Daemon's POV
The next day....
Nagpaalam akong umabsent muna sa trabaho. Eto kasi ang araw na ikakasal ako.
Sa totoo lang kinakabahan ako kahit na kasama ito sa deal namin ni Reese. Mamayang hapon pa naman gaganapin ang kasal namin sa isang munisipyo.
Mabuti nalang at may kaibigan si Theo na may kakilalang mayor. Kaya napabilis ang pagkuha namin ng appointment sa kanya.
Pwede naman sanang magpagawa ako ng pekeng marriage certificate. Ang problema lang eh masyadong mabusisi si Lolo sa lahat ng bagay. Hindi siya naloloko ng ganun kadali.
Kaya wala akong choice kundi ang magpakasal ng totoo kay Reese.
Paalis na ngayon ako dito sa condo ko at tutuloy ako sa café para sunduin si Reese. Tinawagan ko siya kanina at tinanong kong saan ko siya susunduin at ang sabi niya sa café nalang daw.
Nandito na ako at naglalakad papuntang café ng may mapansin akong lalaki na naka suot ng sombrero na nakatayo sa gilid ng shop habang nakatingin sa loob.
Lalapitan ko sana ito ng mapansin niya ako at agad na umalis. Hindi ko nakita ang mukha niya pero parang pamilyar ang kanyang pangangatawan.
I think it's Micheal, Reese stalker.
Dahil umalis na ito hinayaan ko nalang at tumuloy na sa loob.
"Sir, Daemon good morning Po." Bati ni Mary sa akin.
"Good morning din. Nandito baba si Reese?" Tanong ko.
"Nasa kusina. Sinasabihan ko na nga na wag ng magtrabaho pa pero makulit. Teka lang tatawagin ko." Napatango ako.
Naupo muna ako sa upuan habang hinihintay si Reese.
"Daemon? Ang aga mo naman yata?" Napatingin ako sa kanya.
"Excited ka no." Dugtong pa niya at ngumiti sa akin.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. "Of course not. I just want you to meet my friends before the-----" tumigil ako at napatingin kay Mary.
"It's okay. Na kwento ko na kay Mary ang lahat tungkol sa deal natin. Hindi kana niyan tutuksuhin." Reese
"For Reese and Skye safety and excited na ako. Malay niyo naman diba, yong deal eh mauwi sa totohanan." Mary. May nakakalokong ngiti pa ito sa aming dalawa ni Reese.
Napatingin naman ako kay Reese para tingnan ang reaksyon niya. Pero nakatingin din ito sa akin.
Nginitian lang niya ako.
"Umm.. Tara na?" Sabi ko nalang.
"Okay. Mary?" Reese
"Mauna na kayo, tutulungan ko na muna si Diane dito. Text mo nalang sakin ang address at ako nalang ang pupunta." Mary
"Sige."
Lumabas na kami ng café at tumuloy sa sasakyan. Mabuti nalang at mabait na amo si Mary. Siya kasi ang may-ari ng café na pinagtatrabahuan ni Reese. Nung una nga akala ko isa din siya sa mga empleyado na nagtatrabaho doon.
"Worried?" Tanong ko kay Reese habang nagmamaneho na ng sasakyan.
"Hindi naman may iniisip lang ako." Sagot niya.
"About what?"
"About backing out...."
"Ano?" Bigla akong napapreno ng sasakyan.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Biro lang." Sagot niya.
"Hindi magandang biro yan." For a moment ay kinabahan ako.
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
RandomDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...