Chapter 21

21 2 0
                                    

NAGISING si Min Hye sa hindi pamilyar na silid kaya nakaramdam siya ng kaba at takot kaya tumayo siya at inilibot ang buong paligid.

Damn! Am I dreaming again?

But why does it feel so real?

Ng mabaling sa kama ang atensyon niya ay kaagad siyang nagulat dahil nakita niyang nakahiga doon si Hunter.

What the...

Tinignan niya ang paligid at nagtataka siya dahil ang modern tignan ng mga kagamitan.

It doesn't look like this in my dream...

Ng mapagtantong na sa realidad siya at wala sa panaginip ay kaagad siyang napatitig kay Hunter na mahimbing na natutulog.

Napatakip siya sa bibig niya para pigilan ang sarili na makagawa ng ingay tsaka dahan dahang lumabas ng kwarto.

Nilibot niya ang buong bahay ni Hunter at namangha siya ng makitang maayos at malinis ang paligid kaya naman maaliwas itong tignan.

Umupo siya sa sofa at pilit na inaalala kung paano siya napunta sa bahay ni Hunter at bigla naman niyang naramdaman ang pagiinit at pamumula ng pisngi niya.

Magkatabi kami... shocks! Huhuhu nakakahiya!

Pero nakakakilig din!

Bigla naman niyang naalala na umulan ng malakas kanina kaya kinailangan muna nilang sumilong pero hindi din nag tagal ay biglang sumama ang pakiramdam ng binata.

At... kung hindi siya nagkakamali ay nakita ang kakaibang nangyari sa binata. Pilit niyang inaalala 'yon ngunit hindi niya talaga magawa dahil nasa dulo 'yon ng utak niya kung kaya't nahihirapan siyang alalahanin.

Bumalik siya sa loob ng kwarto ni Hunter na may dala dalang tubig, pamunas at gamot.

Tumabi siya sa gilid ng binata at binuksan nito ang kalahating butones ng suot nitong polo tsaka pinunasan ang binata.

Ramdam niya ang mainit na temperatura ng binata kaya naman kinumutan niya ito dahil nakikita niyang nilalamig ito.

"What are you doing?" Mahinang tanong ni Hunter tsaka hinawakan ang wrist ni Min Hye dahilan para mapatigil siya sa pagpupunas sa binata.

"I'm taking care of you, Nilalagnat ka kasi so mag rest ka lang dyan." Ani ni Min Hye tsaka tumayo pero pinigilan siya ni Hunter.

"Stay." Ani nito sa mahinang boses. "I will, ipagluluto lang kita ng pagkain." Ani ni Min Hye.

"Will you leave me?" Ani ni Hunter. Napailing iling siya dahil sa random na tanong sakanya ni Hunter. "No, I'll stay by your side." Ani ni Min Hye tsaka hinalikan sa sintido si Hunter.

Bahagyang sinuklay suklay niya ang buhok ni Hunter hanggang sa makatulog ito tsaka kinumutan ito para hindi siya gaanong malamigan.

Nagtungo siya sa kusina at ipinagluto si Hunter ng pagkain. Habang nagluluto siya ay biglang nahagip ng mga mata niya ang maliit na frame at nakalagay doon ang picture nilang dalawa.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang larawan nilang dalawa pero may isa pa ang nakaagaw ng atensyon niya. Tinignan niya ang malaking chest na nakapatong sa ibabaw ng sofa.

Bubuksan niya sana 'yon ng biglang mag alarm ang timer ng cellphone niya na hudyat na luto na ang pagkaing niluluto niya.

Umaatake nanaman ang pagkachismosa mo Min Hye!

Pinalamig niya muna ng onti ang lugaw na niluto niya tsaka nag lagay sa mangkok.

Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ni Hunter ay gising na ang binata kaya naman umupo si Min Hye sa tabi niya at inilapag ang pagkain sa bedside table niya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Min Hye at kinapa kapa nito ang sintido niya.

"I'm sorry if I bothered you at this time." Ani ni Hunter.

Napangiti naman si Min Hye at umiling iling. "It's fine, I like taking care of you." Ani ni Min Hye.

Bigla namang natawa si Min Hye sa isip isip niya dahil naalala niya ang sinabi niya kay Hunter noon na wala siyang makukuhang special treatment mula kay Min Hye, at ngayon ay kinain niya ang sarili niyang salita.

"Why are you smiling like crazy?" Tanong sakanya ni Hunter. "Wala may naalala lang ako, kumain kana." Ani ni Min Hye.

Bigla namang may naisip si Min Hye at biglang kinuha ang bowl na nasa bedside table na may lamang porridge.

"What are you doing?" Kunot noong tanong sakanya ni Hunter habang nakatingin sa kamay niyang may hawak na kutsara at nakatapat sa bibig ng binata.

"Do you remember na sinubuan mo ako dati, so now is my turn." Ani ni Min Hye.

Nagiging korni na ako kainis!

Bigla namang napangiti si Hunter at tinanggap ang pagkaing inalok sakanya ni Min Hye.

"It taste good mukhang ito ang specialty mo." Natatawang sabi ni Hunter bigla namang nanlisik ang mata ni Min Hye.

Inaasar niya ata ako!

"Are you teasing me?" Mataray na tanong ni Min Hye sakanya. "Be thankful na lang kasi inaasikaso kita noh!" Ani ni Min Hye.

"Bakit ka nagagalit? Sinabi ko lang naman na 'yan ang specialty mo." Nakangiting sabi ni Hunter.

"Sus, feel ko may gusto ka psng iparating eh." Ani ni Min Hye.

Kung si Hunter ay laging nakangiti si Min Hye ay madalas nakasimangot.

Inilapag naman ni Hunter ang mangkok sa bedside table at biglang hinila si Min Hye pahiga tsaka niya niyakap ang dalaga.

"I wish we can stay like this forever." Ani ni Hunter.

"Did you know that forever didn't exist?" Tanong ni Min Hye.

"It does. Love does exist forever pa kaya." Ani ni Hunter.

"Pati pagmamahal nawawala noh." Ani ni Min Hye.

Umiling iling naman si Hunter na para bang hindi sumasangayon sa sinabi ni Min Hye. "It does, trust me I'll be the one to show it to you." Ani ni Hunter.

"How?" Takang tanong naman ni Min Hye.

"By loving you endlessly. I'll engrave your name to my heart so I'll wont forget you." Ani ni Hunter.

Bigla namang hinawakan ni Hunter ang kamay ni Min Hye. Min Hye suddenly like this position its so calming and comfortable or is it because she is with Hunter.

"Me too... I'll love you endlessly." Ani ni Min Hye tsaka humarap kay Hunter at niyakap siya.

"Even if we are apart?" Tanong ni Hunter. Bigla namang napaisip si Min Hye dahil sa tanong ni Hunter.

She felt like it has another meaning and she didn't like it.

"Yeah..." mahinang sabi ni Min Hye. Naramdaman naman niya ang paghigpit ng yakap sakanya ni Hunter.

"Me too." Ani ni Hunter.




To be continued.

Hi guys! Sana ay naenjoy niyo ang chapter na ito!

Quick update lang po ito dahil may pasok na po ako bukas so baka hindi po ako makapag update ulit kaagad.

See you sa next chapter!

-Author

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon