Chapter 16

30 2 0
                                    

NAKASAKAY na si Min Hye sa kotse ni Hunter habang si Hunter naman ang nagmamaneho. Hindi niya maialis ang tingin sa binata, hindi siya makapaniwalang magagawa pa niyang mag mahal ulit.

"Kanina kapa nakatingin sakin. Baka matunaw naman ako nyan." Nakangiting sabi ni Hunter habang nakatuon parin ang atensyon sa daan.

Napangiti si Min Hye dahil sinabi ng binata. "Gusto ko lang maging pamilyar sa mukha mo." Ani ni Min Hye habang hindi pa din inaalis ang tingin kay Hunter.

Saglit namang napatingin sakanya si Humter at hinawakan ang kamay niya habang nakatuon pa din ang atensyon niya sa pagmamaneho. "Nakikita mo naman ako araw araw ah? Baka mag sawa ka naman niyan." Ani ni Hunter.

Umiling iling si Min Hye but suddenly she felt sad pero hindi niya 'yon pinakita kay Hunter bagkus at mapait siyang ngumiti at umiwas ng tingin.

Why do I have this bad feeling...

"Bakit bigla kang natahimik dyan?" Tanong ni Hunter habang si Min Hye ay umiling iling lang bilang sagot sa tanong ng binata.

NG makarating sila sa bahay ni Min Hye ay pinagbuksan niya ng pinto ang dalaga.

"Bye!" Ani ni Min Hye. Papasok na sana siya sa loob ng biglang hawakan ni Hunter ang kamay niya para pigilan siya kung kaya't nakuha non ang atensyon niya.

"May I hug you?" Paghingi niya ng permiso habang nakalahad ang mga braso niya, hindi naman niya inasahan ang susunod na ginawa ng binata dahil hindi pa siya nakakasagot ay bigla na siya nitong niyakap.

"I miss you." Ani ni Hunter. "I already know your story so no need to tell and bring back your past." Ani ni Hunter.

Hindi mapigilang hindi mapangiti ni Min Hye dahil kanina pa siya nito pinapakilig dahil sa mabubulaklak na salita ng binata.

"Why do you keep making my heart pound?" Ani ni Min Hye habang nakayakap pa din sila sa isa't isa. "It's because I'm already graduated on making a girl fell in love." Pabirong ani ni Hunter. Bigla naman siyang nahampas ni Min Hye sa braso at sinimangutan siya.

"Biro lang 'yon!" Natatawang sabi ni Hunter. "Huwag mo akong pagisipan na babaero ka baka mamaya magsisi ako sa desisyon ko!" Ani ni Min Hye sabay irap kay Hunter.

"Dyan kana nga! Che!" Masungit na sabi ni Min Hye at walang sabi sabing pumasok ng gate habang rinig na rinig parin niya ang halakhak ni Hunter.

Napairap sa hangin si Min Hye tsaka pumasok sa loob at dumiretso sa kuwarto niya. Pabagsak siyang humiga sa kama niya dahil sa sobrang pagod.

...

Nagising si Min Hye sa madilim na paligid at tanging mga bituin lang ang nakikita niyang maliwanag kaya inilibot niya ang paningin niya sa buong paligid. Walang tao, walang sino man ang naroon para pag tanungan niya pero mayroong mga kabahayan at mga puno. Malakas rin ang simoy ng hangin kaya napayakap siya sa sarili niya.

"Nasaan ba ako?" Tanong niya sa sarili. Napatingin siya sa bahay na nasa gilid niya. May nakiga siyang kandila kung kaya't pumasok siya doon.

Napatigil siga ng may makitang babae na nakatulala sa bintana na para bang malalim ang iniisip niya pero mayroon siyang hawak na pluma at papel at tanging kandila lang ang nag sisilbing liwanag niya sa madilim na lugar.

Isinara niya ang pinto na aksidenteng gumawa ng ingay para mapalingon ang babae pero hindi 'yon ang nag pagulat sakanya dahil napatigil siya ng makitang kamukha niya ang babae at tumingin ito sa direksyon niya.

Malakas anv pagtibok ng puso niya na para bang ang lakas lakas noon para marinig ng babaeng kamukha niya ngunit ang hindi niya inaasahan ay nilampasan lang siya non na para bang hindi siya nakita.

"Patay na ba ako?"

"Hindi pa!"

Pinakiramdaman niya ang sarili niya at hinawakan niya ang dibdib niga kung saan ang direksyon ng puso niya at pinakiramdaman niya 'yon.

"Humihinga pa ako at normal naman ang heartbeat ko!"

"Bakit hindi niya ako napansin?"

Dahil sa takot niya ay lumabas siya at tumakbo. Tumakbo lang ng tumakbo si Min Hye kahit na nadadapa na siya ngunit pinipilit niya paring tumayo hanggang sa makarating siya sa pamilyar na lugar.

Tinignan niya ang paligid at napaigtad siya ng makitang maraming patay na nakahandusay sa lapag. Para siyang naistatwa sa kinatatayuan niya at parang nag papalpitate na ang puso niya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mayroon siyang naaninag na pamilyar na rebulto.

"Hunter..."

Malayo 'yon pero kitang kita paein niya dahil tandang tanda niya kung ano ang itsura ni Hunter. Hindi siya pwedeng magkamali dahil ang lalaking tinititigan niya lang kanina ay puno ng sugat at hinang hina na.

Tatakbo sana siya palapit kay Hunter ng biglang may sumugod na lalaki sa likod ni Hunter at tatangkain sana siyang saksakin ng biglang mabilis na nakailag si Hunter at sinanggi niya ang sandata ng kalaban gamit ang sandata niya.

Napailing iling si Min Hye habang may tumutulo na luha sa mga mata niya. Gulog gulo na siya sa mga pangyayari at hindi niya alam kung bakit hindi siya nakikita ng mga 'to.

"HUNTER!" Sigaw niya ng biglang napaluhod si Hunter sa sahig dahil nasugatan ang kaliwang binti ng binata.

"HUNTER!" Napasigaw si Min Hye at biglang napadilat. Pinagpapawisan siya ng malamig at sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya na para bang sasabog na 'yon.

Hindi siya nag dalawang isip na bumangon at kaagad niyang hinanap ang diary niya at isnulat niya ang napanaginipan niya.

Napagdesisyunan niya na simula ngayon ang lahat ng mapapanaginipan niya ay isusulat niya.

Hindi pwedeng walang rason ang mga panaginip ko...

Sa mga nagdaang araw at ngayon ay pare parehas lang ang mga napanaginipan ko.

Maybe there's a hidden mystery that I have to solve...

Pagkatapos isulat ni Min Hye ang napanaginipan niya ay bumalik siya sa higaan niya at napagdesisyunang hindi na matulog dahil sobra siyang natakot sa panaginip niya.

Mamayang gabi na lamang ulit siya matutulog dahil hindi pa siya handa sa susunod niyang mapapanaginipan.

Napatingin siya sa orasan. 3:15 am.
Kung kanyang icacalculate ay mahigit sixty minutes siyang nastuck sa panaginip niya which is equivalent to one hour...




To be continued.

Mystery reveal na ba? HAHAHAHAHAHAHAHA

Hint: connected si Min Hye sa panaginip niya.

Sa tingin niyo bakit?

Kindly comment down below your insights and don't forget to vote this chapter!

UNTIL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon