naman ng kilay si Min Hye sa direksyon ni Anna. "Except her." Ani ni Min Hye sabay turo kay Anna.

Bigla namang tumawa si Finn dahil sa sinabi ko at inasar asar na si Anna. Syempre as usual pikon nanaman siya.

"Can you please leave my house? I'm tired na kasi." Ani ni Min Hye.

"Talaga? Eh nag date kayo ng boyfriend mo diba?" Ani ni Anna at dahil sa sinabi niya kitang kita ang gulat sa mukha ni Finn dahil sa reaksyon niya.

"Uy dalaga na siya... so who is your boyfie? Is he handsome like me? Is he a gentleman like me?" Ani ni Finn na para bang bilib na bilib sa sarili niya.

"Oh! Come on Finn! He is more handsome and way more better than you." Nakangising sabi ni Min Hye sa kaibigan tsaka iniwan silang dalawa ni Anna sa sala.

"Lock the door! Thanks!" Sigaw niya mula sa second floor ng bahay niya.

Bigla naman niyang naalala ang bad news na dala ng kaibigan kaso nawala na sa isip niya kanina kaya naman hindi na niya naitanong.

Oh well there's still tomorrow!

To be continued.

Hi readers! Sorry po sa late update ni authornim huhuhu.

Sana nagustuhan niyo parin ang chapter na ito at sana nag enjoy kayong basahin!

Huwag niyong kalimutang mag vote at mag comment!!

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon