NAGISING si Min Hye sa kalagitnaan ng gabi. Malakas at mabilis ang pag tibok ng puso niya kaya naman tumayo siya at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig.
Napatingin siya sa wall clock. Alasdos pa lang ng madaling araw ibig sabihin ay mahaba haba din ang naging tulog niya.
Pagkatapos niyang kumuha ng tubig ay umakyat kaagad siya sa second floor ng bahay nila at dumiretso sa balkonahe nila.
Malamig na simoy ng hangin ang tumampad sa balat ni Min Hye. Napabuntong hininga siya at medyo gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang paligid. Madilim, tahimik at payapa.
Nagmuni muni muna siya saglit bago bumalik sa loob at isinara ang pinto ng balkonahe saka dumiretso sa loob ng kwarto niya.
Ng makapasok siya sa kwarto niya ay kinuha niya kaagad ang laptop niya at binuksan ang instagram niya kung saan sobrang dami ng notifications niya kaya naman napagdiskitahan niyang tignan ang mga notificications niya.
Isang litrato ang nag patigil kay Min Hye at yun ay ang litrato ni Hunter noong magkasama sila sa mall.
Bahagyang napangiti si Min Hye kaya naman sinave niya 'yon sa gallery niya bago iligpit amg laptop.
ALASOTSO ng magising si Min Hye kaya kaagad siyang bumangon sa higaan at nagtungo sa kusina kung saan naroon ang mga magulang at kapatid niya.
"Gising kana pala. Maupo kana anak at kumain." Ani ni ng ina niya.
Tumingin siya sa mga kapatid niya na nakasuot ng school uniform. "Anong oras ang pasok niyo?" Tanong niya.
"Mamaya pa mga nine ganun." Ani ni Ah-Rim.
"Alasotso na ah dapat nakaalis na kayo ngayon." Ani ni Min Hye.
"Ang bagal bagal kasi ng isa dyan." Ani ni Jin.
"Ikaw nga ang tagal tagal mong bumangon nag reklamo ba ako?!" Inis na sabi ni Ah-Rim.
"Oo, nagrereklamo kana nga ngayon eh." Ani ni Jin.
"Huwag mo akong pikunin baka masuntok ko panga mo dyan." Galit na sabi ni Ah-Rim.
"Tumahimik nga kayong dalawa, imbes na kumilos na kayo dahil malelate na kayo nagawa niyo pang mag-away." Ani ng ama nila.
NG matapos kumain si Min Hye ay nagtungo siya sa banyo upang maligo. Halos trenta minuto din ang itinagal niya doon kaya naman lumabas na siya para mag bihis at mag ayos ng sarili.
Nakawinter outfit siya dahil malamig ang weather ngayon sa korea at dahil puro outdoor ang pupuntahan niya ngayon ay nag dala siya ng extra jacket.
"Ma aalis na po ako." Paalam ni Min-Hye sakanyang ina.
Naglalakad lang si Min Hye hanggang sa makalabas siya ng village dahil madalang dumaan ang mga taxi sa village na tinitirahan nila.
She preffered to walk alone dahil na miss niya amg ganitong klasing buhay. Yung normal kang nakakapaglakad in public ng walang sumusunod sayo na mga camera man.
Habang naglalakad siya ay biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman kaagad niya 'yong sinagot.
"Hello? Who is this?" Ani ni Min Hye mula sa kabilang linya. "Hello?" Ani niya pa.
Ibinaba niya amg cellphone niya dahil wala namang sumasagot.
NANG makarating siya sa destinasyon niya ay kaagad siyang sinalubong ng director para sa brand na kailangan niyang ishoot ngayon for commercial.
"Annyeonghaseyo!" Masayang bati niya at nakipag kamay sa director at staff members.
"Ms. Seo, I'm Director Kim. Nice to meet you." Ani ni ng director.
BINABASA MO ANG
UNTIL WE MEET AGAIN
RomanceMin Hye didn't thought that she would fall for a guy named Hunter. A man with full of dark secrets. They got attached to each other as time goes by. Happy, alive, hopeful and genuine to each other but they didn't knew that wouldn't last forever. Wil...