Chapter 15

40 3 0
                                    

HINDI man nakikita ni Min Hye pero ramdam niya ang tingin ng mga tao sa paligid niya. Hindi siya makaimik kundi para lang siyang naistatwa sa kinatatayuan niya.

"I'm sorry." Ani ni Hunter habamg iniabot sakanya ang bouquet na hawak niya. "W-what are you doing here?" Ani niya. Hindi siya makatingin ng maayos kay Hunter dahil alam niyang madamimg tao ang kinukuhanan sila ng litrato.

Nabigla siya ng hawakan ni Hunter ang kamay niya at hinila siya palayo doon. Tumingin siya sa paligid at napahinga siya ng malalim ng makitang wala ng masyadong tao.

"Sorry, I just want to spend time with you. Can I?" Ani ni Hunter. Hindi siya sumagot bagkus ay nanatili siyang nakatingin kay Hunter.

"Silence means yes so I take that as a yes." Ani ni Hunter at hinatak siya papunta sa kotse ng binata.

Ang rupok mo talaga self! Akala ko ba galit ka sakanya!

Napakamot siya sa batok niya dahil sa naisip niya. Inaamin naman niyang marupok siya at onti na lang talaga ay bibigay na siya kay Hunter!



NAKARATING si Min Hye at Hunter sa destinasyon nila pero pagabi na kaya wala ng masyadong tao, pero ayos lamang 'yon kay Min Hye para sulit ang bonding nila ni Hunter.

Inilibot ni Min Hye ang paligid at namangha siya dahil maraming puno at kada puno ay mayroong fairy lights kaya naman maliwanag ang paligid kahit magagabi na.

May iba't ibang shops din sa mga gilid gilid kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa bilihan ng mga sapatos dahil ang sakit na ng paa niya dahil sa suot niyang heels.

"Halika samahan mo ako bumili ng sapatos." Ani ni Min Hye sabay hila kay Hunter. Binati sila ng sales lady at tinanguan lang naman niya 'yon.

Pinili niya ang white sneakers para kahit ano mang outfit ang isuot niya ay babagay pa din.

"Gusto mo din ba?" Tanong ni Min Hye kay Hunter.

Umiling iling naman si Hunter bilang pagtanggi niya sa alok ng dalaga. "Madami ka ng binili saakin na sapatos." Ani ni Hunter.

"Edi dagdagan natin." Ani ni Min Hye. Napabuntong hininga si Hunter at pinagkrus ang dalawa niyang braso habang pinagmamasdan si Min Hye.

Hindi akalain ni Hunter na matatagalan sila dahil inisa isa nila ang mga shop at madami na din nagastos si Min Hye pero wala ata itong balak tumigil.

"Akala ko ba sapatos mo lang ang bibilhin mo dahil masakit ang paa mo?" Ani ni Hunter habang nakatingin sa mga paper bag na hawak niya at ang iba ay hawak din ni Min Hye.

"Sumakit na ang lahat sakin pero hindi ang bulsa ko." Ani ni Min Hye habang nakasmirk pa. Napailing iling naman si Hunter dahil doon niya narealize kung gaano kagastos si Min Hye.




NAKAHINGA ng maluwag si Hunter ng mailagay niya ang mga pinamili ni Min Hye sa compartment ng sasakyan. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lakad nilang dalawa bagkus ay bumalik ulit sila sa park.

Nakita niyang suot suot na ni Min Hye ang sapatos na binili nito pero hindi maayos ang pagkakasintas non kaya lumapit siya sa dalaga at siya na ang nagkusang mag ayos ng sintas.

"Pati pag sisintas hindi mo alam? Bata kaba?" Ani ni Hunter.

"Hindi naman ako nasanay sa sneakers noh! Lagi kasi akong nakaheels." Ani ni Min Hye.

Ng matapos isintas ni Hunter ang sapatos ni Min Hye ay humarap siya sa dalaga at biglang inakbayan na ikinagulat ni Min Hye. "Anong ginagawa mo? Mamaya may makakita saatin!" Ani ni Min Hye.

"It's fine." Ani ni Hunter, gulong gulo ang isipan ni Min Hye dahil sa sinabi ng binata.

Napatingin naman si Min Hye sa madilim na kalangitan atsaka napatingin sa relo niya. Alasais na ng gabi at kaonti na lang ang tao kaya payapa ang paligid.

Umupo sila sa bench at doon niya lang napansin ay nasa bundok sila dahil nakita niya ang ibaba at rinig na rinig niya ang malakas na hampas ng alon mula sa itaas na kinauupuan nila.

"Beautiful isn't?" Nakangiting ani ni Hunter habang nakatingin sa mapayapang karagatan. Tumango tango naman si Min Hye bilang pag sang ayon sakanya. "Relaxing." Sambit ni Min Hye.

"They're probably looking for me." Biglang sabi niya. Tinutukoy niya ang production team na kasama niya kanina at si Anna.

But... I don't mind.

"Did you know that I search all of your social media accounts on the internet last night." Ani ni Hunter. "Even your issues and rumors." Ani ni Hunter. Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ng binata.

"Even your worst day of your life are there and I thought it might be exhausting for you." Ani ni Hunter. "Am I right?" Paninigurado niya.

Napatingin si Min Hye kay Hunter. Hindi niya alam pero sa mga puntong iyon ay mabilis ang pagtibok ng puso niya.

Why do I have to feel this kind of affection towards Hunter.

"You must be tired seeing your worst day spreading through the internet whil you are trying so hard to forget that memory." Ani ni Hunter.

Napatango tango siya at hindi niya maiwasang hindi mapigilan ang pagtulo ng butil sa mga mata niya.

Why does he sounds like he knew my pain. He knew what I feel and why does it sounds like he already know who am I before we met.

Ang bawat salita na binibitawan sakanya ni Hunter ay parang tinatamaan siya dahil para sakanya ang mga sinasabi ng binata ay totoo.

"You may not tell me about your darkest moment of your life but I can feel it. I can feel how heavy, how hard it is to feel all by yourself."

Nagkatinginan sila ni Hunter sa mata habang siya ay kitang kita ang lungkot sa mga mata niya habang ang binata naman ay nginitian siya at marahang hinawi ang buhok na humarang sa mukha niya.

"I also can feel your pain by looking at your eyes. How unfair is that? But its fine for me well atleast I can show you my empathy." Ani ni Hunter.

"Why are you saying this?" Tanong ni Min Hye. Nginitian lang siya ni Hunter.

"I don't know how to say this but I want to be with you through ups and down. I'll be your shoulder when you feel down." Ani ni Hunter. "Do you want to give it a try?"

Hindi nagsalita si Min Hye bagkus ay nakatingin lang sila sa isa't isa.

I finally found him... the man that I'm dreaming for the rest of my life. The man that wont make me feel that I'm a burden to him, A man that wont evalidate my feelings and mostly, A man that is willing to stay by my side.


To be continued.

Mapapasana all kana lang talaga sa mga fictional character! Kakainggit!

Thank you for reading guys! Baka by friday or saturday na po ulit ako makapag update dahil may pasok na ulit bukas!

Again! Don't forget to vote and comment po!

-Author

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon